Showing posts with label Facebook wall. Show all posts
Showing posts with label Facebook wall. Show all posts

Sunday, September 2, 2012

Pinoy Story

Aller! Kamusta! Sabaw moments ata kasi busibusihan sa games. Anyway, nais ko lang i-share ang funny wento na nakita ko sa post ng isang pesbuk pren. So di po ito plagiarism. Inuulit ko po, hindi ko po pagmamay-ari at di ko inaangkin ang kwento. hokay? heheheeh

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nurse si Bebeng sa L.A. 

Isinama niya ang kanyang ina upang magpagamot doon. 
Ngunit sa kasamaang palad doon na inabot ng pagkamatay ito. 
Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. 
Minabuti niyang pauuwiin na lang mag-isa ang kabaong ng kanyang ina. 

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. 
Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay." 

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. 
Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng Inay! 

Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham mula kay Bebeng: 

Mahal kong tatay at mga kapatid: 

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Inay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko sa kanya pa lang ay mahigit $10,000 na.
Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod... 

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. 
Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. 

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni Inay, para sa mga bata ito. 
Bahala na kayong magparte-parte, sana'y hindi natunaw. 

Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. 
Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. 

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni Inay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. 
Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. 
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. 

Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. 
May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. 
Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Mike. 
Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yung isa ay kay Pareng Isko. 
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni Inay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball. 

Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. 
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi lass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. 
Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. 

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni Inay. 
Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. 
Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. 
Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. 

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. 
Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon. 
Iyong tong na makokolekta, i-time deposit nyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. 
Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot- suot din ni Inay. Kunin mo na rin agad, 

Ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto. 
Tanggalin nyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 
diyamante sa bawat butas. 
Ibangon nyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. 
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Itay, kuya, ate, dikong, ditse, para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya rito. 

Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko. 

Nagmamahal, 
Bebeng


*-*-*-*-*-*-*-*

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Thursday, May 12, 2011

Facebook Spam Attack!

Nagpepesbook ba kayo? Kayo ba ay naiirita na sa mga spam na lumalaganap sa social networking site na ito? Well guess what, meron nanamang new modus operandi. Ang sample ng spam ay nasa larawan sa baba.

Infected account ng isang friend sa FB

Pag naimpek ang account mo, isang magiging living leche ang account mo kasi kung saan-saang wall ng mga friendships mo ang bwibwisitin ng spam virus. 

Sa mga ganitong pagkakataon, maari lang tandaan na itigil ang pagiging TRIGGER HAPPY at wag basta-basta click ng click ng link. Mag doubt sa links unless ang link ay papunta ng khantotantra.blogspot.com. wahahaha.

Ingat lang po tayo para di maabala ang ibang pips. TC!

Friday, April 8, 2011

Babala daw sa Commuters


Wala akong kwento for today at di ko pa matapos yung second post ko na pagpromote nung sinelas kaya wala talaga dapat akong entry for today. But for some reason, napa-check ako sa mga post sa pesbuk wall at naintriga ako sa isang post tungkol sa pagwawarn sa mga nagcocommute. So since dakilang usisero ako ay clinik ko ang link at binasa ko. Di ko alam kung totoo ito pero might as well share this na din. Copy-paste method lang po yung nasa baba at di ko kakilala yung author. Wag ninyo akong kakasuhan ng plagarism. :p

Post starts here:

Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom.

Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina:

Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.

Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi.

Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan.

Ingat!

-A student from AB Pol Sci. (UST)

Post end here....

Kayo na po ang bahala kung paniniwalaan ang post na nasa itaas. Pero walang masama kung mag-iingat tayo.
TC mga pips. TGIF na! Gala mode sa mga mall ulit. Sana may event sa Megamall. :D