Friday, November 16, 2012

Angel Densetsu

Yo! Mukang nakamove-on na ang majority ng mga folks and it's a good sign. Though merong mangilan-ngilan na di pa din tumitigil pero siguro yun yung mga super duper huli na sa news at trending topic. char.

Anyways, for today, may i share naman ng manga-manga-hinog-ka-na-ba. Hehehe. Wento ko lang este share nga pala ang manga na binasa ko for the past 3 days.

Hindi po ecchi or mature ang theme ng binabasa ko. Malinis po ako. :p SO for the manga, ang genre nia ay comedy with a zing of action at dash of romance.


Ang manga ay tungkol sa isang high school student named Kitano. Siya ay isang kiddo na may Angelic and super pure heart but with Demonic features. 

Syempre, sa mundong ginagalawan natin, malaki ang chance na nanghuhusga tayo via looks.... via exterior stuff. So dito nagsisimula ang nakakatawa at nakakasad na bagay bagay sa bida.

Yung mga eksenang hambait-bait niya pero iniiwasan siya at kinatatakutan dahil daw sa demonic looks niya. Napagkakamalang basagulero and stuff like that.

Tapos sa pagpasok niya sa isang High School, na-aattract pa niya ang mga basag-ulo kahit di niya ito sinasadya. Yung naging legendary sya sa school just by the terrible fear na nagagawa niya sa mga taong nakapalibot.

Pero syempre, kailangan umevolve ang wento, nagkaroon man ng madaming basag-ulo at misunderstanding ang unkabogable guy with demonic look yet with angelic heart, magkakaroon sya ng mga friendships at..... lumalablayp din! 

May score para sa akin na 8.9 out of 10. Hehehe. Eto yung naka-goodvibes sa akin despite na may calls akong nakakainis.

Heto ang link sa pers manga chapter.


O cia, i will be away for 2 days..... well, technically....12 hours akong wala kasi may team building kami sa Batangas eh. So hanggang dito na lungs muna. Take Care and TGIF!

18 comments:

  1. parang ang kilig ng manga na to hehehe

    ReplyDelete
  2. Ano ba yan di pa nga ako tapos sa Love in the Mask eh hahaha... Pero sige ilalagay ko to sa aking to-read list. Thanks for sharing.

    ReplyDelete
  3. shonen type na manga right? exciting :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ganun! pero lamang ang comedy dito. hehe

      Delete
  4. another good read. add ko toh sa list ko. will try to read it on my free time :)

    ReplyDelete
  5. i like reading your blog.. lalo na sa mga reviews mo sa mga movies and teleserye.. d ako mahilig sa mga manga manga thing pero parang nakakaakit ang mga point mo sa mga ibat ibang series parang masubukan nga minsan :)(pero tapusin ko muna ang series ng book na Fallen :))

    -Dark Angel

    ReplyDelete
  6. Katuwa yung bida na may Angelic and super pure heart but with Demonic features. hehe

    ReplyDelete
  7. ...at bibukmark ko na agad yung link.. hehe. ;))

    ReplyDelete
  8. wow taas ng rating ha
    mukang maganda naman ung plot pweden ilevel up sa pagiging anime

    ReplyDelete
  9. Ito ang di ko pa makasanayan gawin hehe. Natatamad ako. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. depende sa peops. May taong kaya mag basa ng manga meron mas prefer ibang bagay. hehehe

      Delete

So.......Ansabeh???