Restday, araw ng pahinga. Araw na dapat chumichillax ka lang mula sa nakakahagardo versozang week sa opisina. Eto yung time na para sa sarili mo.
Kapag pumapatak ang restday ko, dalawa lang ang choice or option na ginagawa ko. Una ay magpunta sa pinakamalapit na mall at mag-windowshopping... pasulyap-sulyap at patingin-tingin ng mga items. Tapos kakain lang ng foods na crinecrave ng dila. Tapos bibili ng series na pedeng imarathon.
Kapag wala namang magandang gawin sa mall, nasa bahay lang ako since wala naman akong kapitbahay na kaclose para makipagkwentuhan and stuff. Mostly nakakulong lang ako sa kwarto, naglalaro ng games sa phone o kaya tambay sa fb, scroll up and scroll down...
Kapag nasa wisho, ayun, magsasalang naman ako sa DVD player ng peliks or series.
At sa mahabang into kunwari ng post, dito ko na isisingit na etong nagdaang restday ko (wed-thur), ako ay nasa haus lang at naanood ng series. At ito ang aking bibigyan ng review!
Ito ay kwento na magmumula sa kabataan days ng mga bidalets (bidang kiddielets). May isang chubbibo boy na friendy-friend sa isang gandara park na gurlay.
Okay ang lahat sa friendship ng dalawa kaso nagpunta ng states etong si boy. Sa una ay okay pa ang communications nila via snail mail. Tapos nag-jirap jackson si gurl kaya nagkaroon ng time na di na sya nagreply.
15 years laters, yeah, medj matagal ang gap, after ng maraming time na lumipas, si Gandara Park gurl ay nagkaroon ng PubertyDisaster. Umeksena ang genes ng kanyang pudrakels na di masyadong kagandahan kaya ayun... medyo Chaka Khan.
Then after all those years, may suddenly moment. Out of the blue, may email syang natanggap. Nope, its not those chain emails na kailangang isend at iforward sa iba else mamalasin ka. Nag-email yung si chubby boy na uuwi sya ng Korea at gustong makipag SEB (joke, syempre hulsam, walang SEB na ganap).
Dyahebels at umiral ang hiya ni gurl kasi nga ang natatandaan ni boy ay yung gorgeous self nia waybak. Pero Medyo crushy niya at perslab si Boy kaya go sya sa EB na ganap. Magtatagpo daw sila sa bagong tayong mall na SM charots.
Sa tagpuan, sa bayan ng Prontera, sa tabi ng tindahan ng magic at sandata.. (wag kantahin ang kantang chiksilog lols).
OMAYGASH! Naloka ang curly hair ni ateng dahil when PubertyHits... laking transformation ang ganap ni chubby boy. Nag-Aura Mask! Makalaglag panty ang look ni boy.
Nagself pity si gurl. *langit sha, baluga ako, hanggang tawanan na lang ba tayo*. Pero kailangan di maiwan sa ere si boy kaya nag-isip ng way si gurl para madispatsya ang perslab niya. Dito niya gagamitin ang maganda niyang Beshie para magpanggap na siya at magkunwaring mag-aaral abroad.
Anshaket besh. Nagpalaya ka kasi chakadoll ang peslak mo. Ulam na naging bato pa ganyan. Pero kailangang mag-move-on ni Shaggyhaired gurl. Pero mapaglaro ang tadhana..
Sa work na napasukan niya, naging Bossing niya si kababata. Nakunaku-snaku, baka mabukelya ang secret niya. Paano na?
While working dito naman makikilala at makakasama ang isang guy na nahulog ang loob sa frecklish face and shaggy hair look ni gurl.
Dito na tatakbo ang gulong ng kapalaran ng mga characters.
Ang series na ito ay feel good serye. Walang nakaka-irita at nakakakulong dugong character. mainis ka man ay hindi yung sobra at kamumuhian mo ang characters.
Funny din eto at nakakakurot sapuso. Imagine, ang beshie mo ay nainlababo sa perslab mo pero di mo sya masisi kasi sa una pa lang, ikaw ang nag-isip na magpanggap si friend bilang ikaw. Pero somehow, deep inside, lab mo padin si perslab mo at di ka maka-moveon. Tapos may isang guy na mainlababo sa iyo.
Bibigyan ko ng 9 na score ang seryeng ito. Medyo dragging lang ang last 2 episodes ng series since mostly resolved na ang mga gusots up to episode 14.
BTW, ang serye na ito ay ipapalabas sa GMA7 as 'Pretty Woman' name.
O sya, hanggang dito na lang muna!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???