Wala akong kwento for today at di ko pa matapos yung second post ko na pagpromote nung sinelas kaya wala talaga dapat akong entry for today. But for some reason, napa-check ako sa mga post sa pesbuk wall at naintriga ako sa isang post tungkol sa pagwawarn sa mga nagcocommute. So since dakilang usisero ako ay clinik ko ang link at binasa ko. Di ko alam kung totoo ito pero might as well share this na din. Copy-paste method lang po yung nasa baba at di ko kakilala yung author. Wag ninyo akong kakasuhan ng plagarism. :p
Post starts here:
Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina:
Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.
Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi.
Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan.
Ingat!
-A student from AB Pol Sci. (UST)
Post end here....
Kayo na po ang bahala kung paniniwalaan ang post na nasa itaas. Pero walang masama kung mag-iingat tayo.
TC mga pips. TGIF na! Gala mode sa mga mall ulit. Sana may event sa Megamall. :D
May nag post din nito sa FB! Nakakatakot, kaya super ingat tayo!
ReplyDeletescary talaga!! grabeee!! yung friend ko naman habang nasa jeep may sumakay na lalakeng duguan.
ReplyDeletemagdala tayo ng pepper spray! stun guns!
ReplyDeleteplease also check my post regarding against rapists!
http://www.spiderhamworld.com/2011/03/through-rapist-eyes.html
hindi na importante kung naniniwala ako sa kwento or hindi.... hindi ko na uusisain ang flaws ng kwento kahit may nakita ako..
ReplyDeletemalinaw naman ang pinaaabot, ang dapat gawin ay mag ingat, umuwi ng maaga hanggat maaari, maging mapagmasid sa paligid..
at ang dapat makabasa nito eh ang mga kapulisan at MMDA..
Nagkalat toh.. at CEU pa talaga yung school... iniisip ko tuloy ngayon.. totoo nga ba toh.. pero ang creepy lang.. huhuhuhu
ReplyDeletemas mabuting maging handa! maging mapagmatyag! maging MAPANURI!
ReplyDeletedahil sa panahon ngayon dapat laging handa tayo sa sakuna
I AM READY!
Ang gulo! Sino iyong sumaksak? Iyong lalake din ba mismo?
ReplyDeleteGawa-gawa man or legit ang wento. Buhay pa rin ang nawala, nakakatakot talaga to. Di lang dapat magingat maging listo at pakiramdaman ang paligid at gamitin ang instinct ang mga ganitong pangyayari at bigla bigla nalang lumilitaw. Hanggat maari lumayo sa sakuna, ibigay na ang material na bagay kung nacorner ka at huwag ng manlaban maliban nalang kung ikaw si Chuck Norris or Bruce Lee.
ReplyDeletedi ko yan nakita sa fb ah.. hehe!
ReplyDeletehindi masamang mag-ingat..
haaay. grabe talaga, hindi natin alam kung kelan o kung saan matatapos ang buhay... ingat din po!
ReplyDeletenakakatakot grabe lang.... jusmiyo.....
ReplyDeletenabasa ko na to sa fb, nakakatakot nga pero merong pwedeng itanong. una, bakit hindi na lang dumeretso yung driver ng jeep sa police precinct? konektado kaya yung driver at lalaki sa jeep? Yung lola, bakit hindi bumaba kaagad at nagsumbong sa mga pulis.
ReplyDeletepero nakakatakot pa rin, doble ingat na lang.
Totoo man or hindi, nakakatakot na talaga nowadays, kaya ako mapa jeep, tricycle or bus ang sinasakyan ko, talagang tinitignan ko lahat ng sumasakay eh. 'Di natin alam, kahit na malinis ang puso natin, may mga taong halang ang bituka na nakakalat lang sa lansangan. Kaya mahalaga din talaga ang prayer, 'di natin alam kung kailan kukunin ng DIYOS ang buhay na hiram natin sa kanya... Ingat lagi peepz, God bless! =)
ReplyDeleteputek na post na to..tumayo lahat ng balahibo ko sa buong katawan ko...hahaha..nadala ako sa kwento..grabe, kinabahan ako sa mga sinabi ng matanda...waaaaaaaaaaahhh...oh em geeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!1
ReplyDeletekinilabutan ako pagkabasa ko nito. grabe
ReplyDeletenangilabot naman ako matapos kong basahin ito.. grabe.. tindigan ang balahibo ko eh
ReplyDeletemagandang araw sayo sir..
grabe naman!
ReplyDeleteingat ingat n lng tyong lahat !
alarming..kung totoo man ito o hindi its always best na mag ingat lage, better safe than sorry diba?
ReplyDeletetenchu sa paalala khanto..:)
ay TY si Ate...
ReplyDelete@marxtermind, tama ka dyan!
ReplyDelete@hard2getxxx, ha? duguan? nasaksak yung lalaki?
@spiderham, sosyal... pepperspray
@jeffz, kailangan maging Mapanuri! :p
ReplyDelete@kamila, yep, so creepy story
@spiderham ulit, tag line ng gma 11 yan ah! :p
@michael, yep yung lalaki
ReplyDelete@silentpal, lol at chuck norris
@mommy-razz, makikita mo din yan within the week
@batanggala, true, we never know
ReplyDelete@egg, yep :(
@dimaks, tama ka, yan din naisip ko e
@isp101, tama, nid ang prayer
ReplyDelete@akoni, nakakanginig.
@bino, shocking nga e
@istambay, nakakatindig balahibong news nga
ReplyDelete@jay rules, tama ka dyan.
@tabian, better safe nga talaga
@kikomaxx, di ko gets. wahihihih
ReplyDeleteTotoo man ito o hindi, iisa lang talaga ang pwede kong maikomento.. (medyo kinilabutan lang ako... nang slight... brrrrr) sa panahon ngayon, dapat lang talagang laging mag-iingat... At hwag kalimutan ang magpray for God's guidance..
ReplyDeletegrabe naman. Pero na-proud ako bigla kasi nahulaan ko na patay na yung babae (kung totoo man ito). haha
ReplyDeletePero di ko pa rin maikaila na natakot din ako. Sana rin lang sa totoong buhay ay mahulaan ko ang ganito. Sana rin sa totoong buhay ay may tulad nung ale na magbabala.
Grabe nman.. Hindi masamang magingat pero parang maxado inconsistent ung story. hindi sa ayaw ko maniwla kaya lang either kulang ung story or hindi tlga siya totoo maxado kse madami facts na magulo
ReplyDeletepero hindi nmn po masama magingat wag naman sana ung gawa gawa lang.
may nakapagcomment na sakin ng kwentong ito noon. scary.
ReplyDeleteGrabe totoo pla ito, pero nakakatakot n pla mag commute s ngayon.. lagi p naman kmi ng asawa ko at anak ko nag cocomute kapag pumupunta ako sa biyanan ko..sa kwento cnv tlaga nung ale n patay n ung babae, kinilabutan ako dun.. saka kala ko ksabwat din xa pero ndi pla!! pero tlaga pabala lng ah hwag kalimutan mag dasal tlaga,ito ang lagi kong nasa icp kapag umaalis kmi,..basta nasa ligtas ng lugar k ndi sa kademonyohan!!
ReplyDeleteRobbed. Bruised. Muted.
ReplyDelete"Kahit nakakangalit ang kanyang ginawa... Kahit tinakot niya ako... Sana nabigyan pa rin siya ng pagkakataong, itama ang maling bagay na ginawa niya noong gabing iyon."
Ako ay nagtra-trabaho sa isang Contact Centre sa Alabang, at nakatira sa Cavite. Noong mga panahong iyon, alas-tres ng madaling araw ang oras ng pasok ko. Sa madaling sabi, kailangan kong lakbayin ang Aguinaldo Hi-way at ang Las Piñas Road gabi-gabi, at makaalis ng Cavite ng 1:00-1:30am para hindi ako ma-late.Wala naman kaming sasakyan, at higit sa lahat hassle kung magpapahatid ako sa aking ama ng limang beses sa isang linggo. Hindi ko na matandaan kung anong buwan naganap ang insidenteng ito - kung sa mga BerMonths ng 2008 o sa pagitan ng Enero hanggang Hunyo ng 2009.
Na-late ako ng gising nung gabing iyon. Tulog na rin kasi ang buong pamilya ko kaya't wala ng nanggising sa'kin. Nagising ako ng ilang minuto bago mag-alas tres. Nagmadali, at nakarating sa hi-way ng saktong alas-tres ng umaga.
Tanda ko pa kung gaano kabigat ang paa ko noon pumasok. Alam kong late na ako,a t sobrang bad-trip na ko kasi wala akong masakyan papuntang Zapote (Kabila). Pagkalipas ng 15-20mins., may dumaan na jeep pa-Zapote, ngunit sa sobrang dilim sa lugar na pinaghihintayan ko, at kumakaripas yung jeep, hindi ako nito napansin, at hindi ako nakasakay.
May 30mins. na ang nakalipas mula nung nakarating ako sa sakayan. Sa awa ng Diyos, nakasay na rin ako. Dalawa lang yung pasahero ng jeep sa likod. May magkasintahan -na parang hindi- sa dulo. Yung babae yung mas malapit sa babaan, may hawak siyang maliit na handbag, at may karton o parang bagahe siyang dala. Yung lalakeng kasama niya ay medyo maliit at walang dalang bag. Umupo ako sa harap nung babae, sa dulo rin ng jeep. Tinaas ko ang isa kong paa, at umupo ng para akong nanunuod ng TV sa bahay kasi wala namang ibang nakasakay. Dahil iilan lang naman kaming pasahero, nalaman kong pauwi yung babae ng probinsya, at nagtratrabaho siya sa munisipyo. Mukha rin siyang bagong sweldo.
Maya-maya pa, ay may sumakay na binata, ngunit umupo siya sa harap. Ngayon, tatlo na sila sa harapan ng jeep - yung bagong pasahero, yung driver, at yung konduktor.
http://deardiarydemarjorie.blogspot.com/2011/04/robbery-aguinaldo-hi-way-cavite-my-own.html