Tuesday, November 6, 2012

Pink Table Sequel!

Pink Table Sequel



Nang mamatay na ang lalaki naging kilala siya sa lugar at karatig bayan. Marami ang nagtaka at nagtatanong kung bakit PINK TABLE ang lagi nyang hiling.

Habang naglalakbay ang lalaki sa kalawakan, kinausap niya ang mga anghel at nakiusap. 

"Mga anghel, maaari po bang humingi ng isang pagkakataong mabuhay kahit panandalian lamang?" 

"At bakit naman? Mayroon ka bang nakalimutang 
gawin at napaglibanan?" tanong ng mga anghel.

" Hindi ko po nasagot ang katanungan ng aking ama kung bakit gustong gusto ko ng Pink Table" sagot ng lalaki.

Nag-isip ang mga anghel at tinitigan ang malungkot na mukha ng lalaki.

"Sige bumalik ka na. Ngunit 30 minutes lamang ang pwede naming ibigay sa iyo."

----------------

Nang malaman ng Tatay na makakabalik ang kanyang anak kahit saglit na panahon lamang, siya ay nag organisa ng pagdiriwang sa Araneta Colliseum na pinamagatang "Ang Dahilan..." 

Marami ang dumalo at naki usyoso. Dito masasabi mong maraming tao ang nais malaman kung bakit Pink Table ang laging hiling ng lalaki. Hanggang labas ng Araneta Colliseum ay puno ng tao.

Dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat, ang oras na sasabihin na ng lalaki ang dahilan kung bakit gusto niya ng Pink Table.

Umusok ang stage at biglang lumabas ang imahe ng isang lalaki na puno ng liwanag.

Nagsimula na itong magsalita ng malakas upang marinig ng lahat.

"Bumalik po ako para ipaalam ang dahilan kung bakit gusto ko ng Ping Table... (NAGHIYAWAN ANG MGA TAO AT NAGPALAKPAKAN DALA NG KALIGAYAHANG MAKITA ANG LALAKI) ...at yun po ang buong katotohan at dahilan kung bakit gustong gusto ko ng Pink na Table."

Muling umusok ang stage at naglaho ang lalaki....\

(lesson: wag excited pag may nag-eexplain) ;p


-=-=-=-=-
Ang wento sa itaas at sa nakaraang post ay napulot ko lamang sa pesbuk. :p

26 comments:

  1. hahaha. kala ko horror. nakuha mo ako don ha. pero tama nga naman. wag masyadong excited pag may announcement

    ReplyDelete
    Replies
    1. inabangan ko ang kasagutan sa pesbuk pero wala talaga, hehehe

      Delete
    2. baka gusto nyang sabihin na jukla sya. kasi nga pink

      Delete
  2. kaasar naman! wala talaga ung rason lol

    ReplyDelete
  3. clap, clap,clap khanto ikaw na ang troll or kung sino man sumulat nito...haha

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Hala ka, pa organize pa kasi ng event! Sana bago ako mategi malaman ko ang misteryo ng pink table na yan haha

    ReplyDelete
  6. Haha badtrip!

    Inabangan ko talaga ang kuwentong ito!

    Naalala ko na merong kinukuwento sa 'kin 'yung classmate ko nung college tungkol kay "Boy Bastos at ang Pink Table", hindi ko lang maalala ang detalye kaya hindi ako sigurado kung pareho lang sa kuwento mo. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahaha, ganun talaga, bitin at di alam ang sagot

      Delete
  7. haha grabe parang akong baliw dito kakatawa imba ka talaga the best

    ReplyDelete
  8. Adik ka, pre. Pinigil ko ang ihi ko dahil excited din ako mabasa to. Sabay boom! Pero nice one, pre.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  9. waaah! anu ba yan, ang galing naman mambitin nung author nyan wahahaha! amf!

    ReplyDelete
  10. waaaah!...kakainis naman...hahaha wagas!


    xx!

    ReplyDelete
  11. HA? Nalabuan ako ng onte. HAHAHAHA.

    ReplyDelete
  12. tawa ako ng tawa na parang eng eng buti na lang mag-isa sa office, nakakainis ang ending pero mas nakakatawa kahit d alam ang ending :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???