Sunday, April 21, 2013

7 Keys to Positive Thinking

Wazzaps! Kamusta ang weekend? Oks naman ba kayo? Good! Ano? Hindi? Well, baka magbago pa yan at maging good! Tiis lungs.

For today, wala munang pelikula review-reviewhan, walang pampainit ng dugo or wento ng aking adventure sa ibang lugars. This time, iba naman ang mababasa ninyow. 

Ganito kasi iyown...... Last Tuesday, naculture shock ako sa email na natanggap ko sa work! Promoted daw ako! Charot lang! Well, nakatanggap ako ng invite for something... training daw.... Tas nagulantang at nawindang ang life ko ng nakita ko ang title ng training..... Kung ano ang title ng post, yun din ang title ng training kow.


O diba! Kakagulantang kasi ang unang pumasok sa isip ko ay i'm so NEGA na ata. Like..... sobra na ba ako sa pag-iisip ng mga negative thingies kaya naman binigyan ako ng gantong training?

No choice.... Opo sir lang ng opo sir kaya ayun..... inattendan ko na kahit OT ako ng 2 hours kasi aftershift ko yung training.

So ano ang natutunan ko? Eto, ishashare ko din....

1. Choice
-Aba..... kung gusto mong maging positive vibes.... desisyon mo yun! Di pweds na gusto mong maging positive thinker pero ayaw mo... ano yun? lokohan?! Dapat isipin mo... TINK PASITIBS!

2. Vision Success
-Isipin mo na kaya mo! Isipin mong magagawa mo! Gawing goal mo ang success (hindi yung lalabas ng banyo sabay sigaw ng success ha! NOT THAT!)

3. Be Alert, Alive, Awake, Enthusiast, Have Fun
-Feel good, look good, be good ang peg! Enjoy enjoy lang! Alam mo yung dapat ay may time ka din na maging masaya, tumawa, humalakhak or kahit ngumiti man lungs.

4. Surround yourself with Positive People
-Ay eto..... layo-layo pag may time sa mga folks na madaling mabadtrip, laging nagmumura, laging badtrip sa maliliit na bagay! Baka mahawa ka.... remember na ihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok ganyans...

5. Be a Solution and Not a Problem
-Wag maging pabigats! Wag maging pasakit or pain in the ass! Pag may problima..... solusyunan agad agad, kumilos ka! Wag na wag kang tutunganga at nganganga lang. Go lang ng Go!

6. Embrace Change
-Change is constant dre! Lahat nagbabago.... Kahit ikaw! Yes you! Kung ulingling kaman ngayon like Nancy Binay..... who knows..... baka mag shine bright like a diamond ka dahil sa change!

7. Always be Grateful and Pay It Forward
-Pasalamat-pasalamat din! Everyday, pagkagising, mag tenkyu ka kaya na buhay ka! Feel good na may another day ka pa sa earth para mag share ng positivity in life!

By thinking positive mga chongs, magiging maganda ang flow ng life nio kaya go tink pasitibs!

Hanggang dito na lang muna, Take Care and Enjoys!

18 comments:

  1. hmm nice make sense naman! pero sa tingin ko ee my 8th pa
    which is faith hehe

    ReplyDelete
  2. Maganda nga ito!

    Think Positive! Go! :D

    ReplyDelete
  3. alam mo napapanahon ton'g post mo na to for me. down kasi ko lately eh. thanks dito hehehe

    ReplyDelete
  4. I think it all boils down to number 1, choice. It's our choose to be happy and it's our choice to let the things around us affect us. Life has always been made up of our choices, good or bad. Happy Monday! ;)

    ReplyDelete
  5. Ha ha at mukhang meron na naman akong mai-rerepost mula sa iyo Khanto ... puwede ba sa uulitins ? Dami ko nang utang he he he ...

    ReplyDelete
  6. tama... dapat laging positive... pero sa side ko lagi na lang negative hehehe.....

    thanks sa pag share sa amin...

    ReplyDelete
  7. naniniwala akong ang iniisip mo ang na-a-attract mo kaya very good yang pag think positive :) agreeng agree ako sa post mong to khants :)

    ReplyDelete
  8. Isang malaking check!

    Bawal ang nega, maba-block ang blessings :))

    Good vibes lng parati!

    ReplyDelete
  9. I alwies think positive... pero me isang positive na ayaw na ayaw ko at nakakawindang.. pregnacy test (Joke ) :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???