Showing posts with label eiga sai 2012. Show all posts
Showing posts with label eiga sai 2012. Show all posts

Thursday, July 12, 2012

Peak: The Rescuers

Aler! Kamusta? Heto na ang karugs ng review-reviewhan noong nanood ako ng japeliks sa shang cineplex last monday. Eto yung unang peliks na nipanood kows.
 
 
Pamagats: Peak-peak Peak: The Rescuers. 

Ang palabas ay magsisimula sa isang mamumundok na umaakyat sa snowy mountain tas amportyunetly, nadulas si manong at naipit sa cravesse (bangin-banginan).

And so dito na papasok ang mga to the rescue na rescuers (redundant lang pakinggan no?). Pero ang mga tagasaklolo ay baka mahuli na at mategi sa lamig si koya, so humingi sila ng saklolo sa rescue volunteer na kabisads ang kabundukan. thus narescue ang mamang nadulas.
 
 Si girl at si boy
(nagawa pang mag-pose sa mundok)

Tapos dito naman eentrada ang girlay na gustong maging mountain rescuer. Medyo napahanga kay rescue volunteer. Tapos ipapakita ang mga trainings and lessons and stuff.

Sa peliks ipapakits ang mga pinagdadaanan ng mga gustong sumaklolo sa mga mamumundok na napapahamaks. Yung initial pain kapag ang irerescue mo ay namatay habang nirerescue mo tapos yung way na itinatapon pababa ng bundok yung dead body para lang may pag-luksaan ang pamilya ng namatayan.

Overall, okay ang film pero walang love scenes. Walang mainit na uuuummph... ahhhhh.... uuuuhhhh. aaaaa.... hhahahahaha. Pero inperness, medyo nag-attempt na magkaroon ng something between si boy at si girl. Saka nakaka-manghamazing ang mga tanawin na makikita sa peliks. Yung bulubundukin and stuff like that. :p

Score ng peliks.... 8.2.... pasado!

O cia, hanggang dito na langs muna! TC!

Wednesday, July 11, 2012

Railways

Wasaps madlang pipol?! Kamustasa? Well, eto na ang day kung saan may review na ang japanese film na nipanood ko last moday sa free screenings ng mga peliks sa shang cineplex.

Ang post for today ay ang review ng second peliks na nipanood ko... ang namesung ay Railways.


Eto ay tungkol sa isang guy na nasa 49 with great career at malaking sahod. Then one day, ang mudrax nia na nasa probinsya ay nagkasakits at kailangan niyang bumiyahe from tokyo or city to the probinsya.

Then dito ay nakapag-isip-isip sya na ang buhay city nia ay medyo nakakasira ng kanyang relasyones sa family. Di nia maalagaan ang mudrax nia. Ang junanak nia ay minamadali niang makahanap ng work. Tas pre-occupied lagi sa work. 

So nag-decide na lungs si boy na mag-resign sa great paying job nia at mag-apply sia as Train driver. Imagine, isinuko nia ang malaking kadatungan para ipagpalit sa simpleng pamumuhay sa probinsya at sundin ang dream job niya noong bata bilang isang driver ng train.

At dyan nagtatapos ang synopsis. Hhahaha. Nothing much spectacular sa peliks. Walang boomboomboom scenes, walang superdupermegadramatic musical scores or effects. Simple and plain pero considered as an okay film.

Rating ng peliks ay flat 8. simpleng-simpleng score. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC....

Tuesday, July 10, 2012

Eiga Sai 2012


Last-last week, nabasa ko sa blogpost ni CreativeDork ang tungkol sa upcoming Japanese film festival na gaganapins dito sa pinas ispesipikaly sa may shang complex. Ang kinagandahan pa nito ay free as in libre ang pag watch mo ng peliks na di ka na kailangang dumayo sa quiapi-quiaps para bumili ng disc. So chinecks ko ang petsa ang luckily, nagawan ko ng paraan na mag-leave ng lunes at pasok sa sked ng nasabing film fest.

Kahaps, kahit groggy-groggihan dahil nagpuyat sa paglalaro noong gabi at natulog ng apats na oras, naghanda na ako para ma-try at ma-experience naman ang once in a blue moon thingy. Though may warning na mas maigi daw na 2 hours early, mga 45 mins-30 mins. before the first screening ako dumating sa cineplex ng shang at sakto lang din, di naman super mataao pero di rin naman konti. 

Sakto at nakakuha naman me ng ticket for the first film. Medyo matagal lang ang waiting time kasi hontogol ng slight magpapasok. :D

First movie ay may pamagats na "Peak: The Rescuers". Pero di ko muna iwewento para may element of surprisa. May hiwalay na post yun for the review. EHeheh. 2pm nag-start at mga 4pm na natapos. 

After nun, nakigaya me sa ibang imiistrategy at sinusulit ang libreng peliks kaya naman after ng movie ay baba at hingi naman ng ticket for the second peliks. hahaha. Ako na ang nanunulit ng libre.

Bago pumasok sa 2nd screening na ibang peliks namans, tomjones na me pero dahil sa kakulangan ng time, doon na ako sa snack bar bumili ng hakdog sanwits at panulaks. pantawid gutom.

Ang second peliks ay may namesung na "Railways". Like the first movie, hiwalay nanaman ang wento at review nun. hahahaha. hobongons!

After 2 hours, balak ko na sanang lumabas at pumila sa 3rd screening kasi medyo predictable na yung flow ng story pero nagdecide na lungs akong tapusin ito. Saka may narinig ko dun sa ibang nanonood na mahabs na daw ang pila sa labas so tinamads na din me.

Noong papalabas na me, nakita ko na manonood ng 3rd peliks ang ilan sa mga finofollow kong blogger on twitter na sila robbie, will at rj. Di na ako nang-istorbo... saka nahihiya ako. hahaha.

Masaya ang experience ko sa peliks (aside sa tiis gutom). hahaha. Gusto ko sana pang bumalik for the other films pero ang next off ko ay saturday and sunday which is probably mas jampak. Hahaha.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!