Saturday, January 28, 2017

KDramarama


Etong buwan ng enero, tuwing restday ko, naiisipan ko na lamang na tumambay sa bahay at manood ng korean series kesa pumunta sa mall, gayahin ang sinasabi ni SarahG na 'Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot'.

For today, nais kong ishare ang ilan sa serye na napanood ko at ang aking komento at masasabeh. Meron tayong 4 series dahil syemps, hindi biro mag Kdrama marathon dahil it consists of 10+ episodes at madalas tig-iisang oras per epi.

Kaya, without further ado, eto na sila.

1. The Miracle


Ang story about sa kambal na girlay. Isang Sexy kpop idol at isang Biggie gurl. Si kawawang big gurl ay medj loser dahil nabubully sa school at laging nagtatago dahil bawal malaman ng public na may kapatid na jambuhala ang isang sikat na kpop idol.

One day, may tinulungan si jumbogirl na matandang babae at binigyan siya ng necklace. Dito ay sinabi na kung ano ang hihilingin niya, ay magkakatotoo. Nag-wish si jumgirl na magkapalit sila ng kanyang kapatid.

Then poof! nag-switcheroo ang katawang lupa ng dalawa. Anong mangyayari? secret, walang clue.

Maikli lang ang series dahil isa itong web series lamang. Less than 15 minutes per episodes. Keri lang, medyo kilig ng konti, mga 3/10 na kilig. Okay lang pampalipas oras.

2. Cheese in a Trap


Ang serye na ito ay tungkol sa college lifesung ni curly gurl na majirap. Si gurl ay may katalinuhan naman at matyaga kaso aabutin ng kung anong kamalasan dahil makikilala niya ang kanyang sunbae or senior na nagkagusto sa kanya. Ang di alam ni gurlay ay may something kay guy.

Merong 16 normal episodes ang series na ito na tumatagal ng mga isang oras. medyo realistic ang college life kasi makikita dito yung unahan sa pagkuha ng magandang schedule at subjects at pag-iwas sa terror professors. Dito din papakita ang mga lechugas na parasitikong kaklase na kapag may group projects.

Pero ewan ko... nabwisirt ako sa seryeng ito. Napapaputangina ako sa majority ng characters, including the bida! Like pakshet to the nth power. Not suited for people na gusto ng Good vibes lang.

3. Blood


Ito ay tungkol sa isang guysung na ipinanganak na kamag-anakan ni Edward Cullen na kinaiinisan ni Buffy... Isang bampira. 

Isang yuppie na naging doctor at inaalam kung ano ang puno't dulo ng kanyang pagiging bampira. It turns out, isa itong virus infection. Si guy is on a search para sa cure habang papasok sa buhay niya ang kalabs na bampira din na gustong gamitin ang vampy power for medicinal chuchu.

May 20 friggin long episodes ang series kaya naman minsan mapapafast forward ka na lang sa mga eksenang di mo feel at sa tingin mo ay wala naman talagang connect sa story.

Sa unang part ay kabwibwisitan mo ang arrogance ng mga bidang character pero kabwibwibwisitan mo din ang kalaban. Ang ending ay keri langs pero you can skip most of the episodes in between.

4. Reply 1997


Ang wento ng mga folks na nagkaroon ng alumni meeting at nag- MemoirMomday. TurnbackTuesday, WaybackWednesday, ThrowbackThursday, FlashbackFriday, SpacewarpSaturday at SofarbehindSunday.

Dito ipapakita ang high school life ng mga folks. Kung ano ang mga ganap noong 1997-1998, ng sila ay nasa HS life. Ang panahon ng pagkahumaling ng mga girls sa kpop boys, ang pagtatamagotchu, ang pagrerecord ng episodes via VHS at atng porn sharing sa school ganyan.

Dito rin ipapakita ang pagkakadevelopan ng feelings ng dalawang magkababata. Ang kanilang tila pagiging aso't-pusa and stuff.

Eto ang best sa apat na nasa listahan na aking itinala. Walang uber nakakawisit na characters. Feel good lang at ramdam mo yung feels na nadarama ng mga characters including mga puppy love at first love ganyan.

For the meantime, yan pa lang ang serye na aking mashashare sa inyo. If may bago, malamang sa february ko na siya masasabi.

O sya, hanggang dito na lang muna! TC!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???