Wednesday, December 5, 2012

Ansilbi ng post kung di Random

Heiheihei! It's my restday again at taong bahay nanaman me. Tambay-tambay kaya naman alam nio na, sa panahong ganito.... sabaw-sabaw, water-water kaya naman random-random ang pagsasasabi.


1. Mag-umpisa tayo sa wentong opisina. As always, kasama lagi sa topic ang ofis gossip. :p Nagstart na ang stats eklat for the month of december. And BV ang sumambulat sa akin dahil bagsak nanaman ang score ko in terms of QUALITY. Basurs daw ang trabaho ko. Walang wenta daw. Yung eksenang another cause for demotivation. hahaha.

2. Next is another part of our metrics, yung customer survey shenanigans. At sa part na yun, bagsak din me. Yung eksenang isang customer ay nagbigay ng bagsak na score kasi late nia natanggap yung email nung nagforgot password sya. So kasalanan ko ba yun? E kasalanan ng hinayupak na email provider nia na delay makatanggap ng email. Pakshet!

3. Kahapon, dahil umpisa ng restday ko, nagtangka akong bumili ng costume ko for our christmas party. 60's ang peg na binalak ko. So napagod ang paa ko kahahanap ng masusuot. But, unfortunately, wala akong mahanap na tie-dyed shirt na suot ng hippies. Demn.

4. Dahil di ako nakabili ng susuotin ko.... iba na lungs ang binili ko. Nakabili na ako ng pamalit kay Tordie (third digicam, yung naiwan sa taxi sa malaysia). Yep, bumili na ako ng new digicam. Para naman may pics sa mga gala. Ang name ng cam ay Quatre pero pag mas maikli, pedeng tawaging Forn. :p

5. ngayon ko lang napanuod yung new peliks ni Batman. Yeah, i know, i'm so late. Pero infairview, okay sya. at sabi ko na nga ba na yung babaeng kinembot ni batman ay ang traydor. Pakingshet. Dapat sa kanya tinutusta. Pero minsan parang mas gusto ko yung villain side, yung kay Bane. hehehe. 

6. Napanood ko na yung mid-season finale ng walking dead. Ay nako, super kumukulo ang blood ko kay governor. pakshet! Sarap pakain sa zombies. Kulang ang pagkabulag ng mata nia. grrrr. Oo, may galit talaga. :p

7. May bagyo daw sa pinas, si Pablo, hindi po sya yung blogger na si Pablong Pabling. Currently nasa viz-min area sya nagpapakitang gilas. Hopefully safe ang mga bloggers and folks sa viz-min.

8. Wag masanay na sampu lagi ang items sa random. Dahil hanggang pito lang muna. Oks, Tekker!

27 comments:

  1. hirap pala ng work mo, may mga metrics metrics pa, ano ba yan!

    ReplyDelete
  2. ifriend mo ung qa nyo joke lol

    ung walking dead mid-finale eh mamaya ko pa papanoorin

    ReplyDelete
  3. forn? ay iba pala yung iniisip ko. lol. patay tayo dyan, mukhang i have to agree to sir bino, kaibigan kung sino man ang gumagawa ng report n stats na yan, ahaha.

    ReplyDelete
  4. ansaya lang basahin ng random post na ito. nakarelax, parang valium ganyan. kalma lang. haha!

    ReplyDelete
  5. saklap namen ngyari sayo sa work mo, hindi mo rin naman talaga kasalanan..

    ang pinakamasayang basahin "random post" ^^

    ReplyDelete
  6. Pinaka hate ko rin ang Quality at Customer Satisfaction survey. Ung QA masyadong subjective nakakairita parati kong kaaway mga QA tapos ung Customer satisfaction survey naman wala kang control talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama!!! Hate ko din yang QA at CSAT. heheh

      Delete
  7. haha may name talaga mas gusto ko ung forn na name haha
    para palang sa loroen legacies lng yan gigi cum mo haha

    kakaexcite naman ung theme nu hirap nga lnag talagang hanapin yna

    mas gusto ko ung last batman kaysa ung naun

    ReplyDelete
  8. Tama, kaibiganin mo yung QA! Ay kairita talaga yun mga nagbibigay ng mababang survey score ng hindi man lang muna nag-iisip.. ayan, affected tuloy ako! Congrats sa new cam.. kay Forn pala!

    ReplyDelete
  9. Ako naman binabagsak ko lagi ay QA ko hahahahaha. Pero ok naman ako sa aht, fcr at survey.

    Kainis yang walking dead sa feb 2013 pa ang next episode ang tagal!

    ReplyDelete
  10. Naku, kung pwede lang magreact sa scorecard! Grrrr.

    Dibale nandyan naman si forn, mapaligaya ka niya sana.

    ReplyDelete
  11. sir khanto, call center agent kayo diba? curious lng akong malaman hehe!

    ReplyDelete
  12. kakainip si pablo ha...good read again...

    ReplyDelete
  13. 1 & 2 = what's new? wehehe pag office nga naman nakaka stress

    Congrats sa bagong gigicam, sana ay magtagal kayo (relasyon lang?) :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???