Showing posts with label us series. Show all posts
Showing posts with label us series. Show all posts

Sunday, November 1, 2015

How to Get Away with Murder

Alam ko na kung bakit malungkot kapag UNDAS.
Kasi kapag binaliktad mo.... SADNU!

November 1 na at di ko naman hahayaang magka-agiw ang blog ko kahit na pasok sa jar ang agiw-agiw for halloween. So kailangan merong blog entry for the month of November. So heto at ishashare ko ang isang series na minarathon ko somehow last week. Ito ay ang 'How to Get Away with Murder'.

Nagsimula ang series sa mga group of teens na nasa kagubatan na medyo nag papanic at nagtatalo-talo. Ang usapin ay about sa isang patay. Ano ang gagawin nila dito and so-on.

Then Papakita na ang past... Heto ang isang kilalang professor sa isang law school thingy at nagtuturo ng syempre Law. Pero ni-rename niya ang course to the name 'How to Get Away with Murder'. 

Dito makikilala ang 5 students na nais maging associate or magpractice ng law together with the uber brilliant lawyer.

Then mapagtatagpi mo na yung 4 kids ang nasa first eksena tapos mapapaisip ka kung sino ang napatay nila.

As the episodes progress.... mas na-uuncover na sagot sa mystery kung sino ang napatay at kung anik-anik pa.

Kasama din ang mga mahuhusay na criminal case na sinosolve at hinahanapan ng ebidensya kung sino ang may sala.

It's like Detective Conan na may mystery and crime solving at may halong mga kembular thingies na nakakadagdag sexena.

Isa sa mystery ng series 1 ay ang pagkamatay ng isang character, si Sam, Asawa ni Annalise na na-link sa kaso ng pagkamatay ng isang girlay named Lila (which is another mystery). Now it's hulaan kung sino ang pumatay kay Sam.













Nagustuhan ko ang seryeng ito kasi mapapaisip ka sa mga case na hinahandle nila at ang misteryo kung da who ang pumatay.

Currently may season 2 na pero hantayin ko muna matapos ang season para masayang imarathon.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Saturday, August 17, 2013

Once Upon a Time


♫♪ 
Wansapanataym sa aking buhay
Napawi ang lumbay, napuno ng kulay
Mga pangarap ko doo'y nagkatotoo
Wansapanataym, babalikan kahit sa panaginip lang
♪♫

Wait staps! mali ata ang song na kinakanta ninyo sa kanta na dapat para sa show na ibibida ko para sa araw na ito. Nope. Hindi po ang tagalogs show na Wansapanataym ang featured show.... it should be the english thingy.... should be 'Once Upon a Time'.


Ang wento ay magsisimula sa mundo ng pantasya (nope, hindi po ito yung nausong website na may erotic stories shenanigans). Ang tinutukoy ko ay ang lagar ng mga Fairytales (nope, hindi po yung anime na about wizards and stuff). 


Doon pinakita ang wagas na chorbahan este pag-iibigan ni Cindirella-ella-ella-eh-eh-eh Snow White at Prince Charles Charming. Eto yung eksenang dahil sa wagas na pagmamahalan at sa halik (sabay patugtog ng aegis song na halik) ng prinsipe, nawala ang sumpa kay Snow. And they live happily evah aftah..... not!


Dahil, never say never ang motto ni Evil Queen.... Aba..... ayaw niya na maging si enrile na gusto niya happy ka.... no! So she make banta na hindi magiging maligaya si Snow at ang Prince at ang mga characters sa Fairytales. 

May curse na ginawa si Evil Queen kung saan ang mga characters sa fairyworld ay mapupunta sa normal human world at makakalimot kung sino talaga sila. Eto ang higanti ng queen.

Pero hindi papatalo ang goodness.... nakagawa sila ng paraan somehow.... Ayon sa prophecy, ang junakis ni Snow at Charming ang magiging saviour. So they make a way para makatakas sa curse ang baby girl. Pinag-spacewarp ang baby.


sa present world, ang baby girl ay tumanda na. Dito ay dadalawin siya ng isang batang yagit na magpapakilala as anak niya na kanyang inabanduna nung natisbun sya. Ipinaalam sa kanya na meron siyang misyon.... ang iligtas ang mga fairytale chararats na na-trap sa modern world na tila may amnesia sa kanilang true identity.

*-*-*-*-*-*-*-*-

Natapos ko na yung unang season at naaliw naman me sa wento. Mahusay ang pagbabacktrack ng kaganapan sa story world. nakakaaliw ang pagkakakonekkonek ng mga characters at kaganapan.

ang mga factors na kinaaliwan ko....
Yung eksenang handaming deal na ginawa ni Rumpletiltskin sa iba-ibang characters
Yung twist na si Red Riding Hood ay isang Big Bad Wolf
yung twist na si Pinakyou este pinokyo (can you spell this for me?) ay nakaalis din ng fairyworld.
Ang labstory ng Grumpy at ng isang Fairy named Nova (hindi villa ang apelyido)
Ang labstory ni Rumpletiltskin at ni Belle
at madami pa!

By next-next week, baka simulan ko na yung season 2. hehehehe.
O cia, hanggang dito na lang muna!

Monday, October 24, 2011

The X-Factor

Kamusta na mga ka-khanto! wahahah. Medyo napadalas ang moview review-reviewhan kaya naman pahinga muna tayo sa peliks. Aba... Kelangan din naman na hindi sunod-sunod... Baka maging endangered species ang mga peliks. Mahiraps na. Atsaka mahirap bumili ng dvd na nipapanood. hehehe.

For today, iwento ko lang ang isa sa new series na aking niaabangan. Ito ay ang X Factor.


Hindi po ito kamag-anakan ng X-men at X-force. Di po ito mutant show. Ito po ay isang reality singing show na inadopt ng US kasi ang bali-balita na nadinig at nasagap ko ay sa UK ito nagoriginate.

So ano ang bago at difference nito sa every year na singing show na American Idol at ang last reality show na naiwento ko na The Voice? Well eto kasi....

Sa x-factor, basta 14 years old pataas, kesehodang bagong tuli si totoy o kaya naman nagmemenopause na si manang, basta keri kumanta at magpasikat ng vocal prowess, pasok sa jar! At di lang yun, pede din ang groups so pasok ang mga magkakaberks or trio or duo. 

Ang mga contestants ay divided to 4 categories. Mga lalaki below 30, mga babaeng below 30. Ang mga tao na lagpas 30 (mix) or groups.

Tapos ang apat na grupo ay imementor ng 4 judges. Sino-sino ang mga hurado? eto sila:

1. L.A Reid- known US record executive. Kilala bilang nag-handle kina Mariah Carey, Justin Bieber, Rihanna, Usher, Pink at iba pang peops.

2. Nicole Scherzinger- Isang singer na nakilala dahil sa grupong Pussycat Dolls. Naging winner sya sa isang celebrity show na Dancing with the stars.

3. Paula Abdul- Ang ex-judge ng American Idol. Isang singer-songwriter, actress, choreographer at tv personality.

4. Simon Cowell- Isa din na ex-judge ng American idol. Kilala bilang producer ng original x-factor. Sya din ay isang influential personality sa industry.

Nagustuhan ko yung mga contestants ng X-factor kasi mga kakaiba mga boses at personality. At dahil na din siguro sa age range ay naglabasan ang mga mahuhusay na singers at personality.

Gusto ko din yung mga background music na ginagamit nila sa mga episodes. hehehe. nakakaaliw at minsan napapakanta pa me. :D 

Ngayon ay down to top 16 na yung napanood ko at excited na me sa live shows. hehehehehe.

O cia, hanggang dito na lang muna. Wala lang ako magawa kaya nagwento ng kung ano. :D TC!

Tuesday, June 21, 2011

The Voice

Tuesday nanaman. Ilang tambling at tulog na lang ay friday na. lels. Anyway highway, pasensya muna sa mga friendships ko dito sa blogworld kung di ako nakakapag-iwan ng bakas/kumento sa mga post ninyo kasi wala na ang proxy dito sa opisina. Blocked na yung mga blog nio gamit yung isang gamit ko. So nagsisilent read lang ako using google reader. Masyado na humihigpits.

But since dapat good vibes lagi para pumasok ang good karma sa ating buhay, dapat pokus tayo sa magagandang bagay.

For today, ang aking isheshare ay isang show sa US na tungkol sa kantahan. Eto ay show na di nagfofocus much sa star quality but kundi sa Voice.


Ang show ay called "The Voice". Hindi ito yung sadwich crackers na may wafer at may fillings. Hindi rin ito horror na katulad ng "the ring". It's like American Idol pero hindi. It's like Dream Academy pero hindi rin.

Actually, nasa 2nd episode pa lang ako. Nasiyahan lang ako sa format ng show kasi para sa Audition... merong Blind Audition kung saan ang 4 mentors ay nakatalikod at di nila makikita yung contestant/ singer. I jujudge nila ung singer plainly by voice. So walang dating kung afro or majubis or bokals ang singer, its the voice that counts.

Ang 4 Mentors ay kailangan mamili ng tig-walong members para sa team nila kung saan tuturuan nila at ibubuildup to be a star.

Speaking of 4 mentors, heto ang nag-judge sa mga contestants.


1. Adam Levine- Singer songwriter at musician; frontman at guitarist ng Maroon 5.


2. Cee Lo Green- Singer Songwritter, rapper and musician; record producer


3. Christina Aguilera- Singer songwritter, dancer, record producer. pop star


4. Blake Shelton- American Country music artist.

Bakit nagustuhan ko tong show na to at aking ibinibida at shineshare? Kasi kakaiba ang format. :D

So hanggang dito na lang muna, Good day to all and TC! :D

Monday, February 14, 2011

Khanto Pick: Outsourced


Thank you for calling. Yan ang spiels ko kapag nakakatanggap ako ng tawag na nagmumula sa telepono sa opisina. Bakit ganun? di ko alam, at ayokong himayin. Pero as a person na tumatanggap ng calls, minsan naranasan ko na biglang may magtatanung sa akin kung ako daw ba ay taga-India. Nasa team India ako pero alam ko naman na pinoy ako. Pero bakit pag ang ibang kanuto/kanuta na tumatawag ay agad na nag-iisip na ang tinatawagan nila ay India?

Well, wala namang masyadong konek ang intro sa kontent. Slight lang. Dahil for today, ang aking ibibida ay ang US tv series na may pangalang 'Outsourced'. Ito ay tungkol sa isang American guy na nagwowork sa US callcenter at sa di inaasahang pangyayari, nag-outsource ang kanyang kumpanya at siya ay pinadala sa India para mag manage at magsupervise ng outsource team. Dito niya makikilala ang mga makukulay at iba-ibang tao na tumatanggap ng tawag mula sa americans at sila ay nagbebenta ng mga novelty items. 

Ang sayang panoorin ito kasi iba-iba ang mga characters. May indian na sobrang tahimik ng boses na halos pipi na. Meron ding yung sobrang daldal na kapag bumuka na ang bibig ay wala ng preno ang kanilang kadadakdak. Meron namang naughty boy na nakikipagflirt sa mga customers. Andun din yung assistant manager na grabe ang pangarap na maging manager.

Seriously, nakakatawa at hahagalpak kayo sa paghagikgik at kakatigil sa pagbungisngis. Nirerekomenda ko to lalo na sa mga nalulungkot at dipris. :D

Tuesday, December 7, 2010

How I Met the Walking Dead

Time to promote 2 tv series na nakapukaw sa aking attention. Dapat isa lang na show for today pero nitatamad akong isa lang kaya heto at dalawang show ang aking ipapakilala.


Unahin na natin ang comedy show na 'How I Met Your Mother'. Ang show na ito ay tungkol kay Ted na nakikipagwentuhan sa kanyang dalawang junakis upang ilahad kung paano niya nakilala ang kanilang ina. Pero ang catch, ang kwento ay nagmula sa pinaka-umpisa. Sa series na ito, makikilala nio ang limang characters na si Ted, ang magjowang si Marshall at Lily, ang naging love interest ni Ted na si Robin at ang chickboy na si Barney. Aside sa love development ng bida, nakakaaliw ang wonderful friendships ng lima. Currently ay nasa season 2 na yung pinapanood ko at nasa season 6 na ang series na ito. Mukang mahaba-habang panonood pa ang gagawin ko.
 

After humagalpak sa pagtawa ay dapat manood ng suspense at thriller tv show na 'The Walking Dead'. Ito ang kakalaban sa mga bampira shows sa US. Ang show na ito ay about sa isang sheriff na itatago na lang natin sa pangalang Rick Grimes. Sa isang job, nabaril siya at na-coma. After magising sa deep slumber, nagulat na lamang siya ng ang place ay pinamumugaran na ng mga kalaban ng mga halaman, ang mga zombies. Dito magsisimula ang adventure niya sa paghanap sa kanyang family at sa pagsurvive sa mga zombies on their lawn. Currently ay episode 5 pa lamang ang napapanood ko pero nasa episode 6 na ito. 

Hanggang dyan lang muna, so ingat mga pips!