Kapag araw ng aking pahinga, madalas ay nasa bahay lang ako at nakadikit sa aking kama at walang ginagawa este nagnyenyelphone lang pero mostly kain borlogs. Pero kapag may time ay nanonood ako ng series or ng peliks.
Medyo madami-dami na akong film na napapanood at medyo umays na din ako sa common storyline pero this film na ishashare ko sa inyo, medyo iba.
So lilipad tayo sa bansang Japan. Dito kasi ang setting ng film since it's a japanese animated film. So alangan naman na mapunta sa pinas ang settings... kenat right?!
May balita na may meteor shower na ganap sa japan.
Isang araw, isang dalaginding ang nagising sa kanyang kama-kama-kama-kama-kama-chameleon. Parang normal lang pero hindi. Isang binatilyong soul ang nasa loob ng girly body.
Anong ginawa ni boy trapped in a gurlay's body? Syempre, pinaikot-ikot, nilapirut-pirot ang boobelya na nasa kanyang dibdib.
Then on the other hand, isang boy ang nagising pero sa loob nito ay isang kaluluwa ng isang girlay. Anong ginawa ni girlay? Ayun, chinunky check niya ang talalalalalonglonglong na nasa gitna ng hita.
So malalaman na itong si country gurl ay nakikipagswap body sa isang city boy from tokyo. Everynow and then, nagpapalit sila ng katawang lupa. Somehow they meddle with each others life since no choice, kailangan nilang magpanggap habang nasa ibang bodeh sila.
Then ang tadhana ay mapaglaro.... sa isang iglap, natapos ang swap mode ng dalawa...
Oooops, hanggang dyan na lang muna ang kaya kong iwento hahahah.
Bibigyan ko to ng 9.5!
Gusto ko yung twist ng wento. Yung habang pinapanood ko sya ay napapa... o-sheeet whaaaaat moment ako! Grabeeeeee... that feeeeels! Yung ansakeeeet! Ansaketsaket sa puso ang dama. Kumukurot! Like whatdaaa.....
After manood ng film na ito... parang ayaw ko muna manood ng other films dahil baka bumulusok pababa scores ng ibang film kung di lelevel sa film na ito.
O sya, hanggang dito na lang muna.
Naisip ko tuloy kung dito ba hinango ang american film na "It's a Boy Girl Thing"...
ReplyDeletesige, papanoorin ko 'to.
ReplyDelete