Monday, April 29, 2013

Gentleman

Yo! Umpisa nanaman ng week! Monday! Medyo manic dito sa owpis kasi medyo dumami ang calls. Nakakapagods. Pagoda na ang lolo nio. lols.

Heniway.... for today, medyo kalat sa pesbuk ang video na bibida ngayon. Ito ay ang isang guy na sumasayaw ng kanta ni Psy (hindi Psyduck) na Gentleman.

Mukang maeenjoy to ng mga taong hindi nag-enjoy sa post ko last time na Mainit!

kaya shoutout kila Zai, Senyor at Mac! Eto ang para sa inyow. heheheh.



Well.... meron sana para sa boys kaso yung youtube vids, walang old embed style.... taragis...hahahah... ay eto... pwede na ba to sa inyow?


O sya, hanggang dito na lang muna! TC!

Sunday, April 28, 2013

Iron Man 3


Yo! kamustasa?! Ilang tumbling at tulog na lungs, May na! Hombilis lang ng araw! Heniway, hopefully ay nasa mabuti kayong kalagayan at pachill-chill lungs at pa-relak-relak.

For today, mag movie review-reviewhan naman tayo. At ang peliks na bibida sa araw na ito ay ang mainit-init pa at bago pala lungs sa pinilakang tabing (honlolim ng term)..... Iron Man 3.




ISTAPS! Halt! Freeze! WOOOOOAH! Bago mo ipagpatuloy ang pagbabasa.... napanood mo na ba ang film? Sure????! Kase pag hindi pa, i-suggest na wag magpatuloy lalo na kung ayaw mo ng spoiler type of review. 

Okay na? Nakapagdecide ka na ba kung mag-iiskip-read, i-cloclose, pasyal-pasyal next tym or ipagpapatuloy ang pagbasa???










K...... Let's get it on! Let's go sago!




Magsisimula ang wento sa narration ever ni mr. mayaman about sa parang wrong move niya sa past. ichinika niya na tila nakagawa siya ng monster out of his carelessness ganyan.

Tapos flaflash na sa kasalukuyan kung saan merong parang Osama Bin Ladenish na kalaban ang naghahasik ng lagim.... Ito ay ang the Mandarin.

And so ang nangyare, umatake ang main kalaban force sa mansyon ni Iron man at nagiba ang kanyang balur. Sira-sira. Tapos tumilapown sa kung saang malayong lupalop si Ironman.

And then natulungan siya ng isang bata-batuts na pinahiram siya ng Dora watch at tumulong sa pagkumpuni ng kanyang armor.

Tapos nagkaroon ng revelation at nalaman ang tunay na kalaban sa peliks. Nagkaroon ng confrontation between the good and the bad. 

Sumugod ang mga armors ni Ironman at nakipagbakbakan at nakipaglaban sa pwersa ng kasamaan. Tapos sa bandang huli, nanalo ang kabutihan! yehey!

At dyan nagtatapos ang 3rd peliks! O ha, di masyarowng detalyado kasi gusto kong mapanood ninyo ang peliks! Worth it! 

Kahit di ko napanood ang 2nd peliks, naka-catch-up naman me sa story ng 3rd installment ng Iron Man 3. Di boring ang wents at every now and then ay may sundot ng humor ang wento. DI rin gaanong predictable ang kaganapan kaya pasok sa jar ng good film ang peliks na ito.

Score ng 9. Oo, mataas ang rating!

O cia, hanggang dito na lang muna.

Btw, pahabol, dapat daw patapusin ang end credits dahil may preview ng next na peliks (di ko na napatapos kaya clueless ako, hanapin ko na lang sa youtube!)

take Care folks!

Saturday, April 27, 2013

Gone Wild Campers

Happy weekend mga folks!!! Kamusta naman ang inyong araw ng pahinga? Mainets, kailangan mag babad din kayo paminsan-minsan sa tubig para mag chill-chill at mag relak-relak.

For today, hindi muna review ng latest Ironman film ang bibida... Hindi rin latest youtube video na kumakalats sa pesbuk.... at hindi rin porn (teka, wholesome po ang blog na ito so walang porn...slash that!) random post. Share-share lang ng something.

Lam nio naman na last week, nagbakasyones ako with my HS-Kada sa may Zambales. (di nio alam? eto, pindot pindot here at here). And minsan kapag may lakad or lakwatsa out of town, nakakahagardo versoza saka nakaka stress drilon ang mag-plan at mag-execute ng mga gagawin, lulutuin, dadalhin ganyan. So para mas hassle-free at chillax-chillax lang, inavail namin ang serbisyo ng 'Gone Wild Campers'.


Wow! Gone Wild! Catchy name right?! Yes! Catchy talaga.... Sila yung grupo na aasikaso ng pagbyahe mo pag trip mo mag trip papuntang Anawangin Cove, Talisayin Cove, Nagsasa Cove, Island Cove (jowk lang), Baguio at Potipot Island.

Technically, sila na ang bahala sa Vengavan na sasakyan nio papunta sa destination kasama na ang VengaBoat papunta sa isla or cove na pagtatambayan nio to make pahinga at magbilad na parang daing sa araw. 

Sila na din ang bahala sa kakainin niong food for lunch at dinner atsaka breakky. Yung eksenang antay na lang kayong tawagin na kakain na kasi may foodie na lalapangin ganyan!

But wait! Wag assuming much! Di po gourmet food ang ihahain sa inyo kaya wag choosy much! Paki-pack po ang conyo-self ninyo at pakilabas lang ang cowboy-self para sa foodies! Ano ba! Bawal ang pihikan much.... 

Sila na din ang bahala sa bonfirebonfire effect sa buhanginan saka ng tent na pede niongg tambayan ganyan while nasa beach. 

(larawan ay mula sa fanpage ng Gone Wild Campers)

Need mo ba ng tulong mula sa kanila para easy-breezy-beautiful ang bakasyones ninyo? Then, pede ninyong i-check ang kanilang site.... www.gonewildcampers.com. or ang pesbuk page na http://www.facebook.com/gonewildcampers

heto nga pala ang larawan ng mga tao sa likod ng Gone Wild Campers. Tingnan ang larawan sa ibaba.


Wait lungs! Di po porket may picture ng mga boys e iisipin ninyong parang yung mga palabas sa tv na pede mamili ng sinong magseserbisyo sa inyo... Nope! Hindi ganun! Random ata kung sino ang magiging guide nio sa trip.

To make it short.... Kung gusto ninyo ng worry-free byahe with friends and berks.... why not hire and get the service of the 'Gone Wild Campers'!

Pahabols.....

Ang guide namin sa trip ay etong nasa larawan sa ibaba.

Si Rian at Warren

Sila ang nagprepare at nagluto ng foodie namin. Sila din yung umasikaso sa stay namin sa Anawangin trip. mabait, di mahangin, maasikaso at enjoy kasama dahil enjoy na enjoy yung mga friendships ko! Di lang yun, sa sobrang enjoy nga ng isa, nag-aapply na bilang new member ng Gone Wild Campers :p

Ay, meron pa palang isang kasama na nag-guide sa amin.... si Alfred... este Efren pala. hahaha. Tong si Efren ang medyo may kasalanan sa nakakapagod na Trek namin..... medyo iniligaw kami at dumaan sa mahabang way back to camp :p nyahhahahaha (ayos din sya like Rian and Warren)


ShoutOut sa taklong guide namin! Tengks sa masaya at cool summer escapade (naks, shoutout.... twitter?)

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Happy Weekend! Enjoy!!!


Friday, April 26, 2013

Unkabogable Iron Man 3 Trailer

Sa mga hindi pa napapanood ang bagong Iron man 3, heto, ang nakakaaliw na trailer ng peliks! High-end!



O cia, hanggang dito na lang muna! Happy Weekend folks!

Thursday, April 25, 2013

Pahangin sa Anawangin Day 2 and 3

Yo! Throwback Thursday sa inyo! Kamusta?! Lapit na weekends! Well, for today, ipagpatuloy ko na ang wento ng bakasyones ko last week. Hahaha. Natabunan much sa pagiging busy.

Natapos nga ang day 1 na groggy-groggihan sa ininom na alaks. Hilo mode man ay kailangang gumising ng medyo maaga kasi may island hopping sa umaga.

So kahit medyo umiikot pa ang paningin ko at ang dighay ko ay alak ang nalalasahan.... breakfast-breakfast din. Ipinagluto kami ng sinangags, hakdog, egg at tuyo. Not bad na.

Nag-Vengaboat kami papunta sa Capones Island. Eto yung isang island na di ko napuntahan noong nag-Nagsasa-Anawangin ako 2 years ago. So medyo excited much me na makapunta doons.


May 2 path ang pede daw boatstop para makababa ang mga pasahero. Isa ay sa may stairs samantalang isa, medyo malayo at mapapa-trek mode nanaman.

At since napagod na ang katawang lupa namin sa trek-trek..... sa may starirway na lang kami dumaongs.

Pagkababa, picture muna para naman daw may ibidinsya. lols. Pictures or it did not happen daw ang peg.


Kahit na may stairs.... trek mode din ang kaganapan dito sa islang ito. So humanda sa tagaktak-pawis, piggy-roasting hike paakyat papuntang lighthouse. Hindi man todo A-for effort..... B-for effort ang pagpunta sa parola..... hingal mode.



So hano ang makikita sa medyo Capones.... ruins lang, parang abandoned cheberlins na pinaglumaan ng panahon na lighthouse.









Technically, pinagbabawal na umakyat sa lighthouse kasi medyo luma na raw at baka di kayanin ng structure pero well well well at isa pang well, pasaway mode at medyo badboy ang peg kaya go..... akyat... akyats!




Nagswimming naman kami sa isang island na mas maganda ang buhangins at mas maganda ang katubigan. Tas balik na sa Anawangin ng lunch para kumain, maligo, at mag-empake.

Pagsapit ng hapon, lipat kami sa isang beachfront resort sa may Pundaquit. Doon kami nagstay para medyo ma-extend ang pahinga at bakasyones.

Pahinga, dinner saka isananamang inuman session ang naganap. Hahahaah. At dito, napadami nanaman ang nainoms kow. lols.

Day3 ay ang time na uuwi na pabalik na Manila. Tapos na ang lakwatsa. Medyo may amats man ay gora na sa pagbyahe. Pero bago makadating ng manila, kain-kain din at ang napuntahan ng kada ay ang Extremely Expresso sa may Subic.



At dyan na nagtatapos ang unwinding trips ko with my HS friendships sa Anawangin. :D

O hanggang dits na lungs muna, TC folks!

Wednesday, April 24, 2013

Macky Lopez: Nasa Labas sila Mikay Gwiyomi at Prank Call Video

Yo! Kung tambay kayo sa pesbuk, malamang ay nakakakita kayo ng shared videos. So for today, heto ang medyo viral vid ng isang bekilets/beklita (beki na kiddielet) na nag gwigwiyomi pero amportunately, dumating ang pudrax at inalis ang kanyang haba ng hair sabay salita ng 'Nasa labas sila Mikay'.


Funny right?! Kahit pano nakakatanggal stress! Sa owpis nga mukang bibig ng mga folks ang katagang NASA LABAS SILA MIKAY!

Pero wag ka! Hontoray ni Nasa Labas sila Mikay......... Aba, May Prank Call Video!!! NKKLK! Alam mo yung okay na yung gwiyomi.... forgivable na kahit di cutie e todo pacute sa vid at nakakaaliw..... pero watdafudge! Gustong sumunod sa yapak ni Allan Soriano.....

Sige...... gusto niya sigurong sumama sa mga famous videos like Barney Carabuena, si Amalayer at Allan Soriano........ Sige na kid..... ichuolreydi! Magkaka-future ka! Baka magtrend ka pa sa chwirrer...... 


Heeelloooooow! Isnabero..... Artista? Artista?!!!  

Based sa mga mini research researchan.... 

ang name ni beckilou ay Macky Lopez!


Eto pa.... may chwirrer account si ateng....https://twitter.com/MACKYBEKI

may FB page sya kaso mukang down na....... 

As of the moment ay nasa limelight pa sya ng Gwiyomi craze pero pano na pag tuluyang naghasikk at lumaganap ang kanyang prank call.... Handa na kaya siya sa masasabeh at VIOLENT reactions ng mga trolls at mapagpatols? Pano pag sinugod na sya ng netizens? Wawilhapen kung lumabas na parang nabulabog na langgam ang mga haters and bashers?

At since alicia keys ang bg music sa prank call vid nia nung una ko tong mapanoods(Girl on Fire).... heto ang ang kanta pa ni alicia keys na bagay sa kaganapan....(KARMA)....what goes around, comes around, what goes up, must come down....

Pero lilipas din to at makakalimutan ng tao.... hellow.... malapit na eleksyon! hahahaha

O sya, hanggang dito na lang muna, at tandaan...... Be good! TC!


Tuesday, April 23, 2013

Pahangin sa Anawangin Day1

There's no such thing as being born into this world to be alone!- quote from One Piece

Mga bandang 3rd year ng nakilala ko tong mga taong to (except sa isa na kaklase ko from 1st year) at di ko akalain na ang mga bagong lipat sa skul namin ang siyang mga ka-klose ko even after namin grumaduate.


Makalipas ang sampung taon ng pagkakaibigan, nagkaroon din kami ng chance na magkaroon ng lakad lagpas Antipolo (ang common hometown nila).

January pa lang ay pinagplanuhan na ang gagawin since uuwi yung isa naming kaibigan mula sa work somewhere sa desyerto. Daming pinagpilian pero nauwi sa planong mag Zambales since di pa nakakadating doon ka karamihan.

Nagkaproblema man sa original plano, nagawan ng paraan. Sabi nga, pag gusto may paraan..... so walang atrasan... tuloy na-tuloy ang lakad!

Last thursday, April 18, nagplano na magkita-kita ang lahat sa may bandang SM North Annex dahil doon kami pipick-upin (uu, pinick up po kami.... char) ng tour group na syang bahala sa van, tour etc papuntang anawangin... eto ay ang group called ' Gone Wild Campers'. So Sakay mode kami sa Gone Wild Venga Van.



Around 11 na kami nakadating sa Pundaquit, San Andres. Nag-bangka ng roughly 20-30 mins para makadating sa anawangin cove.

 Sa Pundaquit, nag-aantay ng bangka









Since yung group tour ang bahala sa kakainin namin, naghantay na lang kami sa pagkain na ihahain nila. Ang iniluto for us ay Chicken Adobo with Adobong Kangkong with bagoongs. At dahil mahaba din ang nilakbay namins, napadami kain ko. lols.

Sa bandang hapon, after mag power nap ang ilan or maglublob sa tubig ang iba, nag trekking naman kami. Maygas..... Kakapagod ang umakyat.

Imagine lalakad ka sa dalampasigan tapos aakyat ka ng mabatong bundokish, dadaan sa medyo matalahibs na daan. Pero kahit nakakapagods at nakakahingals, sulit namans sa view na makikita.











Feel ko nag-shed ako ng madaming punds sa pag-akyat kasi A for effort ang pag-akyat. Akala ko nga naging size 30 na ang waistline ko. Nyahahaha.

Pagbalik namin sa campsite, ligo-ligo at banlaw-banlaw pantanggal pawis na bumalot sa amin sa nakakalerks na trek. After nun, ready na ang tents at ang inihaw na liempow with buttered veggies.




At para tapusin ang araw..... may bonfire, marshmallow roasting, kwentuhans at inumans. :D






Madaling araw na ng matapos ang happenings. Mga may amats na ang tao, yung iba borlogs na at yung iba, sa buhanginan na natulog. hhahaha.

At dito nagtatapos ang day1 adventure naming magkakaibigan sa Anawangins.

TC folks!