Showing posts with label x-men. Show all posts
Showing posts with label x-men. Show all posts

Friday, September 28, 2012

X-Men!

90's Kid ako at ako ay proud to be one. At isa sa mga alaala ng 90's kabataan ay ang panonood ng samu't-saring cartoons sa telebisyon. At isa sa famous cartoon noon ay ang english cartoon show na tungkol sa mga mutants na tinatawag na X-Men.


Uncanny X-Men, yan ang palabas na every friday ay available sa channel 2 (kung tama pa ang memories ko.) Eto yung cartoons na pagkatapos ay susundan nung Are You Afraid of the Dark na ginaya ng Takot ka ba sa Dilim?.

I know na mostly knows nio na kung ano ang X-men so instead of explaining much, pakilala ko na lungs ang mga characters sa animated series. 


Note: Anhirap maghalukay sa google ng mga pics mula sa animated series kaya naman mas minabuti kong bigyan kayo ng cosplay version. Para maiba lungs.

 Walang mahanap na matinong wolvy cosplayer

1. Wolverine- Hindi sya yung wolverine na lumabas sa entry ko sa saranggola 2011 ha. Si Wolverine ay isang human na pinag-eksperimentuhan ang katawan at nagkaroon ng Adamantium bones. Siya ay may kakayanang magpalabas......... ng claws/blade sa kanyang kamay therefore takot syang maghugas ng pwet at baka makamot ang wetpu nia.


2. Cyclops- Siya ang jowawits ni Wolvy. Joke, sya ang jowa ni Jean Garcia Grey. Si Cyclops ay di naman talaga iisa ang mata. May two eyes sya, the left and the right. At sa kanyang mata ay lumalabas ang laser beam thinggy prowess nia na tinatawag na optic blast. Siya ang madalas na leader sa missions ng x-men. Peborit ata kasi ni prof. 


3. Jean Garcia Grey- Ang syinota ni Cyclops at ang lihim na apple of the eye ni Wolverine. Ang haba ng hair ng babaeng to kasi dalawang guyang gustong kumembot sa kanya. May power sya ng Tele.... hindi telegram, hindi telephone, hindi telenobela.... telepathy, telekenesis at mga psychic-psychic. Ayaw nia masugatan sa claws ni wolvy sa pag-sexy time nila kaya mas pinili nia si Cyclops.


4. Beast- Hindi siya ang nakatuluyan ni Belle sa Disney. Yun ang pinsan ng kinakapatid ng kamag-anak ni Beast. Si Beast ang balbonic blue stufftoy ng grupo. Isa syang doctor at may kapangyarihang mala-beast. lols. Imperess, kahit halimaw sya from the outside, mautak naman from the inside. brainy.


5. Storm- Ang dark horse sa grupo. Siya ang Weather witch kasi kaya niyang kumontrol ng panahon. Keri niyang magpa-let it snow-let-itsnow-let it-snow! Pede din syang magsummon ng rain at magvideoke with the song basang-basa sa ulan. May kakayanan si Storm na makalipad kaya.


6. Gambit- Ang real name niya ay Remy pero hindi po sya yung binili ni ginoong Vitallis at nagpeperform kasama ng mga teach me how to doggy. Si Gambit ay mahilig sa cards at yun ang ginagamit niyang pang-atake sa mga kalaban. Si Gambit ay laglag brip sa kapwa X-men na si Rogue.


7. Rogue- Ang pinaka-sexy na X-men para sa akin. Sya ang girl na may super strength at kaya din mag fly fly fly like a butterfly. May kakayanan si Rogue na manghigop ng powers ng ibang mutants basta mahawakan nia eto. Ayaw niang mainlababo kay Gambit kasi di nia pede hawakan with bare hands (so primitive) si Gambit. 


8. Jubilee- No more walls, no more chain...its the time of the great Jubilee!!!! lols. Sya ang pinaka-bata sa x-men. May kapangyarihan syang magpalabas ng mga sparkly thing na parang firecrackers na ewan. Bata pa nga pero kung makakerengkeng wagas. May part na parang may kras sya kay wolverine. Pumi-PBB teens!


9. Professor X- Ang Leader at founder ng mga X-men. Siya ang utak ng katipunan, mali pala, si Apolinario mabini pala yun. Well, malakas ang psychic powers ni Prof lalo na at sinuot niya pa yung thing na tinatawag na Cerebro.Tamad maglakad kaya laging may wheelchair etong si prof. X, joke, lumpo talaga sya.

Meron pa sana... si Morph kaso di naman sya naging main-main character sa series. hehehehe

O cia, hanggang dito na lang. Last 4 post to go. Take Care!

note: Ang mga larawan ay di ko po pagmamay-ari. Nahanap ko lang sa google yans.

Friday, June 3, 2011

X-Men: First Class


Kahapon, i am so excited and i just can't hide it. Kiligs na parang papaubos na ang ihi  na kailangang magpagpag. ahahahah. Hindi naman halata sa mga tweets at post ko sa twitter at fb.

Kahaps ay nagbalak ako manood ng sine alone pero its a good thing na may mga friendships na ka-opismate na gusto din makapanood. So imbes na sole watcher ako ay naging pito kami na nagpunta sa Robinson's Galleria cinema 1 upang panoorin ang movie.

Stop. Stop. Stop. Kung kayo ay manonood palang ng sine at ayaw nio ma-knows ang ilang bagay tungkol dun, pede mo skip read tapos sabihin nice post. Pede din close mo lang ung browser or mag-back-read ka na lang sa blog ko.

So anyway, here is the short synopsis ng movie ng Xmen First Class:

Eto ay tungkol sa plashbak ng buhay ni Erik (hindi Santos ang apelyido) at Charles (hindi yung prinsipeng naging asawa ni Diana [Hindi zubiri]). Eto ay about sa past ni Magneto at Prof.X (hindi sila nagkaroon ng intimate relationship, wag mahalay ang isips).

The story goes sa isang kulto o grupo ng mga mutants (bad mutants) na nagbabalak na magkaroon ng war between the USA at the Russia. So gumagawa ng paraan ang bad mutants to stir things.

Then may isang agent (hindi call center agent) ang naka-knows ng possible thingy of war at nag-seek ng tulong-tulong-saklolo at doon nag-seek ng help si agent kay Charles na isang tao na nag-aaral ng evolution of men.

Then dito nagkaroon ng clash of the titans este clash of mutants between the group of Bad mutants at goodygood mutants. Nagkaroon ng bakbakan nagpakitaan sila ng prowess.


Then in the end, ipinakita kung paanong naging impotent este lumpo si professor x at kung pano nag-part ways ang akala mo ay magjowa na si Charles and Erik. Thus nabuo ang XMEN. ahahaha.

My opinion about the movie:

-Sulit na sulit ang bayad sa ganda ng pelikulang ito.
-Mas gusto ko to sa wento ni Wolverine
-Okay ang effects lalo na sa pagpalit anyo ni Mystique
-Di ko feel ang powers nung kalaban named Shaw.
-Go go Go Magneto!!!
-Okay din si Banshee at si Havoc. cool!
-Dahil dito, may background na ako kung pano nagmutate si Beast.
-Galing at ganda ni Emma Frost
-Weird lang kasi ung group ni emma frost ay naging kalaban pa ng X-men at ang nag-corrupt kay Phoenix.
-weird na may parang nightcrawler pero red ang kulay. Hindi kaya yun ang nilandi ni mystique?

If i will rate the movie, bibigyan ko to ng 9. Oo, mataas ako magbigay ng score basta nagustohan ko ang movie. 

Note: larawan ay nakuha sa google. :D

Sa mga umabot sa dulo o nagskip papuntang dulo, i suggest to watch this kasi ayos ang palabas na ito. ahahaha.

Hangang dito na lang muna. Rest day ko ulit. Split RD tapos 6 days work so di ko sasabihin na TGIF para sa akin kasi may pasok ng weekends perosa mga readers nito, Enjoy and TGIF sa inyo.