Friday, September 28, 2012

X-Men!

90's Kid ako at ako ay proud to be one. At isa sa mga alaala ng 90's kabataan ay ang panonood ng samu't-saring cartoons sa telebisyon. At isa sa famous cartoon noon ay ang english cartoon show na tungkol sa mga mutants na tinatawag na X-Men.


Uncanny X-Men, yan ang palabas na every friday ay available sa channel 2 (kung tama pa ang memories ko.) Eto yung cartoons na pagkatapos ay susundan nung Are You Afraid of the Dark na ginaya ng Takot ka ba sa Dilim?.

I know na mostly knows nio na kung ano ang X-men so instead of explaining much, pakilala ko na lungs ang mga characters sa animated series. 


Note: Anhirap maghalukay sa google ng mga pics mula sa animated series kaya naman mas minabuti kong bigyan kayo ng cosplay version. Para maiba lungs.

 Walang mahanap na matinong wolvy cosplayer

1. Wolverine- Hindi sya yung wolverine na lumabas sa entry ko sa saranggola 2011 ha. Si Wolverine ay isang human na pinag-eksperimentuhan ang katawan at nagkaroon ng Adamantium bones. Siya ay may kakayanang magpalabas......... ng claws/blade sa kanyang kamay therefore takot syang maghugas ng pwet at baka makamot ang wetpu nia.


2. Cyclops- Siya ang jowawits ni Wolvy. Joke, sya ang jowa ni Jean Garcia Grey. Si Cyclops ay di naman talaga iisa ang mata. May two eyes sya, the left and the right. At sa kanyang mata ay lumalabas ang laser beam thinggy prowess nia na tinatawag na optic blast. Siya ang madalas na leader sa missions ng x-men. Peborit ata kasi ni prof. 


3. Jean Garcia Grey- Ang syinota ni Cyclops at ang lihim na apple of the eye ni Wolverine. Ang haba ng hair ng babaeng to kasi dalawang guyang gustong kumembot sa kanya. May power sya ng Tele.... hindi telegram, hindi telephone, hindi telenobela.... telepathy, telekenesis at mga psychic-psychic. Ayaw nia masugatan sa claws ni wolvy sa pag-sexy time nila kaya mas pinili nia si Cyclops.


4. Beast- Hindi siya ang nakatuluyan ni Belle sa Disney. Yun ang pinsan ng kinakapatid ng kamag-anak ni Beast. Si Beast ang balbonic blue stufftoy ng grupo. Isa syang doctor at may kapangyarihang mala-beast. lols. Imperess, kahit halimaw sya from the outside, mautak naman from the inside. brainy.


5. Storm- Ang dark horse sa grupo. Siya ang Weather witch kasi kaya niyang kumontrol ng panahon. Keri niyang magpa-let it snow-let-itsnow-let it-snow! Pede din syang magsummon ng rain at magvideoke with the song basang-basa sa ulan. May kakayanan si Storm na makalipad kaya.


6. Gambit- Ang real name niya ay Remy pero hindi po sya yung binili ni ginoong Vitallis at nagpeperform kasama ng mga teach me how to doggy. Si Gambit ay mahilig sa cards at yun ang ginagamit niyang pang-atake sa mga kalaban. Si Gambit ay laglag brip sa kapwa X-men na si Rogue.


7. Rogue- Ang pinaka-sexy na X-men para sa akin. Sya ang girl na may super strength at kaya din mag fly fly fly like a butterfly. May kakayanan si Rogue na manghigop ng powers ng ibang mutants basta mahawakan nia eto. Ayaw niang mainlababo kay Gambit kasi di nia pede hawakan with bare hands (so primitive) si Gambit. 


8. Jubilee- No more walls, no more chain...its the time of the great Jubilee!!!! lols. Sya ang pinaka-bata sa x-men. May kapangyarihan syang magpalabas ng mga sparkly thing na parang firecrackers na ewan. Bata pa nga pero kung makakerengkeng wagas. May part na parang may kras sya kay wolverine. Pumi-PBB teens!


9. Professor X- Ang Leader at founder ng mga X-men. Siya ang utak ng katipunan, mali pala, si Apolinario mabini pala yun. Well, malakas ang psychic powers ni Prof lalo na at sinuot niya pa yung thing na tinatawag na Cerebro.Tamad maglakad kaya laging may wheelchair etong si prof. X, joke, lumpo talaga sya.

Meron pa sana... si Morph kaso di naman sya naging main-main character sa series. hehehehe

O cia, hanggang dito na lang. Last 4 post to go. Take Care!

note: Ang mga larawan ay di ko po pagmamay-ari. Nahanap ko lang sa google yans.

12 comments:

  1. isama mo na din yung dabarkads ni Magneto

    ReplyDelete
  2. walang kaeffort effort ung professor x lol

    ReplyDelete
  3. the best talaga ang xmen check mo ung rouge cosplay ni rhian ganda nun

    ReplyDelete
  4. Lupet nung cosplayer ni gambit at rouge!

    Sure kang si Beast yung pinsan ng kinakapatid ng kamag-anak ni Beast? 'Di ba siya related sa Avatar? lol

    ReplyDelete
  5. pinapalabas uli ito sa studio 23 ^_^

    ang ganda ng nagcosplay kay rogue ah. hehehe

    ReplyDelete
  6. paborito ko 'to tuwing biyernes! sama mo na rin yung mga nausong marvel trading cards. nangolekta ka rin ba nun?

    ReplyDelete
  7. Inaabangan ko din yan noon. Galing galing ng series na yan. One of my favorites

    ReplyDelete
  8. wahaha sobrang kulet ng description nyo sa kanila sir Khanto haha! :D

    ReplyDelete
  9. fave ko din ang xmen! lalo na ung episodes na kalaban na nila ang mga bonggang sentinels :) buti nilinaw mo ang tungkol kay remy, akala ko sya ang kumanta ng "aking ina, mahal kong ina lalala"

    napa lels ako ng bongga sa jubille song haha

    ReplyDelete
  10. tama, walang kaeffort-effort yung nag-prof X hehe,

    namimiss ko na ang XMen, I'm such a big fan pa naman :))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???