Friday, October 22, 2010

One Piece Collection - Swear of Freedom (自由への誓い)



Dumalaw nanaman ako sa aking paboritong website na bandai-asia.com kasi nacucurious ako kung mayroong bagong One Piece toy na ilalabas. Hindi ako nasad dahil pagkabuklat este pagka-click ko pa lamang ng website nila ay sumambulat na ang soon to release toy ng Bandai. 

Sa new display nila, ang laruan nila ay based sa karugs ng last issue ng toy. Ito na yung part na namatay si Whitebeard at si Ace. Eto yung scenario na ipinakita ang mga natitirang members ng whitebeard crew, ang pagdating ng ibang member ng marines at ni Shanks. At ang pagflaflashback sa kabataan days ni Luffy at ni Ace.



1. Luffy
Syempre, kailangang kasama ang updated looks ni Luffy. Ang pose nia habang nakikipagsagupaan sa Headquarters.



2. Marco
Siya ang isa sa division commanders ng Whitebeard pirates. May kakayahang maging phoenix dahil sa sinumpang prutas na kinain. 



3. Jozu
Katulad ni Marco, isa din siyang division commander. May kakayahang maging crystal/diamond ang katawan dahil sa devil fruit.



4. Captain Buggy- Siya ang dating miyembro ng pirate king na si Gol D. Roger. May kakayahang hiwain ang sariling katawan dahil sa sinumpang prutas.



5. Fleet Admiral Sengoku-Isang admiral ng Marines. Tinatawag na Buddha at ang strategist sa marines. May kakayahang palakihin ang katawan na parang higante. 



6. Captain Smoker- Isang kapitan ng Marines. Siya ang may kapangyarihan na gawing usok ang kanyang katawan. Isa sa tumutugis kila Luffy.



7. Tashigi- Isa sa mga tauhan ni Smoker. Walang kapangyarihan ng sinumpang prutas subalit magaling sa espada. kahawig niya ang childhood love ni Zoro.



8. Captain Hina- Isa din sa tumutugis kila Luffy. Siya ang babaeng may kapangyarihan na gumawa ng lock mula sa katawan nia. Pero di niya kaya viginal lock :p



9. Shanks- Ang isa sa four Emperors. Siya ang friend ni Luffy at nakapag-inspired kay Luffy na maging pirata. Unknown pa ang powers nia.



10. Young Luffy- Eto yung dinala si Luffy sa isang isla ni Garp. May kakayahan na siyang maging stretchable dahil sa goma-goma fruit.



11. Young Ace- Kiddie version ng astig na si Ace. Di pa tiyak kung may kapangyarihan na siya ng sinumpang prutas na gawing apoy ang katawan.

Actually di pa ako nakakabili ng toy dun sa last release at heto na ulit ang new version. Aw. Kung ang presyo ng last release ay nasa 180 na, mukang magiging mahal pa ang new release ngayon. Expected release nito ay next month pero baka sa december pa sa pinas.Kailan ba darating ang christmas bonus. :p

6 comments:

  1. Nanonood din ako ng One Piece, pero sagutin mo nga tanong ko,, saan ba nanggaling iyong mga sinumpang prutas, bakit lahat na lang nakakain ng prutas?? :D:D:D

    ReplyDelete
  2. Ayos!! GOmaaaaaaaa GOmaaaaaaaaa!!
    teka meron ka na bang nakolek na ganyan bossing?? how much isa??

    ReplyDelete
  3. @axl, thanks.

    @michael, Well, di ko alam kung san nila nakakain ung sinumpang prutas at san ito nagmula. mystery padin.

    @poldo, marami na. Meron ako nung strong world edition at yung shikibukai set. Tapos sa iba, hindi ko kumpleto, ang binibili ko yung wala pa akong design. About sa price, pa-iba-iba every year. Nung una akong bumili, 99 each tapos naging 110, naging 130, naging 150. Tapos yung bibilin ko nasa 180 each na.

    ReplyDelete
  4. ang astig!
    nakakatuwa naman at may nakita akong ganitong blog na mahilig sa anime! kelan kaya ako magkakaroon ng mga one piece figure... naruto pa lang meron sa akin... ke mahal!

    young luffyyyyy!!!!

    ReplyDelete
  5. @eloiski, kung naruto ang collection mo, stay sa naruto para di masyadong nakakabutas bulsa. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???