Friday, November 30, 2012

My Tarot Reading

Nashare ko na dati na bumili ako ng Tarot card reading book with tarot card na kasama. Well.... hindi ko nagamit sa pansariling pagbabasa ng kapalaran at nakatago lang sa bahay yung tarot card. Pero heniwei, kanina lungs, magkausap kami ng batchmate ko na itatago ko sa pangalang Honeylou at naengganyo ako na magvisit at magpahula sa isang online tarot reading.... At heto, ishashare ko ang hula-hoo sa akins. :p

1. How do you feel about yourself now?


You want love or a new love in your life and a new relationship is in the offering. Even if you are not thinking about love, you're in for a surprise. If faced with a choice this is an important one and could affect the rest of your life.

2.What you most want for this moment?


The cards suggest that what you most want at this time is some joy and pleasure in your life, perhaps a long needed holiday in the sun to re-charge your batteries. You may have been through a period of challenges or a time of limbo and inactivity. The Sun heralds an ending to difficulties and a time to celebrate with friends and loved ones, a time of pleasure and good news around children or the conception or birth of a longed-for baby.

3. You fears.


You are afraid your world is falling apart, you're experiencing sudden changes and disruption and you don't quite know what to do. Perhaps subconsciously you've wanted a solution to an issue but didn't quite expect things to have turned out as they have. Use this change as an opportunity for a new beginning. If you have been planning to move home you will be experiencing setbacks.

4. What is going for you.


Brave heart! Your self-confidence and courageous spirit is unstoppable at the moment. Be patient and compassionate, self-disciplined and strong and you will reap great rewards for your courage.

5. What is going against you?


A run of bad luck here, perhaps already evident or certainly signs that things are not going your way. The responsibility of important decisions weigh heavy with you where there are choices to make. Trust your intuition, and even if you have to make the painful decision to give up something in order to move on, then have the courage to do it. Trust that The Wheel of Fortune constantly turns and whilst it may be against you at the moment it will in time turn and bring you good fortune. 

6. Outcome


Success, fulfillment and conclusion are near at hand - the successful outcome to a venture, satisfaction in a relationship and efforts rewarded. It is a culmination of events and indicates material wealth and greater spiritual awareness. You may choose to buy that dream house or a wonderfully fulfilling relationship is on offer, enjoy!

Alam mo yung feeling na spot on ang hulabaloo ng reading... yung sapol na sapol at tinamaan ako ng subrax! 

Kung nais niyo din mahulaan via tarot card, try the link here 

O cia, hanggang dito na langs muna! Tekker!

Thursday, November 29, 2012

All I Want for Christmas


All i want for christmas....... is you! wow. napakanta ba kayows? Heheheh, ilang tambling na lang, december na.... at dapat knows na knows nio kung anong meron kapag december.... ito ay ang araw ng mga puso. joke lang. Syempre ito ay ang kapaskuhan. 

At tuwing pasko.... inaantay ng mga worker bees na tulad ko ang..... Christmas bonus (let's sing: Kaya't ibigay nio na.... ang aming christmas bonus! Pati na ang 13th month pay... para lahat okay na okay!). At pag may christmas bonus, shempre may cash. Pag may cash, may pang shopping. Pag may pangshopping, may pangregalo sa exchange gift ganyan!

At dito ko na isisingit ang pinaka-topic for today.... Yung all i want for christmas tagging. Nakatanggap kasi ako ng tag-tag-tag so i make gaya na din. eto ang rules na sinotto-copy-paste.

Rules and Regulations: (meganown?)

1. Kindly use the same title and as well as the first second photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).

4. Send me the link so I could check it out too.

At heto na... heto na... heto na.... waaaaaaaa...... doooobieeee.... joke.


1. Kokology Book- ang  book na ito ay naglalaman ng mga katanungan at kasagutan na magbibigay linaw sa iyo tungkol sa iyong personality ganyan. pa-google na lungs kung nahihirapan kayong alamin kung ano ang kokology. Basta hindi sya pag-aaral ng koko.


2. Harry Potter Set- Kahit sabihin pa nilang tapos na ang harry potter, gusto ko pa din magkaroon ng own copy ng libro ni harry. E kasi naman, nabasa ko nga yung HP pero via panghihiram sa klasmeyt o kaya sa library ang nigawa ko. Gusto ko ng sariling books ko.


3. One Piece Gashapons- fanatard ako ng one piece at nangongolekta ako ng one piece mini figures kaya naman pasok sa akin ang ganitong laruan.


4. Groupon for Manila Ocean Park- Yung last time na bumili ako ng voucher para makapunta at ma-experience ang Manila Ocean Park.... e yun yung time na binaha kami ng habagats. So this december, gusto ko makapunta, makapasok at maranasan ang Manila Ocean Park tour.


5. Samsung Galaxy S3- 3 years na tong current phone ko na Samsung Star Wifi at kailangan na siguro mapalitan. At kung sakaling mapapalitan.... dream high diba? So dapat yung uso ngeyon. heheheh.


6. Toy Dogs- Kahit na bawal ang aso dito sa tinitirhan namin.... parang ansarap magkaroon ng alagang aso na uber cute and uber fluffy. Yung pwedeng ilagay sa bag tapos go na kayo. Or pede ding lagyan ng tali tapos i-walk-walk mo sa malls na pede ang doggies.

At for the tagging..... bahala na po ang visitors ko for this post sa pag tag sa sarili. hehehehe. I'm a bit lazy so amalazy.

O cia, hanggang dito na lungs. Take Care!

Tuesday, November 27, 2012

Random for the nth time!

Wazzaps! Am back! Medyo madami-daming nanyare at dahil dyans, alam na..... mag random tayo. hahahaha.


1. Nag-file ako ng 2 days na vacation leave para makasama sa team building ng department namin. Hakala ko swimming-swimmingan na parang outing yun... mali. talagang team building ang ginawa... as in activity to build bonding with new folks sa opis ganyan.

Pink Team (partial/unofficial)

2. Hokay naman ang nangyare. Fun times at meron ding tough times sa challenges. Tapos merong nakakahiyang moment kasi isinali ako sa drinking game kung saan kelangan umubos ng 2 san mig light ng naka-straw. It's so dyahe. :p

Tawid sa logs eklat challenge

Sopdrinks ba ang beer? iniistraw?

3. Sad part ay since naghesitate akong bumili ng digicam dahil sa kakuriputan/ nag-aalangan, wala akong sariling kuha ng place at pangyayare. mga grabbed and tagged photos lang sa mga kakilala ang meron akow.

4. Diba nawento ko sa inyo na may kris-kringle sa opis. Sa sobrang excitement ko... aba, today, nabili ko na yung gift at nabalot ko na agads. Ako na ang parang bata na nagalak sa laro.

5. Dahil sa activities lately.... nabusy me kaya yung isang laro sa facebook na inaaaraw-araw ko.... ayun... medyo lay-low muna. 

6. Yung moment na ang size 36 na pants, nasosoots ko na ulit. Feeling ko i'm size 37 na lungs. Sana magtuloy-tuloy ang pagpayat kahit di ko talaga ineeportan.

7. For this month at possibly by december, right after ng tuesday shift ko, baka matagpuan ninyo ako sa megamall na kakalat-kalat/palaboy-laboy. Mahilig ako tumambay lately sa mega or gale. heheheh.

8. Nagoyo ako sa DVDhan sa st. francis square. Yung 3 for 100 na peliks na binili ko pero nung pag-uwi ko, napansin ko na dalawa lang yung peliks na nilagay sa plastic. Makakarma din yung tindero. pakshet sya. Tutubuan sya ng bulate sa butas ng pwet niya.

9. Kung fb or twitter friends ko kayo, pasenysa na sa medyo pag spam ko ng kung ano-anong quotes and banats. Wala lang ako magawa. Feel ko lang mag-emo-emohan or bitter-bitteran minsans.

10. Magdedecember na at nakaka limang iztiker pa lang me sa starbaks. Palimos nga ng sticker!

O cia, Take care folks!

Monday, November 26, 2012

Buhay Survivor

 
Ang buhay ng isang nagtratrabaho ay parang pagsali sa reality show na Survivor. Mag-isa kang sasabak sa isang isolated na lugar kung saan di mo alam ang environment mo. Sasabak ka sa isang lugar kung saan wala kang kakilala at tanging sarili at kakayanan mo lang ang baon mo upang magtagal.

Pagpasok mo, magkakaroon ka ng chance na masilayan ang mga ibang taong nakikipagsapalaran din. Magkakaroon kayo ng first time to size up possible ally or foe. After that, you will be divided into teams. Goodluck ang ihihiling mo sa sarili.

Sa iyong team, magkakaroon ng chance para makasalmuha mo ang mga makakasama at makakatrabaho. You like it or not, sila ang ikokonsidera mong pamilya. 

During challenges, dito magkakaalaman kung ano ang kakayanan mo at ano ang kakayanan ng iyong mga kasama. Team effeort ito. Tulungan. Sama-sama. Lalaban. Kasundo mo man o hindi, dapat work as one.

After ng challenges.... it's either marecognize ang trabaho nio o hindi. Parang kahit magkanda-pagod kayo.... kung hindi kayo ang nagtagumpay... well sorry. walang reward. Masaklap nito.... immunity challenge pala ang nilaro nio. deads.

Kung inalat ka at natalo kayo.... dito na magkakaroon ng pagbabago. It will be evaluation of performance. Ikaw ba yung humila sa grupo? Isa ka bang weakling? Mababa ba iskor mo? Dito sa parteng ito magkaka-alaman.

Sa puntong ito, sa trabaho.... it will be your choice whether you wish to go on and give a fight or pede ka ding magdrama at mag-inarte kung susuko ka. Resign o hindi? Pero sa laro ng survivor, tatanungin ka kung mag-quit ka o madami ka pang drama na pagpapapansin bago ka maalis.

Ang trabaho ay parang survivor tribe/ team. Kayo ang family... pero at the end of the day..... may heirarchy. Kung sakaling walo kayo.... malalaman mo kung sino ang dikit at sino ang outcast. Sorry ka na lang kung ikaw ang huli at kulelats.

Work life ay parang twist ng survivor... Puwedeng may EXILE island. Yun yung tipong ilalayo ka sa tribe mong mahal para iwan ka sa isang isla upang danasin ang pag-iisa at kalungkutan. You will be living on your own. Alone. Nobody to confront. Walang makaka-usap. 

Pag nasa-exile ka.... di mo alam kung magbabago ang rank mo sa tribe. Di mo masasabi at mapapaniwala ang sarili na part ka pa. Hindi mo mamamalayan.... you're next to go.

Sa trabaho... parang botohan.... yung mga kakilala mo at nakasama... maya-maya unti-unti silang mawawala. Ang mga nag-quit ay nag-resign. Ang mga na-vote-out ay parang na-promote. Maaring maiwan ka o kayo. Malamang sa malamang pa... may Merge. Panibagong pakikisama sa ibang tao. 

Ang pagtratrabaho mo ay parang pag-istrategy mo sa survivor. Ikaw ang bahala kung gusto mong maglaro ng may integrity o hahayaan mong lumabas ang inner demon mo. Be good or be bad.... it's all up to you.

Tapos.... parang sa reality show.... you may played a good game.... yet the viewers may tagged you as a villain depending on their own perspective. Parang mga taga-check ng performance mo.... Sila ang maghuhusga sa iyo kung saan ka ba mahahanay.... Heroes or Villains.

Immunity..... eto ang ang kakailanganin mo para magtagal sa trabaho. Dapat makuha mo to. Hindi pwedeng hindi. It's either makuha mo ang immunity idol sa challenges or mahanap mo ang hidden immunity idol para maproteksyunan mo ang sarili mo.

Sa huli...... sariling disarte mo ang magtatalaga sa iyo kung hanggang saan ang journey mo sa game o sa trabaho. You're game will define you're place.

Para sa akin... siguro nadanasan ko na ang first half. Been a new castaway. Had a tribe. Have friends got eliminated. Been scrambling from different ranks to another. Na-homesick at naisip kung mag-quiquit. Pero nagdecide to stay. Na-experience ko na din na ma-ranked as weakest of the tribe.... Had ups- and downs. Experienced rewards. Napunta sa merge.... 

Until now, still fighting... looking and fighting for that immunity idol. Pero di ko alam... Mukang andami pang twist sa laro na ito. As of now.... kumonti man ang alliance ko.... i will try to push myself to the limit until possible one day, i can be a sole...... SURVIVOR.
 
*-*-*-*-*-*-*
Ang post sa itaas ay ginawa ko November last year. Funny how na nakakaramdam nanaman ako ng ganito lalo na at kagagaling ko lang last weekend sa Team Building activity ng opisina.
 
Feeling ko.... mas naubos na ang alliance ko. Konti na lang yung kakilala. Pero nasa moment pa din na kinakaya ang kung ano mang anik-anik na dumadating sa worklife.
 
I'm still holding on.
 *-*-*-*-*-*-*-*
Pasensya na sa medyo ma-emo repost. Happy Monday sa inyo!

Friday, November 23, 2012

Kris Kringle! Something-Something!

Hey! Tenks God itz Friday! Hifhif Hooray! O magpartey-partey na ang mga may restday ng sabado at linggo. Pero tandaan, drink moderately.... landi responsibly (napulot kay pesbuko).

Kaninang madaling araw, nagkaroon na ng pagpapasya sa team namin na magkakaroon kami ng kris kringle. Yep, tama basa ninyo, kris kringle.... Yung monito-monita sa ibang katawagan. Basta hindi yung plain sexchange gip... no-no-no... Hindi po ito yung wantaym-bigtime na palitan ng regalo. Parang back to school mode lang na may bunutan at per week merong something-something!


For our kris kringle, magkakaroon ng apat na weekly finals tapos isang grand finals. Meaning 4x na makakatanggap kami ng minor prize worth 100 peysows at isang 500 peysos worth para sa Grand Finals.

note: di na kami gumawa ng codename-codename like the usual stuff sa schooldays kaya medyo nabawasan ng 1 point ang fun. hahhahah.

Kung curious kayo kung anong something-something namin.... sige, shashare ko.

For week 1, Ang theme ay something reminiscent of your childhood. In short, something from the past. pero syempre since i'm so young.... dapat something in the year 2000 above. lols.

For week 2, something sexy naman ang matatanggaps. Di ko lams kung something PORN or something Naughty ang pedeng ikategory dito. Lols.... Ready na ang piniratang bembangan at boomboompow as gift. :p

Sa week 3, something unique ang peg. Di pa ako makaisip kung ano ang something unique na pwedeng regalo. Hmmm... Whisper with wings na ginagawang teabag ni Edward Cullen kaya ang ibigay ko? Watchatink?

Last ay ang week 4's na something cute. Well, balak ko sanang iregalo sarili ko o kaya mga blogger friends ko kaso syempre alam kong sobra-sobra tayo sa worth 100. Baka bumili na lungs me ng stuff toy na kakaiba pero cutie.

At dahil sa pangyayareng to.... nagkaroon ako ng slight plasbak from my elementary at HS years kris kringle. Share ko ang ibang kategory na napagdaanans ko noong kiddo pa me.

Something Sweet- Eto ang laging pasok sa kategorya. Syempre.... madaling pag-isipan. DI na kailangan imemorize na chikiting.... Kailangan magbalot ng isang kilong asukal! Joke. Madalas chocolate or kendy na dapat sakto sa ceiling prize.

Something Red- Eto, bad trip ako noong eto yung category na binigay. Bakit? Though madali lang makahanap ng RED na APPLE, aba... so expect ko na na mansanas ang makukuha ko, keri na din... pero nyeta... ang nakuha ko ay..... PORK and BEANS! Yun pa naman yung days na biglang ayaw na ng sikmura ko ang lasa nun. kainis.

Something Long and Hard- Uy! ang darteeeh-darteeh ng mind. Hindi po sinabing something long, hard and growing! Ano to? puputol kami ng..... bleep... Madalas dito ay candy cane pero may basag trip kang kaklase na ang binigay ay isang pirasong stick ng ARNIS. like, dipa ginawang pares para pinang-hataw ko sa nakabunot sa akin.

Something Soft- Kanina matigas... ngayon nanlalambot na. wahahaha. Pero dito naman pumapasok ang gift na madalas ay marshmallow at pag pakingshet talaga.... Softee tissue or bulak ang matatanggap mo. Saklap... buti pa sana pestawel!

Something Funny- Noong elementary ako at eto yung sinabi... wala akong maisip noon kundi clown na figurine or something likethat. Pero since yun yung time na may money matters, makikigaya na lang sana ako na drawing ng kung anong sa tingin namin ay nakakatawa tas may 20 petot. Pero ang best gift dito ay yung eksenang anlaking kahon ang ibibigay tapos balot na balot dami ng dyaryo yung super liit na gift. Tatawa ng tatawa mga kaklase mo dahil tapos na ang time, di pa bukas yung gift nung binigyan mo.

Something Yucky- Well usong-uso noon ang blue magic na nagbebenta nung hinayupak na ipot/taeng twinirl so eto ang madalas na matatanggap ng mga students.

Yan lang yung mga tumatak na category sa akin... hehehe... Pero i don't know... nakakamiss pala ang kris kringle. hehehehe.

Kayo? Can you share some experience... hindi sexperience ha, kris kringle moments. hahahah. (wow, may interaction with readers... may ganun na sa kwatro khanto?)

O cia, Take Care!

Thursday, November 22, 2012

Huwag mong Buhayin ang Patay 5


Umuwi ng bahay si Kat upang pag-isipan ang mungkahi sa kanya ng kanyang kaibigang si Eliza. Kailangan niyang magdesisyon kung papatusin niya ang balak na buhayin ang namatay na asawa.

Humiga si Kat sa kama at dama niya ang pag-iisa. Tinitigan niya ang bakanteng lugar kung saan nakapwesto ang kanyang asawa tuwing gabi. Dinadama ng kanyang kamay ang unan at bumalik sa kanyang alalala ang mainit na pakikipagtalik niya kagabi... pakikipagtalik sa espiritu ng kanyang mahal.

'huwag mong buhayin ang patay'

May tila bumubulong kay Kat habang sya ay nakahiga sa kanyang kama.

Kasabay ng pabulong na salita ay biglang may malamig na hangin na nadama sa loob ng kwarto si Kat. Makalipas ang ilang sandali ay may biglang kumakatok sa pintuan.

Naalimpungatan at nagulat si Kat dahil sa pagkatok. Paanong may makakakatok sa pinto ng kwarto kung siya lang naman ang tao sa bahay. 

Bumangon siya at pinuksan ang pintuan at nakaramdam siya ng pagtayo ng balahibo sa kanyang leeg. Walang tao tulad ng inaasahan niya subalit nagtataka padin siya kung bakit nakarinig siya ng katok sa pintuan.

-=-=-=-=-=

Enzo: What are you doing? San mo dadalhin ang katawan ni Dan?

Kat: Sikreto! Sikretong malupit!

Enzo: Pota ka! Patay na nga ang asawa mo kung ano-ano pa ang balak mong gawin! Iburol na yan at paglamayan para may pa-kape at pa-biswit with matching tong-its and everything!

Kat: Iyown.... iyun pala ang gusto mo.... ang makahigop ng libreng 3in1 na kape! E di sana sinabi mo na lang at ililibre kita sa 711.

Enzo: Ay pota! Akala ko Starbucks... 711 lang pala. badukis!

Kat: Tigil-tigilan mo nga ako! May atraso ka sa akin...remember?!

Enzo: Ulol!  Wala akong atraso! Sinunod ko lang request ng asawa mo! Pero saan mo nga dadalhin yang Cadaver ni Dan?

Kat: Cadaver-Cadaver.... wag mo nga akong dinadaan sa english! It's nosebleeds... dictio puhleees! Saka kaya ko ito gagawin ay nais kong mabuhay si Dan! Gusto kong mabuhay siya.

Enzo: Bubuhayin mo ang patay?

Kat: Hindi! papatay ako ng buhay! Pak yu! Kakasabi ko lang diba!

Enzo: Are you out of....

Kat: Wat? Out of control? Out of service? out of stock?

Enzo: Bobita! Out of your mind ang gusto kong sabihin! Besides..... nagpapaniwala ka na posibleng mabuhay ang patay?! You're a crazy bitch!

Kat: So yor teling me i'm a bitch? I'm a lover, i'm a child, i'm a mother...i'm a sinner... i'm a saint... i do not feel ashamed!

Enzo: Yeah right pero sinasabi ko sa iyo... late na ang plan mo kasi.....

Bago pa man matapos ang sasabihin ni Enzo kay Kat ay nakalarga na ang asawa ni Dan kasama ang bangkay.

-=-=-=-=-=-

Kat: Are we there yet?

Eliza: Eksayted? Kasasakay lang natin kasama ang bangkay ng asawa mo tapos magtatanong ka kung andun na tayo? May attitude?! Matulog ka muna! Gigisingin na lang kita after 5 hours!

Habang nasa biyahe, nakatanggap ng text message si Kat mula kay Enzo subalit dinelete niya kaagad ang mensahe.

habang nasa biyahe ay nakatulog marahil sa pagod si Kat.

Dan: ahghgsjhgy

Kat: Dan! Mahal ko! Nagbalik ka! 

Dan: shfhyorq  afflekjrpwtuw  hegfsjheytdf

Kat: Ano? Di kita maintindihan.

Eliza: Pssst... oi Kat! Gising na! Andito na tayo!

Kat: Asan si Dan? 

Eliza: Ayan, katabi mo sa pagtulog. Malamig padin.

Kat: Huh? Kinakausap niya ako kanina!

Eliza: Baka nagparamdam siya sa panaginip. Ano sabi niya?

Kat: shfhyorq  afflekjrpwtuw  hegfsjheytdf.... pero di ko maintindihan.

Tara na. Dito na tayo.... Nag-aantay si manang pe!

Kat: Sure ka bang dito yun? Sigurado ka bang effective?

Eliza: Oo. Tingnan mo yung karatula sa pinto, yan ang magpapatunay!

Itutuloy................

Tuesday, November 20, 2012

Tuesday Randomness


Hello! Kamusta na ang mga araw ninyo? Isang shift na lang at rest day ko na. Makakapagpahinga na ng konti at makakagala kung saka-sakali. At for today, dahil andaming tumatakbo sa isipan ko..... random mode ulit. 

1. Masaya yung naging team building namin last fri-sat sa Laiya, Batangas. Though 3x na ako nakapunta sa lugar na iyon, naging maganda naman ang memories.

2. Pero nakakasad din kasi dun sa place na iyon ginanap yung pers team building with my previous team at mga previous team mates. At medyo nakaka-nostalgic alalahanin ang nakaraan since mas naging ka-close ko halos lahat ng members sa team noon.

3. Nagulat ako sa nabalitaan ko. Yung isang ka-batch ko sa opis (kasabayang pumasok circa 2008) ay nagresign na at currently nasa Dubai. Yung eksenang nakakagulat at nakakasad. Isa nanamang friend at kakilala ang nawala/umalis na.

4. I'm currently reading another manga. Wala kasing magawa minsan.

5. Feeling ko pumapayat ako. Sabi din ng iba. Pero sa tingin ko, ito ay dulot ng stress dahil mahirap matulog sa new place tapos nalilipasan gutom minsan dahil feeling busog at bloated. tapos madalas pa LBM.

6. Hindi po ako manonood ng Twilight. Lols.

7. Dahil kay anonymous commenter sa previous post ko... babaguhin ko na ang way ng pagsulat at pagsasalitype ko dito. Kailangan may bad words at puro kabastusan at kahalayan na ang terms. Tapos dapat may mga pre, chong, brad, dre para lalaking-lalaki ang pananalita. #amalayer! 

8. Hanggang ngayon, di pa ako nalalabili ng either phone or cam. #takotgumastos

9. May upcoming outing sa antipolo this coming saburdei. Heheheh. Heksayteds me ng konti.

10.. Hanggang dito na lang muna. Take Care!

Sunday, November 18, 2012

Ang Movie Review

Hembak! Hamisyu ol! Grabs, 1 day din akong di nakapag honline. Heniways, heto na ako at para sa pagbabalik blogging (as if uber tagal kong nawala), bibigyan ko kaya ng movie review! 


Ibibigay ko sa inyo ang very fresh na movies..... Handa na ba kayo sa spoilers? Let's get it on!

1. The Amazing Spiderman


O ha! Gulat ka no? Oo! Imagine, merong new spidey film pero hindi si Toby ang bids! Pinalitan na sya! Huhuhuhu.

Well, so ano ang meron sa peliks na ito? Well, ganito yun. May isang kiddo na iniwan ng pudrakels at mudrakels sa pangangalaga ng kanyang uncle at aunt. Then nagbinata si kiddo tapos nakagat ng lamok este spider. Tapos nagkaroon sya ng kakaibang ability but then kailangan niya ng gadget-gadget thingy to shoot webs. Tapos syempre kailangan may kalabs. This time, ang kalaban ay butiking pasay. And so nagkaroon ng bakbakan and the end.

Score....... 8. Pwede na dins. Di ko gets why kailangan eklatin at baguhin ang wento pero sapat na din ang mga fight scenes and stuff like that. 

2. Ice Age 4


Shaks! Grabe! Heto na ang pang-apats na installment ng kwento ng elepante, sloth, sabertooth at squirrel!

Ang wento ay tumakbo after years... as in. Yung batang junakis ng elepanteng balbonic ay nagdadalaga na. So pumiPBB teens ang peg. Gustong kumerenkeng. Tapos dahil sa kagaguhan ng ACORN adik na squirrel, nagkaroon ng movements ang earth at nagkahiwahiwalay ang isang buong land. Tapos nagkahiwalay ang mga bids at napunta sa dagat at may kalabs na pirata pero hindi ang strawhat crew.

Score..... 8.5! Pwede na din. Okay naman ang pagkakagawa ng peliks. Okay din ang comedy at story. Nakakatawa pa din na! kaasars lang ang kalabans. Pati yung granny. kainis... wahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna! Lols. (sorry, noong time na ipinalabas ang pelikulang nasa taas, taghirap me so di ako nakanood sa big screen). Take Care!

Friday, November 16, 2012

Angel Densetsu

Yo! Mukang nakamove-on na ang majority ng mga folks and it's a good sign. Though merong mangilan-ngilan na di pa din tumitigil pero siguro yun yung mga super duper huli na sa news at trending topic. char.

Anyways, for today, may i share naman ng manga-manga-hinog-ka-na-ba. Hehehe. Wento ko lang este share nga pala ang manga na binasa ko for the past 3 days.

Hindi po ecchi or mature ang theme ng binabasa ko. Malinis po ako. :p SO for the manga, ang genre nia ay comedy with a zing of action at dash of romance.


Ang manga ay tungkol sa isang high school student named Kitano. Siya ay isang kiddo na may Angelic and super pure heart but with Demonic features. 

Syempre, sa mundong ginagalawan natin, malaki ang chance na nanghuhusga tayo via looks.... via exterior stuff. So dito nagsisimula ang nakakatawa at nakakasad na bagay bagay sa bida.

Yung mga eksenang hambait-bait niya pero iniiwasan siya at kinatatakutan dahil daw sa demonic looks niya. Napagkakamalang basagulero and stuff like that.

Tapos sa pagpasok niya sa isang High School, na-aattract pa niya ang mga basag-ulo kahit di niya ito sinasadya. Yung naging legendary sya sa school just by the terrible fear na nagagawa niya sa mga taong nakapalibot.

Pero syempre, kailangan umevolve ang wento, nagkaroon man ng madaming basag-ulo at misunderstanding ang unkabogable guy with demonic look yet with angelic heart, magkakaroon sya ng mga friendships at..... lumalablayp din! 

May score para sa akin na 8.9 out of 10. Hehehe. Eto yung naka-goodvibes sa akin despite na may calls akong nakakainis.

Heto ang link sa pers manga chapter.


O cia, i will be away for 2 days..... well, technically....12 hours akong wala kasi may team building kami sa Batangas eh. So hanggang dito na lungs muna. Take Care and TGIF!

Thursday, November 15, 2012

Kailangan na Mag-Move On!


Wow! Grabe lang ang pangyayare kahaps! Yung biglaang lumobo ang bumisita sa nilalangaw kong bloghouse. Himagin, from normal na 500 visits per day, kahapon ng umaga hanggang mayang 8am ay nasa 24k na ang pageviews sa blog house ko!

Tapos kahaps, sa topblogs, naging numbah1 pa sa personal category ang bloghouse (though back to rank 10 na sya ulit). At kinabog ng topic kahapon ang number 1 all time most viewed post ko na Detective Conan na running for 2 years. anong panama ng 22k views sa 8k views(accumulated).

Nakakaober-ober pero medyo nakakasad din. Bakit? Though madaming hits, makikita mo naman na yung ilan sa mga nag-comments ay grabe mag-mura. Tas may nagclaim pa na ex ni girl tapos nabembang nia daw iyon and stuff like that! But the thing is.... they remain anonymous.

Saka it's scary... wait, scratch that..... it's super duper scary ang nangyare kasi mas matindi ang cyber bullying sa normal or regular bullying. Alam naman natin na mas masakit pa sa hazing/sakit ng katawan ang mga nabibitawang salita ng mga tao against sa atin.

Pero alam naman natin na this thing is a one hit wonder. Parang nobody-nobody-but you.... maingay sa simula pero mapaglilipasan din ng panahon.

So for today.... Let's move on. Madami pang balita sa tabi-tabi. Madami pang eksenang kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi iikot ang mundo sa iisang issue lamang.

Wednesday, November 14, 2012

Amalayer- Paula Jamie Salvosa

Sinong nagsabing ang kasikatan ay para lamang sa mga lalaki? Ngayon.... may gustong umagaw eksena at nais maging sikat! Move over barney! Move over john paul encinas! Heto na ang Reyna! Reyna Amalayer!

Ganda na e, kaso sumablay sa GMRC
(Good Manners and Right Conduct)


Tsk tsk tsk.... Ichu olreydi girl! Ikaw na nga! As of the moment, ikaw na ang sikat! Sikat ka na teh! Winner at waging-wagi!

At impernes, lumalaban ka pa sa detractors mo sa chwirrer! Ikaw na ang gumagamit ng shield at dipinsa! Panalo ang acting prowess, clap-clap-claps!

Sayang nga lungs, tumumba na ang FB at chwirrer mo, nag-sara na! Ni-raid? Nakuyog? Nabaha? Nabulabog? Kaw kase eh!

Anyway, hindi pa natin alam ang TUNAY na nangyare. Anu ba ang puno't-dulo ng wento at eksaheradang eksena? Bakit nag hihysterical si ateng Paula Jamie Salvosa? Ansabe naman ni Lady Guard? So wag din tayong ober-ober sa reaction. Kung magalit ka, payn. Pero siguro harsh din ang magreact tayo ng wagas-wagas!

So mga readers, tandaan....

Kung gagawa ng eksena, siguraduhing walang kamera at sana ay lagi tayong kumalma para walang ganitong eksena.

update:
Eto po yung larawan daw ng inaaway ni ms. Salvosa. Introducing....

Ms. Amaladygard!

O cia... Take Care folks!

Love Happens

Hello! Is it me yo lukin fo? Lamusta naman po kayo? Are you A-Okay? Yan... dapat ganyan, dapat eynergetics! Dapat sumasagot sa tanong ala dora lakwatsera ang peg. Ulitin ko yung tanong.... Okay ka ba tyan?

Kay, kahaps, after shift, marks my 24 hours restday. Oo, halos sang araw lungs. Wells, ganun ata talaga ang layp. Joke. Nakipag RD swap me para makasama me sa team building namin so sakripisyo mode.

At since pumasok ang 13th month kahaps, so nagwithraw me at i treat my self sa super expensive na movie! Imagine, 27 petot!!! Hongmohol! So gamit ang hard earned kadatungan bumili ako ng ticket at ang pelikulang nipanood ko ang ishashare ko sa inyow...... Love Happens.


Ito ay tungkol sa isang guy na isang author ng librong may namesung na A-Okay. Ang book ay isang self-help guide on how to MOVE-ON... hindi sa lablayp kundi sa pag move-on sa mga nagdadalamhati at sawi at crumacry-me-a-river padin sa pagkawala ng isang minamahal sa buhay like junakis, bowa, kumander etc. 

And so si guy ay lumipad kung saang mang place para magpromote ng kanyang book at magkaroon ng seminar on coping up to grievances and stuff like that. Alam mo yung rumirich dad poor dad ang peg ni guy? ganon, yung may paeklat pa at paduday sa mga folks on healing (hindi po yung kay vilma santos).

And then mamimit ni guy syempre si girl (ano ene-ekspek nio, makakameet ng another guy e girl and boy yung nasa pic sa taas?) At pers, medyo may labuan between the two ganyan pero magkakasundot este magkakasundo sila.

But wait! There's more! apparently, ang siste, etong si boy ay may lahi ni pinokyo (hindi lang humahaba ang nose). Nagsinungaling sya in a way kasi ganto.... Tuto sya ng turo ng kapekpekan about moving on, healing process, cheberlins, and cheberloos pero sya mismo ay di pa pala nakakatakas sa paghuhuhu sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Wooops, hanggang dito na langs. 27 petot lang ang peliks, so ano ekspek nio? kumpleto kong iwewento ang anik-anik? Isipin mo na lang pirated copy, may missing part. lols.

Ang score..... ummmm. 7.5. Alam mo, pede naman sanang 8 kasi okay ang storya kaso ewan ko.... diba usually kapag american film dapat may bembang scenes at pumping-pumping? Pero dito, nakow! Nga-nga! Sa dulo lang nga ata nagkaroon ng kissing scene! Kalerks! Walang mapapapikit mata kunwari dahil may nagaganap na sexsena!

O cia, hanggang dito na lungs, Take care!

Tuesday, November 13, 2012

Random-random-random!


Yo! waraps! Oras nanaman para sa halo-halong shenanigans at kung ano-anong mga bagay-bagay na nagaganap at pangyayare na gusto kong isharekahit naman minsan alam kong wala namang may care sa pagsasabi ko. lols.

1. Been feeling sick for the past 2 days kahit nasa work at pumapasok. Yung mga ka-twitter, malamang nabasa yung eksenang nagpopost ako na naduduwal, nahihilo, parang gutom na parang busog na parang dispepsya daw sabi ni nurse joy ng pokemon center.

2. Nagkaroon na ng anunsyo sa opis kung ano ang tema ng christmas party namin sa december (note: early week ng december). Ang tema ay 40's-70's timeless clips. Nasa isip ko magretro-retro thingy kaso sa size kong to, malamang kelangan magpagawa pa ng costume ala-ceelo-green. So mukang casual attire nanaman me.

3. This day, papadatings ang biyaya sa opis. papasok ang 13th! mapapayip-yip hooray ata ako. At eto na ang time sa pagdecide, jejecam or Android nyelpon. pede ding both, charots.

4. Yung moments na nakakalungkot na may nababasa kang post from bloggers na hihinto na sila. Yung eksenang magsasarado na ang kanilang bloghouse. Alam mo yung feeling na parang sa opis din, yung moment na parang nauubos yung mga familiar faces. medyo mabigat sa loob.

5. Gusto kong magtrip at mamasyal sa mga di ko pa napupuntahan like Star City at Manila Ocean Park. Magkakaroon din me ng time na makapamasyals dyan. hopefully before 2012 ends.

6. Ang manga na binabasa ko for the last few days ay ang Fushigi Yuugi: Genbu Kaiden. Hindi ito yung kwento ni Miyaka at Tangahome na kung makapaglandian ay wagas. Saka mas masaya ang powers ng mga celestial warriors.

7. Inupgrade ko yung Sun Unlisurf 799 ko to 899 kasi inavail ko yung pocket wifi ng sun. Hassle lang ang pagpila sa custumer service nila, hambagal kasi either 2 or 3 lang ang representatives tas pano pag purchasing ekek ang issue, mas tumatagal. Like ubos ang 2-3 hours sa waiting time.

8. Na-experience nio na ba yung may makasalubong kayong stranger tapos sa unang tingin, ang nasa isip mo lang ay ansarap nia sigurong tikman tapos andaming tumakbo sa isip mo na green stuff. Yung ganung moment? tengene!

9. Tinigilan ko na palang mag-add ng friends sa fb, nag-aantay na lang akong may mag-add sa akin. Pano, nakakalungkot yung moment na nagrequest ka for friendship tas inaccept then after few days, makikita mong nasa suggested people to add sila. 

10. Tapos na ulit ang pagrandom. 1 lang ang restday ko kasi magteteam building kami this friday-saturday sa batangas.

Take Care coz i Care!

Sunday, November 11, 2012

Da Hu?!


Kung sino ang nakakakilala sa dalawang taong to, alam na!
(Clue: si boylet ay magubat taong gubat)

Saturday, November 10, 2012

Survivor Philippines

Waraps! Saburdei pala today! So malamang sa alamang ay gala mode kayo! Well, ingat sa paglalakwatsa ha, you know namans, i care for my readers lalo pa at nabibilang lang sa daliri ang readers ng bloghouse na itwo (dramarama?)

Every week, may inaabangans akong series, ito ay ang survivor. Sa mga frequent bisita ng bahay na to, alam na sigurong fan ako ng survivor. And this season, nasa pinas sila.



May taklong tribe ang nabuo sa umpisa, ang TENDENG, KELEBEW at METSENG (sige, isleng mo ang dele mow). Tapos after ilang episodes...... nagkalagas-lagas na at nagkaroon na ng merge (ayoko ko na idetalye much). At enter ang tribong Dangrayne(isang slangish term for Damn Rain!).

At dito na papasok ang pasok sa finals... may dalawang casualty na naging jury. Eto ay sina RC at Jeff.

1. RC- ang unang naging Jury. Bumper pa lang... U-Lam-Na!


2. Jeff- Coach sya ng isang team na nakalimutan ko na.


And then, heto ang mga remaining contestants.

3. Abi Maria- Though parang dasal ang name niya, impakta tong chikabebot na to. Praning at bitchie. Dahil sa kanya kaya na-outcast at natanggal si RC.


4. Artis- The darkchoco sa tribe. Wala akong masabi pero part sya ng bull-bullie3 ng tendeng.


5. Carter- Ang blond guy sa team Kelebew. Parang isip bata pa kaya go with the flow ang peg.


6. Denise- The SEX Therapist. Though skinny, malakas sa challenges at may mahusay na plan.


7. Jonathan- Ang returning player na 3x na nakalaro ng survivor. Though villainous, mas okay sya this time.


8. Lisa- ex-star sa USA. The sweetie-goodie-good player na nabubully ng bull-bullie3.


9. Malcolm- ang surviving member ng kawawang Metsing tribe. Alpha-male ang peg.


10. Pete- Ang hidden mastermind ng bull-bullie 3. Ang pakner ni Abiatch-maria.


11. Skupin- Returning player din. Ang walking accident magnet based from first 2 episodes. wishi-washie.


Ayos ang season sa pinas. Exciting kasi may remaining 2 hidden immunity idol (well, revealed na kung sino may hawak). Kakaibang sets of players at mga possible alliances na pedeng mabuo. :D

Hay, sana tarsdei na para makakuha na me ng kopya ng new episodes. hehehehe.

O cia, enjoy the day ng pahinga. ako may pasok pa later ng madaling araw. TC folks!

Friday, November 9, 2012

Sungkyunkwan Scandal

Friday na mga folks! Like pede na kayong magsisisigaw ng Tenk God itch Praydei! I know na magpapartey-partey kayong mga may restday ng weekends. Samantalang me, pers day pa lungs ng week.

Well, nyway, for today, eto na, iwewento ko na at ishesher yung nipapanood ko noong nag-restday ako. Eto yung scandal na walang bembangan at uuuhhhh-ahhhhh-harder-deeeper-more-yes-ahhhh-uhhh. :p

Okay ang seryeng tiniis ko kahit mainit sa balur ay ang kdrama na may name na Sungkyunkwan Scandal.


And it goes a little something like this.....

Sa bansa ng Super Junior at Girls Generation noong old times, merong isang witty at matalinong girlay. Si girlay ay poorita tapos kumombo pa ang kapatid na may sakit kaya naman kelangan niya ng kumikitang kabuhayan.


Ayaw niyang magbenta ng laman bilang matadero sa palengke (wag kasi green minded, saka joke lang yun). Ayaw niyang maipagbili sya bilang kabembang ng official na pinagkakautangan niya kaya naman si girl ay naghanap ng plan para makakuha ng kashing. Wala pa noong Willieng Willie kaya naman ang peg niya ay maging fake exam taker para sa mga richie na kukuha ng exam sa gobyerno eklachus.

Smooth na ang plan sa panduduktor-duktor quak-quak nia pero may self-righteous at mr. clean na anak ng isang official ang bumuko sa kabaluktutang nagaganap sa exam. Pero dahil matalino si girl, nakaligtas sya sa kapahamakans.

But, mukang trip si girlay ng isang official kaya no choice siya at magpapanggap siyang boy sa isang iskwelahang puro boylets na called scholars. Kelangans matago niya ang halimuyak ng kanyang flower at umaktong may hotdog sa gitna ng hita. :p


Sa iskuwela lumpur niya makakasama si mr. clean at magiging ka-room niya eto. At medyo may attraction na nagaganap between the two. (larawan sa itaas)


Tapos, eeksena din ang isa pang istudent na magiging roomies ni girlay na eventually ay malalaglag brief kasi nainlababoo din kay girl. (pic sa itaas)


Then, Andyan din yung isang student na chickboy (parang pede sa chick, pede sa boy). Yung parang nakakabahing kasi parang paminta. lols. Sabi sa serye, straight sya. (image sa itaas)


And last ang main kontrabids sa iskul-bukol. Ang head at senior sa school. Ang kontrabidang may nakakabuwisit na mga alalay. (larawan sa taas)

Another gender bender series (gender bender ay isang category sa manga kung saan ang girl ay nagpapanggap na boy or vice versa) like coffee prince, hana kimi, etc.

Hanggang episode 13 pa lungs ako sa seryeng to. pano naman kasi ang piniratang tabing, nag-iistop-dance, wala namang birthday party.

Pero infairview, okay ang serye. ayieee. Kakelegs.


O cia, hanggang dito na lang muna. TC!