Tuesday, December 7, 2010

How I Met the Walking Dead

Time to promote 2 tv series na nakapukaw sa aking attention. Dapat isa lang na show for today pero nitatamad akong isa lang kaya heto at dalawang show ang aking ipapakilala.


Unahin na natin ang comedy show na 'How I Met Your Mother'. Ang show na ito ay tungkol kay Ted na nakikipagwentuhan sa kanyang dalawang junakis upang ilahad kung paano niya nakilala ang kanilang ina. Pero ang catch, ang kwento ay nagmula sa pinaka-umpisa. Sa series na ito, makikilala nio ang limang characters na si Ted, ang magjowang si Marshall at Lily, ang naging love interest ni Ted na si Robin at ang chickboy na si Barney. Aside sa love development ng bida, nakakaaliw ang wonderful friendships ng lima. Currently ay nasa season 2 na yung pinapanood ko at nasa season 6 na ang series na ito. Mukang mahaba-habang panonood pa ang gagawin ko.
 

After humagalpak sa pagtawa ay dapat manood ng suspense at thriller tv show na 'The Walking Dead'. Ito ang kakalaban sa mga bampira shows sa US. Ang show na ito ay about sa isang sheriff na itatago na lang natin sa pangalang Rick Grimes. Sa isang job, nabaril siya at na-coma. After magising sa deep slumber, nagulat na lamang siya ng ang place ay pinamumugaran na ng mga kalaban ng mga halaman, ang mga zombies. Dito magsisimula ang adventure niya sa paghanap sa kanyang family at sa pagsurvive sa mga zombies on their lawn. Currently ay episode 5 pa lamang ang napapanood ko pero nasa episode 6 na ito. 

Hanggang dyan lang muna, so ingat mga pips!

8 comments:

  1. katapos ko lang ng ep 6 ng WD.. super bitin.. kainis.. un lang.. hahaha ayoko na magwento. spoiler hahahahaha

    ReplyDelete
  2. 12% downloading na sa akin ang Walking Dead Ep06.. at ang dahilan ng pagkaaddiction ko sa series na ito ay walang iba kundi sa unang nagcomment.. tama sya ang dahilan bwahahaha..

    ReplyDelete
  3. weee... episode 5 pa ako sa walking dead.. hgehehe

    ReplyDelete
  4. fine papanoorin ko na nga rin agn walking dead ahahaha nakaktamad kasing mag download...

    ReplyDelete
  5. maraming nagsasabi na maganda ito, subalit hanggang ngayun ay di ko pa nada-download kayat di ko pa sya napapanood..

    OT: bago ang themes! yeeepeee.. paskong pasko!

    ReplyDelete
  6. @yanah, ngayon ko palang papanoorin epi6. :D

    @poldo, so si yanah pala ang nag influence seo.

    @kikomaxx, ganda no.

    ReplyDelete
  7. @jepoy, heheh, na pressure ka ba? heheh

    @MD, tama, christmas mode-on na me!

    ReplyDelete
  8. How I Met the best!..

    walking dead, susunod ka na!..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???