Showing posts with label Baler. Show all posts
Showing posts with label Baler. Show all posts

Saturday, May 11, 2013

Haler Baler 2.013 Day2

Mahal ng mahirap, galit sa kuraps..... Kakaka-Khanto...Kakaka-Khanto! Lols.... jumijingle ang peg kasi malapit na ang eleksyowns. :p

Musta na kayo mga folks? Ilang tambling na lang at ang pinas ay dadaan na sa pagpili ng mga senador na maglilingkowds sa bayan. tandaan at markahan po natin Khantotantra sa senado.... jowk!

For today, pagpatuloy ko lungs ang wentong Haler Baler. San nga ba tayo natapos last time????............................................................................ Tama! Natulog na kami after ng konting nomnoman! (parang dora lungs, may pause para sa sagot-sagutan nio kunyare).

Day2, medyo maagang gumising dahil merong sidetrip. Kung 2 years ago, sa isang mini-ilogs at rock balancing ang adventure, ngayon, slight trek papuntang Mother Falls ang pinuntahans.

Nagvenga-van muna kami pero kailangan naming mag-disembark (wow, new term) kasi medyo masikips ang daan therefore kailangan namin ng ibang ride. Magtratraysikol ka dapats. Sa trike, 50 each at pang dalawang tao lang pede, isa sa loobs ng sidecar at isa sa likods ni manong trike driver.





Wag kayong ma-alala, sakto lang ang nibabayad sa trike compared kung gusto mong mag-alay lakad mula dun sa sakayan ng trike to the base camp papuntang falls. Atsaka malubaks at mabato ang daraanan so ang binayad mo e mukang gamit lang pang-gas at vulcanize ng gulong ng traysikols.

Pagdating doon, umpisa na ang lakaran. Pwede gumamits ng tulay or tawid sa tubig para presko sa paa. Then, be ready sa pag-alay-lakads.






Medyo sa kalagitnaans ng trek, merong katubigan na madadaanan, pero mamimili ka kung gagamitin mo yung tulay na may bayad na piso or lusong sa tubig na hanggang lagpas tuhods.








After around 20-30 mins (depende sa pace ng paglalakad), nakarating na din kami sa falls! Woohoo! Achievement unlocked! Medyo misty sa place dahil sa spray ng tubig mula sa falls.




Malamig ang tubig dito! As in! Maginaw pero super relaxing! Yung ansarap magbabad sa tubig. At ang masaya, kung may kasama kang may underwater cam, pede magpic. (ang larawan sa ibaba ay kuha ng camera ng kasama sa trek)






Sa mga camwhore, masaya magpictorial chenelins dito. Basta pwede na masplashan at di masisira ang camera, go lang ng go.... :p

Sa pabaliks, syemps, kelangan medyo may group pic :p souvenir pic lungs ng adventure.



Naglunch muli sa Gerry Shans pagdating ng tanghali at syempre time to pack na para umuwi. pero bago yan, group pics ulits.




Hanggang dito na lang muna! Bukas, Happy Mothers day at sa lunes, Bumuto ng TAMA! TC!

Thursday, May 9, 2013

Haler Baler 2.013 Day1

Ako na! Ako na ang may post kanina e meron nanamang post agad-agad. Well.... naghahabol lang atchaka medyo ganadong tumipa ng anik-anik kaya naman pagbigyans nio na ako.

Last weekend, natuloy at na-push ang byaheng Baler namin. So ito ang iwewento kong kaganapans.

2 years ago...... kasama ng mga ka-opisina, napuntahan ko ang Baler. At ngayon, after 2 years, ako ay nagbabalik.

May 3, mga 11pm (dahil filipino time ng 10pm na usapan na pagkikita-kita), ako, kasama ang ka-opis at dating ka-opis at friends ng ka-opis ay sumakay ng vengaVan pabyaheng Baler.

Ilang oras din na nakaupo sa sasakyan, nag-attempt na bumorlogs pero fail kasi nasa jumpseat me at medyow malubaks at bituka ng manok ang daan kaya A for effort kung gusto mo talagang makapagpahinga.

After siguro 6 hours, isama na ang medyo parang naligaw na moments kasi di matiyak kung anong daan ang tatahakins, nakarating din kami sa paroroonan.... Welcome to BALER!






After maka-settle ng slight, tomjones na ang mga folks sa haba ng byahe. Shepherds, kelangan chumibogchibog pag may time. So kumain kami sa dating kinakainans namin last time, ang Bay's Inn. Dito ay meron silang BreakkieBuffet.... At since ober-ober ang gutom, go na ang buffet. (no Pictures ng pagkain.... pero ang mga isinalang nila hotdog, tokwa, lugaw, egg[hardboiled at iskrambold], langganisa, veggies, frech toast, tocino, corned beef, ensalada with itlog na maalats, and yung iba, namemogap lungs ako... hahaha)

In 2 years, medyo nag-iba ng ang Baler. May improvement na parang bridgeway tapos mukang merong malaki-laking mga kabahayan na parang apartment typish structure para siguro sa accomodations ng mga turistas. Tapos naiba din yung location nung parang surf school dun... nakakapanibago ng slights.






After kumain, medyo pagods me sa byahe at wala pang gaanong borlogs at busog-lusog, ayun, natulog muna me, pangbawi ng energy para mas happy. Tulog mode ang mga nangangailangan ng borlogs habang ang iba ay go na sa beach para mag-surf.

Medyo tanghali na ng makabawi me ng lakas at syemps, sayang ang day kung hindi magtatampisaw sa tubig at magbibilads sa araw. Walang sunblock-sunblock, toasted kung toasted ang motto. Well, medyo cloudy ng slight kaya di ako na-negrito. Heto sa ibaba ang ilan sa shots ko gamit ang aking gigicam na si 'PORN'. :p










Sa pagkakaaliws ng mga folks, aba, 3pm na saka palang umahon sa tubig. Tapos syemps, banlaw-banlaw din. at since nasa 13 kami, inabot ng satkalahating oras bago natapos. Mga 4:30pm na kami nag late lunch/early dinner sa bayan.... sa Gerry's Shan Place. (again, walang pictures... gutom na talaga e)

Pagsapit ng gabi, nomnoman with videoke ang ganap. Red Horse lungs with chips, solb-solb na ang mga folks.

At dito na muna tatapusin ang Haler Baler wento.... Baka bukas na ang part 2. Masyarow na kasing mahabs .
O cia, Take Care folks!

Friday, May 27, 2011

Haler Baler: Finale

Wazap mga pips. So nabasa na ninyo ang Part 1 at Part 2 ng adventure ko sa Baler, Aurora. Aba, kung hindi pa, sige, click that clickables at magbackread. Libre po ang magbasa ng post ko. Walang bayad. After basahin, donasyon nalangs. eheheh.

Natapos ang day 1 after ng inuman so gora na sa day 2. Nag quick breakfast lang kami at sumakay na sa van para mag side trip sa isang destination.

After ng mga 30 minutong byahe, nakadating na kami sa area. Dumaan muna kami ng NLEX at SLEX (toll fee na tig bente sa may-ari ng lupa na dinadaanan papunta sa falls). After that, nakadating na kami sa Caunayan Falls. Larawan ng tarpulin sa ibaba.


So ano ba ang makikita sa lugar syempre ang disyerto at mga buhangin. joke lang. Natural waterfalls. Ahehehe. 





Aside sa waterfalls and nature time, isa sa reason bakit andun kami ay para sa pagpapakita ng amazing prowess ng aming van driver. Si kuya Lyean. Sya ay isa sa member ng Rock Balancing group sa pinas. Dito kanyang ipapamalas at ishashare ang talent niya sa pagbabalanse ng mga bato. Tungkayan ang mga larawan sa ibaba ng mga binalanse niyang bato-balani. :p Sana ay wag kayo maBATO. :p










After ng ilang oras ng pagligo sa falls at pagsaksi sa pagbalanse ni kuya Lyean, back to the Baler inn na para chumeck-out.

Bago tuluyang umuwi pabalik ng maynila, Kumain muna kami sa isang famous kainan doon na tinatawag na Jerry Shan's Place. Walang pictures kasi tomjones na ang mga tao. Ang maganda sa kainan dito ay madami-dami ang servings at mura lang around 75 ang meal. :D Busog saraps na!


Isa pang ginawa namin before saying babay sa Baler ay nagpunta sa Museo de Baler, sa Baler Church at sa paligid-ligids. 






















Last stop namin ay sa souvenir shop upang mamili ng shirts or keychain or anumang mapagtripan na pasalubs. Ahahaha. 

Nakadating kami ng Manila around 11pm ng gabi. Sa opisina ang aming stop at sumaglit lang ako kasi 12mn naman ay ang Next Lakwatsa ko.

Abangan ang susunod na adventure sa mga susunod na blog ko. :D

TGIF na mga pips!