Sunday, January 29, 2017

Shaman King

Madalas sa jopisina kapag kalmado ang alon ng mga katawagan at payapa ang mundo at walang tawag, minsan ay sumisilip ako sa pesbuk para magbrowse ng anik-anik.

Then while browsing, nakita ko etong picture na nasa baba at ito ay nagbigay sa akin ng ideya kung anong topic sa next post ko.


Sa hindi nakagets sa larawan sa taas. Ito ay patungkol sa anime na Shaman King.

Noong mga panahong bagetsing pa ako at medyo makapal pa ang tubo ng buhok ko, isa ito sa anime na aking sinubaybayan sa hapon. Isa eto sa palabas na aking tinangkilig at pilit subaybayan (kailangang makauwi after ng skul)


Ang shaman king ay magsisimula sa isang peepsqueek na si Manta. Hindi siya ang pinakabida pero parte ng wento.


One day, isang araw, bigla na lamang niyang makikilala ang tunay na bida ng palabas. Makikilala niya si Yoh Asakura na isang Shaman. Si Yoh ay naghahanap ng espirito na makakasama niya sa journey upang maging hari ng mga Shaman.

Dito ay makukuha at makakasama ni Yoh ang espiritong si Amidamaru na isang Samurai. Magiging close ang dalawa.


At dahil nga ang goal ni Yoh ay maging Shaman King, kailangan niyang sumali sa isang Shaman fight. At dahil dito makikilala niya makikilala ang mga karibal/kakompitensya at ibang karakter.  Kikilalanin natin sila.


Anna- Ang fiancee ni Yoh. Siya ang may kayang magpatahimik at bumatok sa bidang lalaki. May ibang shamanic powers thingy.


Ryu- ang kalokalike ni Alfred ng Yu-yu Hakusho. Isang gang leader na sinaniban ng espiritong may galit kay Amidamaru. Pero eventually naging friend nila Yoh.


Ren- Ang unang nakalaban ni Yoh na naging rival enemy turned friendly friend. May lahing instik at may espiritong nagngangalang Bason.


Horohoro- ang isa ding shaman na lalahok sa Shaman fight. May kakayanan at powers ng yelo gamit ang kanyang spirit partner.


Faust- Isa din sa lalahok sa Shaman Fight. Sa laban nila ni Yoh, natalo ang bida at napili si Faust bilang myembro ng koponan nila Yoh. Ang espirito niya ay ang jowawits na si Eliza.


Chocolove- ang feeling joker pero banban magpatawa. Nakilala nila Yoh sa pagbyahe nila papunta sa lugar kung saan magaganap ang Shaman Fight. Ang name ng espirito niya ay Mic Jaguar.


Lyserg- ang lalaking may sherlockish outfit with his spirit named morphine. Naging kakampi din sana eto nila Yoh kaso shungashunga at nauto upang sumali sa ibang team.

During the Shaman Fight at story arc, ang main na kalaban ay si Hao. Nope, hindi ito yung kahawig ng ostiya pero kulay pinkish.


Hao- siya ay kalokalike ni Yoh at may goal din siyang maging Shaman King. Siya ang uber kontrabida at main kalaban sa buong Shaman story.

So what's good about this anime? napaka-cool ang shamanic powers nila. Yung tipong sa una, kayang i-lagay ng main shaman ang kanilang spirit friend sa isang bagay like a samurai sword and others.

Pero as the story goes, mas nagkakaroon ng upgrade ang shamanic powers nila at nag-eevolve ang kapangyarihan.

Astig din ang ibang mga characters na lumabas sa show like ibang teams na nakalaban and even the folks na nag-ooversee na Shaman Fights.

Isa sa astig na anime!

Yun lang!

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care folks!

1 comment:

So.......Ansabeh???