Monday, September 19, 2016

The Flu

Hey! Isang magandang monday sa inyong lahats. Kamustasa kalabasa? Heto nanaman ang inyong lingkod para naman magpost ng review-reviewhan ng peliks.

Wells, popular ngayon ang Train to Busan at dahil dyan may kung anik-anik post na makikita sa social media. At sa ganitong makemeng bagay may posters na mamaru at syemps pabida.

May nakita akong post na kung nagustuhan daw ng madlang folks ang Train to Busan, magugustuhan din daw ang the Flu. At dahil dyan, ang -piniratang tabing ay may kopya na ng peliks at may tagalized version na.

And so.... knows nio na kung what film ang review for today.


So magsisimula ang wento sa isang gang na naglalagay ng mga madlang folks sa isang container van para makapuslit sa Koreaaaaa ave koreaaaaa.....

Tapos pagdating ng korea, pagkabukas ng container van... deym... Lahat ng folks na nasa loob ay nategibells na. Deads na sila. At tanging isa lamungs ang nakaligtas...

Then ipapakits na ang main bida ng peliks. Isang guy na nagliligtas ng mga folks. Iniligtas niya ang isang girlay at medyo nainlababo si boy.

Turns out, doctor ang propesyon ni girlay at nalaman nila na ang kumakalat na nga ang virus virus flue at kailangang makahanap ng lunas.

So yung place kung saan nagkaroon ng outbreak ay kailangang ma-isolate para di mahawa ang buong korea.

Tapos ang tanging way ay makakuha ng possiboe vaccine mula sa survivor ng flu. SO kialangang hanapin.

Kaso na-infect ang junakis ni girlay at si boy bida ay naging protector thingy ng mag-ina.

Tapos magdedesisyon na ang president ng bansa kung kailangang isakripisyo ang mga folks dun sa infected area or hindi.

Tapos the end...

hahahaha.

For me... ewan ko, di ako totally nakuntento at nasatisfy sa story. Nope, for me hindi masyadong exciting compared to the  Train to Busan.

meeeeh... bibigyan ko lamang ng 8.1 tong The Flu. Nakakabwisit ang both sides at mga tao sa peliks. Hahahh. Nothing to cheer nothing to root for!

O sya, hanggang dito na lang muna.


Saturday, September 17, 2016

How to be Yours

Yo! Kamusta na folks! I'm back! So ngayon ay merong time me na magpahinga sa bahay kaso may pampam mode na sisingit sa pag-seseries/anime marathon ko sa bahay. Eto ay ang pagsingit ng tagalog film ni mudrax.

At yan po ang akig irereview-reviewhan for today. Isang pinoy film with the title 'How to be Yours'.


Magsisimula po ang lahat sa isang bar. Loud music chuva ganyan. Tapos andun si boy kasama ang friends/opismates niya. Then mamemeet niya si girl na may mga kasama ding friends.

So nagkakilala si boy and girl sa party. Pumorma ng kemerut ang dalawa. Nagkahatiran sa isang place. At muntikan na silang magchukchakan at magkembular kaso panira ang mga housemates ni girlay. Ayun.... di nadiligan ang uhaw na lumpia ni girl.

Pero eventually mas nagkakilala pa ng todo si girl at si boy. At syempre dumating din ang point na maging magjowawits silang dalawa.

Tas malalaman ang life ng magjuwa. Si boy ay isang salesman ni Sia.... salesman siya ng Chandelieeeer... like a chandelieeeeer... I'm gonna swiiiiiing... ganyan!

Si girl naman ay isang cooking masterchef kemerut. From a fambam ng mga doctorquackquack chenes, siya lang ang nahilig sa culinary cooking.

At ng maging sila na... Natuloy din ang inaasam-asam nilang pagniniiiig. Nagboomboompow sila at nag oooh...aaaah... ooooh sila sa opisina na boy. laplapan gallore ganyan. 

Happy ever-after na ba agad? Syempre hindi. Natural dapat may conflict thingy na magaganap. Dapat hindi lang sweetness, meron ding saltiness at hotness and spice ganern.

May dalawang klase daw ng tao, Yung Career over love at Love over career. 

Originally si boy ay career over love noong una pero naging Love over career ang peg noong nameet niya si girlay.

Si girlay naman, noong nagkaroon ng trabaho, slowly evolving siya from love over career to career over love. Kinain na siya ng sistema. lols

So ang ending? 

Nagkaroon ng pagpili... Career or love ganyan. Sacrifices chenerlins and decision making things.

For me... sakto lang naman ang peliks. It's okay, pero walang super kilig factor. Storyline is good pero parang medyo may kulangs. Okay naman ang chemistry ni Bea at ni Gerald sapat naman.

Pero sa tingin ko, kaya di naging matagumpay ang relasyon ni boy at ni girl ay kulang ang effort ni girl. Like kung wala kang time sa juwaers mo masyado, why not give a surprise sleeep blowjob kay boy. Baka sakaling may ma-appreciate na effort ganyan!

Saka sobra sa po.... upo.. grace poe... fernando poe....

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Monday, September 12, 2016

Escalator Etiquette


Hello! Kamusta na kayo? Yeah, kakasulat ko lamang kahaps/kagabs pero ewan ko, parang nangangati ang mga daliri ko para magsalitype ng aniz-aniz.

For today, ang topic ay ang escalator etiquette. Yeah! May etikey-etikey thingy when gagamit ng escalator... you know, the hagdanang gumagalaw pataas o pababa sa mga malls ganyan.

Lately, may nakikita akong post sa pesbuk about this Escalator Etiquette at ang isang malaking mall sa kung-saang lugar ay nagkaroon ng kampanya to do the escalator etiquette.

Ano nga ba yung etiketang yun? Eto ay sa tuwing gagamit ka ng escalator, kung di ka nagmamadali at tatayo ka lang, dapat sa right side ka. Pero kung parang taeng-tae ka na or may hinahabol kang tadhana, sa left ka.

May mga tarp na nakalagay bago ka sumakay sa escalator at meron na ding sticker kung saan nakalagay ang katagang 'Stand' and 'walk' para alam mo kung saan ka lulugar. 

Pero ang malaking katanungan, bakit hindi magawa ng mga madlang folks ang sumunod sa simpleng bagay na ganito? Kitba deadmadela ang mga tao?

Heto ang mga kadalasang napapansin kong mga folks na di sumusunods.

1. Yung mga solo. Sila yung mag-isa na nga lang sa mall pero ewan ko at di masunod ang etiquette. Unang naiisip ko ay dahil gusto nila ng space sa mundo. Kaya naman para mapunan ang pagiging mag-isa at di madama ang kalungkutan, kailangang sakupin nila ang gitna ng escalator.  You shall not pass ang drama.

2. Yung solo lang pero madami ang pinamili. Yes! Richie dehorsie! Rich Asuncion! Sa dami ng pinamili sa mall ay parehong may mga shopping bag ang magkabilang kamay kaya naman di daw siya pedeng gumilid lamang! Like duhh! Rich, she/he can buy you, your friends at ang buong mall kaya di siya susunod sa etiquette! Paying customer remembah!

3. Yung may kalandian! Sila naman yung couples. Hindi pa sila pero kailangang maging sila! Kailangan ng da-moves. Kailangan mahawakan ang pechay este kamay. Kailangang maka-akbay! 

4. Mag-jowa at mag-asawa! Eto yung couples na mamamatay ata ang isa sa kanila kung maghihiwalay at hindi magiging magkatabi sa escalator. Yung tipong titigil ang tibok ng puki este puso kapag maykakahiwalay. End of the world na para sa kanila kung di sila magkatabi paakyat or pababa ng escalator. Feel nila may lovesong na tumutugtog habang sila ay magkasabay.

5. The Berks! Berserker barrage ganyan! Eto yung grupo ng spice girls at backstreetboys na nagpunta sa mall. Sila yung kailangang isang kumpol kapag gagamit ng escalator. Kailangan close sila para sabihing tight ang pagiging beshies nila.

6. The Dugtrios! Well medyo smaller ng konti sa groupies at tatlohan sila. Eto yung nagchichikahan sa mall ng aniz-aniz at ayaw maistorbo ang chikaminute kaya kailangan pa-triangle ang peg para hindi madistract ang usapans. 

7. The Fambam! Eto naman yung isang pamilya. Andyan yung magjusawa na kailangang hawak nila ang junakis at kailangang ipakita na one whole happy family. Kailangang sakupin ang buong space sa escalator coz hindi sila mapaghihiwalays.

Pero ang pinaka dahilan bakit hindi sumusunod sa etiketa? Well.... We live in a dangerous world! Fuck rules right??? Wapakels kung sino mang hudas barabas hestas ang makakasabay natin sa escalator! Tayo ang boss e diba???

Well, technically may exception naman talaga kung sakali pero sana ay ma-follow naman ang mga simpleng bagay para sa katinuan ng bagay-bagay. Maliit na bagay pero kung maaayos, maaaring magdulot ng impact sa bayan.

O cia, hanggang dito na loang muna. TC!

Sunday, September 11, 2016

Teacher Challenge Thingy


So nagchecheck ako ng pesbuk, nakita ko ang larawan na ito na galing sa social media chenelin ni Senator Bam Aquino... which i don't know kung valid page talaga niya ito.

So may pa-challenge chever para sa National Teachers month chuchu and kailangan mong ibigay ang namesung ng adviser mo since grade 1.

I know dehins ko kaya mamemorize ang namesung ng mga teachers ko noon at ang kanilang alyas lang, malamang sa alamang memory lane post lamang ito ng school mode.

Grade 1: Tita Cel. Yeah, dehins ko knows ang complete name ng adviser namin noong grade 1. Ang recall moment ko lang ay ang name niya na hawig sa pangalan ng isang DragonballZ character na nangangain ng Android.

Grade 2: Shucks, di ko talaga mahagilap sa memory lane ko kung sino ang aking teacher noon. Ang narerecall ko lang ay yung classroom namin ay isang two-storey bahay na binili ng school namin at ginawang classroom. Medyo scary at hauntedhouse-ish nga ang feel nun.

Grade 3: Tita Gladys. Nope, hindi po sya yung umapi kay Mara ng MaraClara. Ang natatandaan ko sa grade3 moment ay yung maging Class President ako at isang super embarassing moment na di ko ikwekwento hahahahah. 

Grade 4: Tita Maan. Yung teacher namin na jinojoke na instead na Tita, Tina ang tawag kaya Tinamaan. Ang recall ko sa kanya ay jontis siya during the time na hinandle kami at ang fave wrestler noon ay ang pinangalan niya sa anak niya... si BrettHeart.

Grade 5: Tita Jonah. Di ko malilimutan ang teacher na ito dahil siya yung teacher ko noong bigla akong nalipat from the common block section ko na pang-hapon. Fave niya yung ipamemorize niya sa amin ang Psalm 23.

Grade 6: Tita Mariz. ZOMG! Di ko sure pero feel ko siya nga yung adviser namin. Hahahah. Medyo memorable kasi siya yung teacher during the time na gragraduate ako ng gradeschool. Aside from that wala na ako maremember-me.

HS 1: Ms. Vilma. Nah... hindi Santos ang apelyido. Memorable kasi medyo husky huskyhan ang voice niya plus new environment since nalipat ako ng school. Tapos paborito niyang ekspresyon ay yung 'Quesehoda' thingy. hahahaha.

HS 2: Sir Revie. Ang beshie-beshie ni Ms. Vilma kasi sila yung mga HS teacher na naghandle ng batch namin na pioneer o unang gragraduate sa school. Most memorable yung eksenang napa-cutting class ako during that time at face niya noon ang kumain ng saging sa classroom. hahaha.

HS 3: Sir Feri. Di ko siya malilimutan dahil nahati ang core 1 section namin into two dahil nadagdagan kami ng iba pang students. One thing na natatandaan ko sa kanya ay indonesian siya at favorite niya yung term na 'QUELE' na part ng religion class. 

HS 4: Sir Ronald. Bagong teacher siya sa High School namin. Nothing super Duper memeorable pero syemps mas maaalala ko siya ng slight compared sa mga previous adviser ko. Physics teacher namin siya.

Salamat sa mga teachers kong ito dahil kung hindi sa kanila, malamang ay di ako natuto ng mga anik-anik sa academics. Without them, siguro hindi buo at kumpleto ang aking education journey at kahit paano, hindi horrible ang aking experience.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Saturday, September 3, 2016

Train to Busan

edit: May charuterang report achuchuchu kaya pinatake down ang post na itwu. Kaya heto, wala na pics.

Wake me up..... inside! Wake me up inside! Call my name and save me from the dark... Akala ninyo wake me up when september ends? No! I can't sleep ng ganun katagal no.

Anyway highway my way, ngayong araw na ito ay may moview review-reviewhan nanaman para sa bloghouse na ito. 

Ang palabas ay isang Korean Movies na pupular kaya naman gumawa ang pinas ng way para maipalabas din ito here sa ating bansa. Ito ay ang peliks na tungkol sa Train... Thomas the Train! Charots! Train to Busan.

O! Wag OA mag-react ha... kung manonood ka pa lang at ayaw mo ma-spoil, pede i-close at mag-train to Recto ganyans.






So kung handa ka na... let's go!



Magsisimula ang peliks sa kemerut eksena na may quarantine achucuchu somewhere. Tapos may nasagasaan na isang Deer pero nabuhay itwu este nag-reanimate... you know... the things zombies do.... 

Meanwhile, etong Bida ng Coffee Prince ay may fambam conflict kasi yung junakis niyang babae ay gustong magpunta sa mudrax niya kasi walang time si pudrax ganyan... you know... fambam problem..

Ayun na nga, walang choice si Pudrax kaya sinamahan niya ang kanyang bagets papuntang Busan. At they make sakay na nga sa Choo-choo train. Ipapakita din ang mga ibang passengers ng train.

Lingid sa kaalaman ng mga madlang pipol na nakasakay ng train, nagsisimula na ang pagkalat ng epidemya zombiepocalypse. At sa kasamaang palad, may epaloid na girlay na nakasakay at pumuslit sa loobs... Lam mo na.... start na ng masamang mangyayari.

Ayun na nga... so nag-start na magka-hawa-hawa ang mga pasenggers. It's like kung pano nahahawa ang ilang tomatoes kapag may isang rotten tomato ganern!

Shempre.... kailangan makaligtas... takas-takas ang mga tao. Moving from one part to another. Then may nalaman sila ng slight na hindi sila inaatake ng zombiefied folks unless nakikita sila ng mga itwu.

Medyo madami pa naman ang survivor pero kailangang mag-force stop ng train at pababain na ang passengers sa Betty-Go Belmonte Station.

Pero wrong choice! Yung station na binabaan nila infected na din at madaming nakaabang na zombies. Sumugod kapatid sila sa mga bumabang pasahero at nangalahati nanaman sila.

Back to train sila kaso nagkahiwa-hiwalay yung mga bida-bida ganyans. Syempre kelangan magkakasama ang mga non-infected so kailangan mailigtas nila ang sarili nila.

The guys ay nag-attempt na mag-move para iligtas yung mga na-trap sa cr ng train. Fight fight fight. Tapos nalaman din nila ang weaknes ng zombs, na di sila maka-attack kapaag madilims.

suspense.... suspense... sino ang magsusurvive ganyan.

pero shit really happens at talagang puta-puta ang shitness kapag naganap. Yung eksenang epaloid yung ibang pasahero at inisolate pa nila yung mga bida chenes. Pero Karma's a big bitch kaya naman nategi yung mga shutanginang ekstrang pasahero na survivors.

Dahil sa train problem, di makapag-push to Busan ang train. Kailangan nilang lumipats... i mean for the remaining few survivors. 

Subalit malupit ang tadhana at isa-isa ding natetegi yung mga bida. Isa-isa na silang nazombified. Until sa padating na.. Final 4!

At dito na bibitinin ang wento. Panoorin ni kasi!

Score ng film for me ay 9! yes! mataas sya. Eto yung peliks na nakaka-excite kung ano ganap. Though hindi super dugo or gore n ineekspect ko pero not bad. It's a zombie with a heart ganyans.

Mga napansin ko lang... Tatag nung buntis, nakakatakbo at hindi man lang nakunan or napaanak ng wala sa oras. Tapos kailangan puti ang damit ng mga bida? para makita ang bloods ganyans?

All in all... good film itwu!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!