Thursday, November 22, 2012

Huwag mong Buhayin ang Patay 5


Umuwi ng bahay si Kat upang pag-isipan ang mungkahi sa kanya ng kanyang kaibigang si Eliza. Kailangan niyang magdesisyon kung papatusin niya ang balak na buhayin ang namatay na asawa.

Humiga si Kat sa kama at dama niya ang pag-iisa. Tinitigan niya ang bakanteng lugar kung saan nakapwesto ang kanyang asawa tuwing gabi. Dinadama ng kanyang kamay ang unan at bumalik sa kanyang alalala ang mainit na pakikipagtalik niya kagabi... pakikipagtalik sa espiritu ng kanyang mahal.

'huwag mong buhayin ang patay'

May tila bumubulong kay Kat habang sya ay nakahiga sa kanyang kama.

Kasabay ng pabulong na salita ay biglang may malamig na hangin na nadama sa loob ng kwarto si Kat. Makalipas ang ilang sandali ay may biglang kumakatok sa pintuan.

Naalimpungatan at nagulat si Kat dahil sa pagkatok. Paanong may makakakatok sa pinto ng kwarto kung siya lang naman ang tao sa bahay. 

Bumangon siya at pinuksan ang pintuan at nakaramdam siya ng pagtayo ng balahibo sa kanyang leeg. Walang tao tulad ng inaasahan niya subalit nagtataka padin siya kung bakit nakarinig siya ng katok sa pintuan.

-=-=-=-=-=

Enzo: What are you doing? San mo dadalhin ang katawan ni Dan?

Kat: Sikreto! Sikretong malupit!

Enzo: Pota ka! Patay na nga ang asawa mo kung ano-ano pa ang balak mong gawin! Iburol na yan at paglamayan para may pa-kape at pa-biswit with matching tong-its and everything!

Kat: Iyown.... iyun pala ang gusto mo.... ang makahigop ng libreng 3in1 na kape! E di sana sinabi mo na lang at ililibre kita sa 711.

Enzo: Ay pota! Akala ko Starbucks... 711 lang pala. badukis!

Kat: Tigil-tigilan mo nga ako! May atraso ka sa akin...remember?!

Enzo: Ulol!  Wala akong atraso! Sinunod ko lang request ng asawa mo! Pero saan mo nga dadalhin yang Cadaver ni Dan?

Kat: Cadaver-Cadaver.... wag mo nga akong dinadaan sa english! It's nosebleeds... dictio puhleees! Saka kaya ko ito gagawin ay nais kong mabuhay si Dan! Gusto kong mabuhay siya.

Enzo: Bubuhayin mo ang patay?

Kat: Hindi! papatay ako ng buhay! Pak yu! Kakasabi ko lang diba!

Enzo: Are you out of....

Kat: Wat? Out of control? Out of service? out of stock?

Enzo: Bobita! Out of your mind ang gusto kong sabihin! Besides..... nagpapaniwala ka na posibleng mabuhay ang patay?! You're a crazy bitch!

Kat: So yor teling me i'm a bitch? I'm a lover, i'm a child, i'm a mother...i'm a sinner... i'm a saint... i do not feel ashamed!

Enzo: Yeah right pero sinasabi ko sa iyo... late na ang plan mo kasi.....

Bago pa man matapos ang sasabihin ni Enzo kay Kat ay nakalarga na ang asawa ni Dan kasama ang bangkay.

-=-=-=-=-=-

Kat: Are we there yet?

Eliza: Eksayted? Kasasakay lang natin kasama ang bangkay ng asawa mo tapos magtatanong ka kung andun na tayo? May attitude?! Matulog ka muna! Gigisingin na lang kita after 5 hours!

Habang nasa biyahe, nakatanggap ng text message si Kat mula kay Enzo subalit dinelete niya kaagad ang mensahe.

habang nasa biyahe ay nakatulog marahil sa pagod si Kat.

Dan: ahghgsjhgy

Kat: Dan! Mahal ko! Nagbalik ka! 

Dan: shfhyorq  afflekjrpwtuw  hegfsjheytdf

Kat: Ano? Di kita maintindihan.

Eliza: Pssst... oi Kat! Gising na! Andito na tayo!

Kat: Asan si Dan? 

Eliza: Ayan, katabi mo sa pagtulog. Malamig padin.

Kat: Huh? Kinakausap niya ako kanina!

Eliza: Baka nagparamdam siya sa panaginip. Ano sabi niya?

Kat: shfhyorq  afflekjrpwtuw  hegfsjheytdf.... pero di ko maintindihan.

Tara na. Dito na tayo.... Nag-aantay si manang pe!

Kat: Sure ka bang dito yun? Sigurado ka bang effective?

Eliza: Oo. Tingnan mo yung karatula sa pinto, yan ang magpapatunay!

Itutuloy................

7 comments:

  1. haha dameng tawa sa script eeh iba talaga atake ng story mo parekoy the best
    kakaexcite naman bitin ako more more more

    ReplyDelete
  2. grabeh ha! ilang part na to. hang tagal nung ending ;-D excited nami. baka mabuhay nga si dan. si dan na walang malay literally

    ReplyDelete
  3. waaaahhhhh.. grabe sora bitin! grrr. tagal ku nghntay taz bitin p dn...

    ReplyDelete
  4. Aba pumi_fiction ka na pala ngayon hehe. Ibang patay naman sana mabuhay soon. Chos

    ReplyDelete
  5. aliw ako sa series na to! at sa cadaver-cadaver! para lang nag aver-cadaver! haha :)

    ReplyDelete
  6. wahaha mejo late response ako pero I liked it. excited na ako sa ending. gusto ko nang malaman kung matutuloy ang pagiging zombie ni dan at si kat naman ang magiging sun flower or pea shooter :D

    ReplyDelete
  7. ayan hindi na sabaw...wehehe

    kaaliw talaga sila magusap, barahan ng barahan! wahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???