Sunday, October 30, 2016

Lakompake

Ohayu!!! Kamustasa??? Malapit na matapos ang october! Ambilis ng araws. At padating na ang nakakalungkot na araw ng undas... dahil kapag binaligtad ito... Sadnu?!

Anyway my way hi-way! ang post para sa araw na ito ay isang review-reviewhan ng isang libro. Ang libro ni Senyorang 'Lakompake'.


Well, una, da who ba etong si Senyora? Siya ay isang Social Media persona na nakatago sa likod ng larawan ni Senyora Angelica sa kilalang mexicanobelang Marimar aw! Yah, sya yung kontrabids na nagpahirap sa hampaslupang si Marimar.

Kilala si Senyora sa FB at twitter world na kung ano-anong hanash sa mga bagay-bagay. And after a long long long years... aba, nagkalibro ang hitads.

Noong una ay akala ko ay mga lumang mga tweets and posts ang makikita ko sa kanyang libro. Pero no-no-no-no-no-check ang ganap. Hindi pala. Akalain mo na mapapabasa ka talaga sa book na ito.

Ang libro ay naglalaman ng mga anik-anik na hanash ni senyora na nakakapagpabadtrip sa kanya. well, any topic ang peg.

As for the content? Keri naman at funny naman.

For the score? Lamang si Senyora sa libro ni Vice at ni Mr. Fu. At lamang din sya sa libro ni Ethel ng .1. So bibigyan ko ito ng 8.1 out of 10.

O sya, hanggang dito na lang muna!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???