Magsisimula nanaman na pala ang coffee season.... Eto na ang panahon na mangongolekta nanaman ng istiker para sa planner. Eto nanaman ang time na mangungulit sa mga friends na mag kape tapos aarborin ang kanilang istiker. hahaha.
Last year, nasayang yung nakuha kong planner kasi di ako nakapagsulat much doon di tulad noong 2011 planner na gamit na gamit talaga. Tapos yung 2012 planner ko pa, nabaha ng habagat. Sayungs much.
Pero is it worth it? Pede lalo na kung may plans ekek ka na mag-plano ng anik-anik. Sana lang type ko yung format ng writing space. Nabaduyan kasi ako sa 2012 planner kasi hindi sya by-lines, parang box type na space lang. E pangit kaya penmanship ko so tabingi at tagilid sulat kamay ko. hahaha
Mukang maganda yung black or green. :D Sana lungs makakolekta me ng iztikir!
O cia, hanggang dito na lang muna! Tekker!

