Saturday, April 27, 2013

Gone Wild Campers

Happy weekend mga folks!!! Kamusta naman ang inyong araw ng pahinga? Mainets, kailangan mag babad din kayo paminsan-minsan sa tubig para mag chill-chill at mag relak-relak.

For today, hindi muna review ng latest Ironman film ang bibida... Hindi rin latest youtube video na kumakalats sa pesbuk.... at hindi rin porn (teka, wholesome po ang blog na ito so walang porn...slash that!) random post. Share-share lang ng something.

Lam nio naman na last week, nagbakasyones ako with my HS-Kada sa may Zambales. (di nio alam? eto, pindot pindot here at here). And minsan kapag may lakad or lakwatsa out of town, nakakahagardo versoza saka nakaka stress drilon ang mag-plan at mag-execute ng mga gagawin, lulutuin, dadalhin ganyan. So para mas hassle-free at chillax-chillax lang, inavail namin ang serbisyo ng 'Gone Wild Campers'.


Wow! Gone Wild! Catchy name right?! Yes! Catchy talaga.... Sila yung grupo na aasikaso ng pagbyahe mo pag trip mo mag trip papuntang Anawangin Cove, Talisayin Cove, Nagsasa Cove, Island Cove (jowk lang), Baguio at Potipot Island.

Technically, sila na ang bahala sa Vengavan na sasakyan nio papunta sa destination kasama na ang VengaBoat papunta sa isla or cove na pagtatambayan nio to make pahinga at magbilad na parang daing sa araw. 

Sila na din ang bahala sa kakainin niong food for lunch at dinner atsaka breakky. Yung eksenang antay na lang kayong tawagin na kakain na kasi may foodie na lalapangin ganyan!

But wait! Wag assuming much! Di po gourmet food ang ihahain sa inyo kaya wag choosy much! Paki-pack po ang conyo-self ninyo at pakilabas lang ang cowboy-self para sa foodies! Ano ba! Bawal ang pihikan much.... 

Sila na din ang bahala sa bonfirebonfire effect sa buhanginan saka ng tent na pede niongg tambayan ganyan while nasa beach. 

(larawan ay mula sa fanpage ng Gone Wild Campers)

Need mo ba ng tulong mula sa kanila para easy-breezy-beautiful ang bakasyones ninyo? Then, pede ninyong i-check ang kanilang site.... www.gonewildcampers.com. or ang pesbuk page na http://www.facebook.com/gonewildcampers

heto nga pala ang larawan ng mga tao sa likod ng Gone Wild Campers. Tingnan ang larawan sa ibaba.


Wait lungs! Di po porket may picture ng mga boys e iisipin ninyong parang yung mga palabas sa tv na pede mamili ng sinong magseserbisyo sa inyo... Nope! Hindi ganun! Random ata kung sino ang magiging guide nio sa trip.

To make it short.... Kung gusto ninyo ng worry-free byahe with friends and berks.... why not hire and get the service of the 'Gone Wild Campers'!

Pahabols.....

Ang guide namin sa trip ay etong nasa larawan sa ibaba.

Si Rian at Warren

Sila ang nagprepare at nagluto ng foodie namin. Sila din yung umasikaso sa stay namin sa Anawangin trip. mabait, di mahangin, maasikaso at enjoy kasama dahil enjoy na enjoy yung mga friendships ko! Di lang yun, sa sobrang enjoy nga ng isa, nag-aapply na bilang new member ng Gone Wild Campers :p

Ay, meron pa palang isang kasama na nag-guide sa amin.... si Alfred... este Efren pala. hahaha. Tong si Efren ang medyo may kasalanan sa nakakapagod na Trek namin..... medyo iniligaw kami at dumaan sa mahabang way back to camp :p nyahhahahaha (ayos din sya like Rian and Warren)


ShoutOut sa taklong guide namin! Tengks sa masaya at cool summer escapade (naks, shoutout.... twitter?)

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Happy Weekend! Enjoy!!!


9 comments:

  1. Ang saya naman pala, may ganito nang group / guide para sa Anawangin trip :) Sana pwedeng mamili ng guide tapos may massage massage on the side. Chos! Nice to, less hassle na ang pag outing sa Anawangin, katawang lupa na lang ang dadalin sila na bahala sa lahat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukang random zai depende sa availability ng guide e:D

      Delete
  2. astig naman! siguradong ligtas kayo sa trip :)

    ReplyDelete
  3. Woot? galing naman nyang Gone Wild Campers. Magiging worry free talaga ang byahe at bakasyones ninyo :)) Puro boys lang ba ang guide? Wala bang girls na may pagka cowboy ang dating?

    ReplyDelete
    Replies
    1. puro boys talaga. Kasi mahirap na daw pag may girl, who knows what could happen depende sa iba-ibang tao :D

      Delete
  4. ang hot naman nung rian, pwede bang kunin ko syang guide, tapos kaming dalawa lang haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha, pag natyempuhan mong sya ang guide. :D

      Delete
  5. wow may guide pa! haha mejo catchy naman talaga ung name eeh

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???