Wednesday, December 12, 2012

Absolute Boyfriend

I'm a little busy-busihan this 12-12-12. Dahil tipid mode muna kasi wala pang sweldo tapos may paparating pa na exchange gift chenerlins kaya naman ako ay taong bahay mode with slight diet-dietan pa dins.

At dahil restday at tambay, at ayaw ko mafrustrate kung makikita ko ang pes ni baby joy ng showtime kaya naman nagdecide na lungs ako manood ng series na nabili ko like 4 months ago sa suking dvdhan sa quiaps.

Ang naisalang ko for today ay ang Taiwan serye na based from manga na sumikat sa japan at naging serye din at now, nagkaroon ng taiwan version. Yung eksenang parang Hana Kimi at Meteor Garden ang peg, iba ibang version ang lumabas.

Nyway, ang titulo ng winewento kong serye ay 'Absolute Boyfriend'.


Ito ay tungkol sa isang girlay na sablay lagi sa pag-ibig kasi laging narereject ng guys na type nia. Then one time, nakapulot sya ng nyelpon at isinauli sa may-ari. But, it turns out, ang owner ng nyelpon ay isang wierd guy. 

Etong wierd guy na ito ay tinanong kung ano ba ang gustong reward/kapalit ng pagsauli ng nyelpon. Suspicious and freaky kaya ayaw sagutin ni girl Pero nung kinulit si girl kung ano ang pinaka wish niya, sumabgot sya ng isang straight na straight na sagot... ang magka-JOWA! Binigyan sya ng card with the website.

So kinagabihan, binisita ni girl ang site at sya ay nagulats! Hindi porn ang napuntahan! Hindi rin FB page or hindi ang kwatro khanto blogsite. Napunta sya sa site kung saan merong syang chance umorder at mag-customize ng Perfect Boylet.

Kinaumagahan,  isang package ang dumating sa kanyang unit at sya ay nashock na shock dahil isang boy na hubo't-hubad ang nasa kanyang harapans. Then it turned out na yun na yung Perfect Boylet na kinostomize nia.


Si robo-guy ay nakaset sa mga settings at characteristics na ininput ni girl. at take note, ready to the rubadabango at mag-boomboompow si boy kung nais ni girl. San ka pa. 

Pero dahil pakyeme-dora si girl at ayaw ng mabilisan at quickie-quickiehan at gustong i-take it slow so slow... date-date lang ang nirequest nia.

Lumipas ang 48 hours trial period pero nakaligtaan ata or di nabasa ni girl ang refund process at ang boylet ay na-considered as sold product. kailangan niyang magbayad ng 100 million or else.

Walang-wala si girl..... pero mukang mabait naman yung seller ng boylet kaya nagkaroon ng kasunduan. kailangan matuto ang roboguy na malaman ang lahat ng emotions ng isang babae para umakma bilang much perfect boylet at para sa ikae-enhance ng next versions ng robot na gagawins.

Anong mangyayari kay girlat sa relasyones nia with roboguy?Pano pag sa story ay may third wheel, which is the neighbor guy ni girl na may pagtingin pala sa kanya? Ano na mangyayare?

Nasa 3rd episode pa lang ako pero nais ko lang mag-share.... you know, baka bored din kayo sa life at nais nio lang ng possible title ng series suggestion.

No score for the said series kasi di ko pa natatapos. This is not a review post with scores and shenanigans.

pahabol: Yung bidang girl, kahawig nung girl na gumanap as Jandi sa Boys Over Flower na korean version ng Meteor Garden.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

21 comments:

  1. ang cute neto dapat ipalabas na dito yan
    ang ingeeeeet na ingeeet ako sa katawan nung bida amp
    nakikita ko na to sa bangketa kaya ko porn haha kasi ung pic nung lalaki ung nasa cover

    ReplyDelete
  2. Ay parang Chobits lang ang peg ehehehe! Dito naman guy version ng robot. Sa Chobits "persocom" yata ang tawag dun. Ayun nakapulot naman si Hideki (yung bidang boylet sa chobits na anime) ng isang persocom na ang pangalan ay Chii :)

    Mukhang maganda tong Absolute BF ah... teka, san ba pwede manood.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun, sabi ko na, parang may familiar na isa pang manga/anime

      Delete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. nakita ko na dati ang Japanese version nito (way back '08) which is maganda naman. Taiwanese version, hindi pa. iyung girl pala sa taiwanese version, is the same girl na gumanap bilang Geum Jandi sa Boys Over Flower.

    ReplyDelete
  5. Naks! Astig yung website na yun ah. Kaya alang mamumulubi ka naman. Haha. Mukhang maganda at interesting ang movie. Pag-uwi ko hahanapin yung movie na yan. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga, hong mohol. sana may absolute GF

      Delete
  6. Series to so mahaba-habang panooran yan... Pag nanood pa naman ako ng series, at nagustuhan ko, parang gusto kong tapusin one time, jingle lang pahinga hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama... same tayo, minsan walang tulugan, dirediretso

      Delete
  7. astig naman. ang ganda ng summary ah. robot with a heart etc hehehe

    ReplyDelete
  8. Parang bet ko na ring subaybayan ang seryeng ito.. .lakas maka elya ni kuya!

    ReplyDelete
  9. eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee gusto ko rin ng package na ganitoo! hahahahaha.

    ReplyDelete
  10. mukhang maganda nga... bago sa akin ang concept hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. maganda naman sa mga episode na napanood ko na

      Delete
  11. maganda to!! maganda din yung japanese version. nakakaiyak yung ending.

    ReplyDelete
  12. Gusto kong panoorin! Chinese ba ito, baka magbago pa isip ko. *tsk*

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???