Showing posts with label resident evil. Show all posts
Showing posts with label resident evil. Show all posts

Monday, February 6, 2017

Resident Evil: The Final Chapter

Waraps! Kamusta na kayo mga folks? Okay naman ba kayo? Good! Hopefully ay okay sa alright ang inyong feels at hopia na GV ang monday ninyo.

Kahapon, after kong jumoin sa teambuilding ng team namin sa Tagaytay, pagkauwi ay nagpunta sa pinakamalapit na mall at nanood ng peliks. 

Dahil limited lang ang numbers of movie area, ang new film na aking pinanood ay naka Directors club thingy. So no choice kundi go na keysa lumipat pa ng mall.

So pagkaupo sa comfy reclining chuva chair and popcorn on the side, nagsimula na ang peliks na aking bibigyan ng review-reviewhan.... Ang last este Final Chapter ng Resident Evil..... ang Resident Evil: The Final Chapter!

Babala! spoilers ahead....


Magsisimula sa narration sa flashback kemerut-kemerut ng mga ganap sa past resident evil. Ang start ng T-Virus (T for Tibo charots). Papakita din kung paano ito nagsimula. 

Isang tatay ang may junakis na may rare na sakit na ang junanak ay tatanda ng mabilis. So gumawa ang father ng cure to kill the sakit... and thus the creation ng T-virus.

Kaso kailangang may kontrabidang eeksena, yung partner ni father ay ang creator ng T-virus at ginamit ito upang gumawa ng staged and organized mass destruction para magkaroon ng clean slate. Thus nabuo ang organisasyon ng Umbrella ella ella eh eh eh under my umbrella.


Then, magpapatuloy ang peliks somewhere out there kung saan sira-sira at gulagulanit na ang isang bossa nova (City). Ipapakita sa screenlaloo ang pinakabida ng pelikula... si project Alice.


May fight scene siya against sa isang flying monster. Syempre, bakbakan ang ganap. Aattack ang monsterloo pero makakaiwas ang bida and stuff and syempre lalaban sya at dahil bida, matatalo niya ang kalabs.

Then eeksena ang Artificial Intelligence thingy from the first film, ang Red Queen. Ichichika minute niya kay Alice na pumapatak ang metro at nauubos na ang oras, kailangang mapuksa ang T-virus kung hindi, madeded Failon ang humanity.


Binigyan ng ultimatum na 48 oras si Alice para sa isang misyon. Ang misyon ay makuha ang Antivirus na Kaspersky, Malwarebytes, Trend Micro at Norton kayang pumuksa sa mga nilalang na naapektuhan ng T-Virus. Matatagpuan ito sa original place ng Resident Evil film, ang Hive na matatagpuan sa Raccoon Citeeeeey~!

Di gumagana ang Uber kaya nag-Grab-a-motor tong si Alice at nagtravel na papunta sa city. Along the way ay pipigilan siya ng kalaban na inakala ng bidang napatay na...Ang lalaking umiibig sa Mother of Dragons... si Jorah Mormont.


Bakbakan kemerut-kemerut habang pumapatak ang countdown to humanities destruction. May hoardes of Zombs ang dala ni Jorah. Si Alice naman ay napadpad sa isang spot sa Raccoon city na may mga humans pa at kailangang makaligtas sa zombies.

Dito mare-reunite si Alice sa kanyang friendship na si Claire na kasama ang iba pang refugees na humans. Nagsama-sama sila para matayin ang batch of zombs na papalapit sa kanilang base.


Kulang na sa time at kailangang maisakatuparan na ni Alice ang kanyang mission. So together with the remaining strong bones na madlang people ay nagpunta na sila sa Hive.




Sa loob ng Hive, isa-isang nategi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi ang mga members until nagkaroon ng final 3 (ano to parang pageant?). Then magkakaroon ng mga reveals and stuff at eksena.

For the ending.... syempre di ko na iwewento... sayang naman ng very very light kung ispluk ko lahat ng details no!

For the movie, bibigyan ko ito ng score na 8.6 (dahil inabot ng 6 movies para ma-end ito).

Not bad film. Exciting in a way. Nakakagulat at maaksyon naman ang mga bakbakan and stuff. 

Pero syemps, since back to the original place ang eksena, parang Meh for me yung ibang ganap lalo na yung laser-laser thingy... yeah, good sha in terms of recall factor pero idk, di ako gaanong na-excite.

Btw, nabalitaan kong may eksena ang gosengpyaw sisterets pero sareee di ko talaga sila napansin sa film.


Parang nakita ko yung pink hair sa eksena pero yung isang gurl ay di ko nakita. hahaha. Pero kung nakasama sila, good job for them... 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!


Tuesday, March 13, 2012

The Coming Soons :D

Wala akong palabas na mapanood. Wala akong peliks na mareview. Wala akong books na mabasa. Kaya naman pa-browse-browse lang me at pabloghop-blog hop (silent reader minsan).

For today, sa kaka-browse, napadpad ako sa robinsonsmovieworld at napasilip sa mga kapanapanabiks na peliks. Eto sila:

1. Ice Age 4


-Eto na ang ika-apats na peliks ng mga hayups na dumaan sa panahon ng yebe/yelo. Makikita nanaman ang kakulitan ng squirrel na habol ng habol sa kanyang acorn. :D

2.MIB 3


-Ang pagbabalik ni Will Smith bilang Agent J. Sa peliks na ito ay magtitime travel ang bida to make ligtas ligtas his pakner Agent K.

3. Resident Evil: Retribution


-Ang ikalimang peliks ng mga zumbie-zumbiehang mga zumbies! Makikipagbakbakan nanaman ang seksing babe sa mga impaktong dapat na patay na pero nangingisay at mahilig pa sa brains.

4. The Amazing Spiderman


-spiderman...spiderman.... everyone loves spiderman.... Ang pagbabalik sa silver screen ng gagambang sine. Para sa mga marvel pans.... eto ang peliks ni gagamboy. :D

5. The Avengers


-Isa ka bang marvel panatic? Nanoods ka ba ng thor, capt. america, ironman at iba pa? Well, this movie is por yu! Ang pagsasanibs pwerta este pwersa ng mga Marvel superheroes!

6. The Dark Knight Rises


-its a bird... its a plane... no, its Batman! Akala nio peliks to ng mamang may letter S sa dibdib? Mali, peliks to ng taong may itim na kapa na mahilig sa bats. 

7. The Hobbit: An Unexpected Journey


-Etong ang wento bago ang peliks ng The Lord of the Rings. Ang wents daw ay magsisimula kay DILDO este Bilbo Baggins (yung matandang charuterong kakilala or tatay or lolo ata ni Frodo).

8. The Hunger Games


-Ang pelikula ng mga kumukulong sikmura. Chos lang. Haktwali, di ko alam ang wento nito pero based sya sa book. Gusto ko lang malaman ang istorya. :D

9. Wrath of the Titans

-Natapos na ang CLASH... ngayon naman daw, burat este Wrath of the Tits Titans naman. Kasama sya sa aabangan kasi wala langs. hahahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Wednesday, October 6, 2010

Resident Evil Marathon


Last week, nagmarathon ako ng pelikulang Resident Evil movie na hiningi ko mula kay spiderham. Since ang unang pelikulang napanood ko ay ang movie 4, kailangang mapasimulan ko ang kwento para di naman ako gaanong ignoramus kung sakaling may movie 5.

Sa unang movie, tila nalabuan ako sa pangyayari. Though medyo inexplain na sa unang bahagi ang kwento tungkol sa isang big company na may research facility underground. Then may naghagis ng vile na virus at nabasag ito. After nun, poof.... they become coco crunch. joke. Ang AI ng company ay kinulong ang mga employees at minurder o pinagpapatay ang mga tao sa loob para i-contain ang deadly virus. But, AMPortunately ay may mga paki-alamerong imbistigadors na pulis-pulisan at nagpunta sa base na contained with virus at binalak i-shutdown ung AI. At nagsimula na ang paglusob ng nadeads na mga employees na infected ng T-virus. Isang sugat lang ay nakakahawa na ang zombie disis.

So sa resident evil, naging focus ang paglaganap ng virus mula sa isang city na naging malawakan at naapektohan ang buong mundo. Imagine all the people....... Living dead at zombie mode. Nakakapangilabot ang dami ng mga patay na buhay na nangangain ng buhay na pipols. Nakaka-gory ang pagpatay ng mga bida sa mga kalabang zombies at ang mga face value ng mga carnivores.

Buti nalang, sa movies ay may mga beauties na masasaksihan kasama ang kanilang kagalingan sa paghawak ng sandata. Wow. Incredible ang kahusayan sa paggamit ng weapons. Mga dalubhasa sa guns and ammos. At di lang iyon, kahit na nakikipagbakbakan na sa mga zombies ay litaw padin ang ganda at seksiness.


Alice

Claire

Jill

After matapos ang tatlong pelikula, naisip ko, pano na kaya ang mundo natin kung mangyayari ang ganito sa real life. Over! Siguro kailangan ay magsimula na akong magtrain para kalabanin ang mga zombies. Kailangang hasain na ang fighting skills at ang survival skills. Kailangan na ding mag-ipon ng gamit na panlaban sa mga hinayupak na bangkays. Lastly, kailangan ko ng magtanim ng pangontra zombies.


Thursday, September 16, 2010

Khanto Review: Resident Evil-Afterlife



Di ko pa nakukuwento ang pangyayare sa kasal na dinalahuhan ko kahapon pero heto na ako at inumpisahan ko na ikwento ang nangyari after the wedding. Nyahaha. Wala pa po kasing pictures akong nahaharbat kaya sa movie review muna ako.

After the wedding, napagpasyahan namin (mga ka-officemate) na manood ng movie. Dapat ata ung phobia an papanoorin kasi horror pero Resident Evil nalang. Dapat din sana e 3D kaso 3 pm pa un, kawawa naman ung may pasok kinagabihan kaya sa 2pm movie slot kami. Sayang, pers taym ko sanang makakapanood ng movie na 3D. O well.

Ang totoo nian, di ko pa napapanood ang movies 1 to 3 nito at kahit ung game na pinagbasehan nito ay wala din akong ka-ide-idea. Ride with the flow nalang ako. So By the time na pumasok kami, nais ko lang sanang ipikit ang mata ko at matulog saglit para makapag marathon ako ng movie sa bahay o kaya ay mag adik uli sa online game.

Daming preview na next movie.... Skip. Skip. Ayun. Lumabas na din sa wakas ung batang namimingwit na nakaupo sa moon at ang humihiyaw na leon. Jowk. Syempre indi dreamworks at mgm ang may produce ng movie. Eklat lang kunwari may alam ako sa movies.

Umpisa, umuulan.. Shet, nakiki-ayon ba sa panahon ng pinas ang movie? panahon din ng suddenly sa intro. Pak! Sinakmal ang isang lalaking nakapayong at boom. Ayon na, isinaad na may kumalat na virus at naubos daw ang mankind. Mga naging kakaibang creatures ang mga madlang pipol. Tapos isinaad na ang kumpanya ni Rihanna ang may pakana. Bakit campani ni rihanna? Ella, ella, e... eee. under UMBRELLA. masingit lang ang kanta. Wahehe. Aun, May intruder alert at kaboom. Oolala... Sexy girl in a leather suit. Walang camel toe, sorry. Boom. Inatake ang home base at ang bida pala dito ay ung babaeng lumusob. How stupid of me.

Forward. Pupuntahan ni girl ang promised land na arcadia na walang virus. Aba, mukang gumamit sila ng Antivirus para clean sila. Hugas na hugas daw ang lugar kasi clean ito. Anyway. Aun na, tumakbo na ang kwento sa pagka-reunion ni lead girl at ng isa pang babae na bida ng Heroes. Sensya na, di ko alam talaga name.

Ang twosome na girls ay naglakbay upang hanapin ang arcadia then suddenly makikilala nila ang mga stranded na pips sa isan building. Boom. bakbakan na ang mga sumusunod na eksena. Di ko na ieelaborate much para di ma-spoil.

While watching the movie, naalala ko bigla ang Plantz vs. Zombies, grabe, ang humans naging mga undead. At may knows silang mag swim katulad ng zombies sa game. At knows din nila mag dig. Buti nalang at magaling sa putukan ung girl. Aba, kahit girl ay multi-pops sia at dinaig nia pa ang mga ibang lalaki sa building. Hustler sa putukan. hanep. At napaelibs ako dun sa pag multipops na kalat-kalat... Superb ang baril with the special bullets. hehehe.

Kung irarate ko ito from 1- 10, around 8 siguro kasi kahit di ko alam ung previous story, di naman ako masyado naguluhan sa takbo ng kwento. Oks din ang gory scenes at putukan scenes.

Now, kailangan kong makahanap ng movie copy ng mga previous movie na ito. Ciao!