Showing posts with label the avengers. Show all posts
Showing posts with label the avengers. Show all posts

Wednesday, April 25, 2012

Abangers sa Avengers!

Yo! Wazzaps, kamustasa kalabasa? Yahoo! Restday ko na! At katatapos ko lungs manood ng avengers sa robinsons galeria kaso jampak ang tao at wala akong masakyan pauwi ng bahay. Imbes na mag-abangers ako ng jeep at tubuan ng ugat at abutin ng 10 years sa sakayan pauwi, nagdecide akong maglakad pabalik sa opisina at dito ko na lungs sisimulan ang review.

Stops. 








Sa mga susunod na paragraph ay makakabasa na kayo ng ilang detalye sa peliks. 






Warning! Kung manonood pa lang kayo this weekend, malamang sa alamang ay icloclose nio ang window na ito at magbubulags-bulagan na di nio napansin ang post ko na to. charot.





o cia, hanggang dito na lang ang mga ayaw magbasa ng review.











Okay na? Keri na ba? Okay gora na sa peliks review!


Ang pelikulang avengers ay sa isang pinag-aagawang rubiks cube na kulay blue na puno ng powers. Ang siste kasi, si Loki, ang horny (masungay) na kapatid ni Thor ay nakipag-deal sa kung sino upang kunin ang rubiks cube at maging ruler ng earth.

Pero syemps, kenat be tutubi!Di papayag ang mga bida na magiging winner ang mga kalabs kaya naman to da reskyu ang niggah na si Nick Fury at pinag-asseble niya ang mga grupo ng mga may kakaibang angking saltik sa buhay.

Dito sa peliks ninyo makikilala ang ilan sa mga heroes na lumabas na sa ibang marvel films tulad nila Sherlock Holmes Ironman, Captain America, Hulk at Thor.

Dito nio din makikilala ang dalawang heroes na sila booty tooch Blackwidow at si sharpshooter na si Hawkeye.

So syempre, sa kwento kailangang may bakbakan at umaatikabong fight scenes at yun ang nangyare. Dinefend ng heroes ang earth against sa mga kung anong aliens na galing sa ibang kukurikapung mundo.

At sa huli, syemps,...... alam na. Patay lahat ng bida for the twist! (joke lang).

For this movie, maganda naman ang pagkakatahi ng mga kwento mula sa masamang balak ng horning si Loki, patungo sa pano nagkasamasama ang mga avengers hanggang sa mga bakbakan scenes.

Bibigyan ko ng 9. O ha! Mataas ang score! Well, maganda naman ang epektus sa peliks. Nakaka-heksayt din yung bakbakan ng mga avengers bago sila nag unite. Tapos okay naman ang flow, wala namang eksenang parang inantok ako. 

Pero bakit hindi nakakuha ng 10? Aba syempre may ilang mga di ko trip. katulad ng nakakabadtrip ang itsura nung alien madapaking shit na lumulusob sa earth. Tapos ayaw ibaba ni blackwidow ang zipper nia pababa. May gawd. Masyadong hulsam ang PG-13 na peliks. Dapat hinaluan ng mature contents katulad ng orgy thingy o kaya landian and flirtingan ni Blackwidow kay hawkeye.

Pero aside sa mga di naman talaga importants na bagay na nasaad ko, okay ang overall ng peliks. Worth it naman ang 200 petot ko. :D

fave hero ko si Hawkeye (kahit naging kalaban sya sa unang part). Isama mo pa si Hulk, si Capt. America, at Ironman. Sorry pero di ko feel much ang pagiging hero ni Thor sa peliks. :p

Bonus:

Eto ang mga larawan ng mga bida. Para sa mga ayaw maging ignorante kapag nanood ng peliks kasama ang mga pinopormahan. lols.

 Thor

 Captain America

Ironman

Hulk

Hawkeye

Blackwidow

Nick Fury

Loki

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!

Tuesday, April 24, 2012

The Avengers Circa 78

At dahil showing na ang Avengers bukas, why not mag back to the past muna tayo at panoorin ang Avengers Video noong 1978.



Bukas ako manonood ng peliks, aftershift, possible mga 6pm sa may Robinson's Galleria. Hahaha. makapagpromote. lols. O cia, TC!

Tuesday, March 13, 2012

The Coming Soons :D

Wala akong palabas na mapanood. Wala akong peliks na mareview. Wala akong books na mabasa. Kaya naman pa-browse-browse lang me at pabloghop-blog hop (silent reader minsan).

For today, sa kaka-browse, napadpad ako sa robinsonsmovieworld at napasilip sa mga kapanapanabiks na peliks. Eto sila:

1. Ice Age 4


-Eto na ang ika-apats na peliks ng mga hayups na dumaan sa panahon ng yebe/yelo. Makikita nanaman ang kakulitan ng squirrel na habol ng habol sa kanyang acorn. :D

2.MIB 3


-Ang pagbabalik ni Will Smith bilang Agent J. Sa peliks na ito ay magtitime travel ang bida to make ligtas ligtas his pakner Agent K.

3. Resident Evil: Retribution


-Ang ikalimang peliks ng mga zumbie-zumbiehang mga zumbies! Makikipagbakbakan nanaman ang seksing babe sa mga impaktong dapat na patay na pero nangingisay at mahilig pa sa brains.

4. The Amazing Spiderman


-spiderman...spiderman.... everyone loves spiderman.... Ang pagbabalik sa silver screen ng gagambang sine. Para sa mga marvel pans.... eto ang peliks ni gagamboy. :D

5. The Avengers


-Isa ka bang marvel panatic? Nanoods ka ba ng thor, capt. america, ironman at iba pa? Well, this movie is por yu! Ang pagsasanibs pwerta este pwersa ng mga Marvel superheroes!

6. The Dark Knight Rises


-its a bird... its a plane... no, its Batman! Akala nio peliks to ng mamang may letter S sa dibdib? Mali, peliks to ng taong may itim na kapa na mahilig sa bats. 

7. The Hobbit: An Unexpected Journey


-Etong ang wento bago ang peliks ng The Lord of the Rings. Ang wents daw ay magsisimula kay DILDO este Bilbo Baggins (yung matandang charuterong kakilala or tatay or lolo ata ni Frodo).

8. The Hunger Games


-Ang pelikula ng mga kumukulong sikmura. Chos lang. Haktwali, di ko alam ang wento nito pero based sya sa book. Gusto ko lang malaman ang istorya. :D

9. Wrath of the Titans

-Natapos na ang CLASH... ngayon naman daw, burat este Wrath of the Tits Titans naman. Kasama sya sa aabangan kasi wala langs. hahahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!