Showing posts with label collection. Show all posts
Showing posts with label collection. Show all posts

Monday, November 8, 2010

One Piece Deformer Figures

Alam ko na wala namang bago dapat ngayon sa bandai-asia.com pero wala akong magawa kaya dumalaw padin ako sa kanilang site. Habang nagbrobrowse, sa bandang ibaba ng site ay may napansin akong bagong picture ng One Piece kaya di napakali ang kamay na makati at clinik ko iyon at bumulaga sa akin ang mga chibi toys ng One Piece. 

Kumpara sa usual na toys na pinopost ko dito, mukang malaki-laki ang size nito at mukang magiging mahal ang presyo nito kung irerelease ito dito sa pinas (KUNG irerelease). Ang presyo nito sa yen ay 475. Pero kung malaki ang figure nito at muka namang pulido at maganda ang pagkakagawa, mukang sulit naman. So without further-ado, heto na ang One Piece characters na ang cu-cute sa kanilang deformer editions.

1. Luffy in red

2. Luffy in yellow

3. Chopper

4. Zoro

5. Sanji

6. Whitebeard

7. Ace

8. Boa blushing

9. Boa Kissing

10. Mihawk
Di ko pa alam kung mangongolekta ako ng ganito kasi mukhang may kamahalan. :D

Friday, October 22, 2010

One Piece Collection - Swear of Freedom (自由への誓い)



Dumalaw nanaman ako sa aking paboritong website na bandai-asia.com kasi nacucurious ako kung mayroong bagong One Piece toy na ilalabas. Hindi ako nasad dahil pagkabuklat este pagka-click ko pa lamang ng website nila ay sumambulat na ang soon to release toy ng Bandai. 

Sa new display nila, ang laruan nila ay based sa karugs ng last issue ng toy. Ito na yung part na namatay si Whitebeard at si Ace. Eto yung scenario na ipinakita ang mga natitirang members ng whitebeard crew, ang pagdating ng ibang member ng marines at ni Shanks. At ang pagflaflashback sa kabataan days ni Luffy at ni Ace.



1. Luffy
Syempre, kailangang kasama ang updated looks ni Luffy. Ang pose nia habang nakikipagsagupaan sa Headquarters.



2. Marco
Siya ang isa sa division commanders ng Whitebeard pirates. May kakayahang maging phoenix dahil sa sinumpang prutas na kinain. 



3. Jozu
Katulad ni Marco, isa din siyang division commander. May kakayahang maging crystal/diamond ang katawan dahil sa devil fruit.



4. Captain Buggy- Siya ang dating miyembro ng pirate king na si Gol D. Roger. May kakayahang hiwain ang sariling katawan dahil sa sinumpang prutas.



5. Fleet Admiral Sengoku-Isang admiral ng Marines. Tinatawag na Buddha at ang strategist sa marines. May kakayahang palakihin ang katawan na parang higante. 



6. Captain Smoker- Isang kapitan ng Marines. Siya ang may kapangyarihan na gawing usok ang kanyang katawan. Isa sa tumutugis kila Luffy.



7. Tashigi- Isa sa mga tauhan ni Smoker. Walang kapangyarihan ng sinumpang prutas subalit magaling sa espada. kahawig niya ang childhood love ni Zoro.



8. Captain Hina- Isa din sa tumutugis kila Luffy. Siya ang babaeng may kapangyarihan na gumawa ng lock mula sa katawan nia. Pero di niya kaya viginal lock :p



9. Shanks- Ang isa sa four Emperors. Siya ang friend ni Luffy at nakapag-inspired kay Luffy na maging pirata. Unknown pa ang powers nia.



10. Young Luffy- Eto yung dinala si Luffy sa isang isla ni Garp. May kakayahan na siyang maging stretchable dahil sa goma-goma fruit.



11. Young Ace- Kiddie version ng astig na si Ace. Di pa tiyak kung may kapangyarihan na siya ng sinumpang prutas na gawing apoy ang katawan.

Actually di pa ako nakakabili ng toy dun sa last release at heto na ulit ang new version. Aw. Kung ang presyo ng last release ay nasa 180 na, mukang magiging mahal pa ang new release ngayon. Expected release nito ay next month pero baka sa december pa sa pinas.Kailan ba darating ang christmas bonus. :p

Thursday, July 22, 2010

ONE PIECE COLLECTION - PIRATE VS NAVY



Malapit na matapos ang buwan ng hulyo subalit ngayon pa lamang naglabas ng larawan ang Bandai-asia ng new set of One Piece collectibles. Ang aking pinakaaabangan na anime ay may new collectibles na. Ito ay base sa kwento kung saan napunta sa lugar kung saan papatayin si Ace. Heto na ang mga larawan.


Luffy:

Nami:

Sanji:

Chopper:

Iva-san:

Crocodile:

Garp:

Akainu:

Aokiji:

Kizaru:

Sana ay this august ay ilabas na ito dito sa pinas. :p