Sunday, June 13, 2010

Viva La Independencia!



Kahapon ang Independence day o ang araw ng kalayaan ng Pilipinas.  makikita sa bawat establishamento ng mga malls ang mga watawat ng pilipinas at mabenta din ang mga makabayan shirts at kasama na din dito mga Ninoy glasses at yellow ribbons ni Cory. Kahit sa tv ngayong araw ay ganun din halos mga topic like sa Matanglawin at ang movie na Jose Rizal na ginampanan ni kuya Cesar Montano. Bawat tao ay napapasigaw ng Mabuhay ang kalayaan, Viva La Independencia!

Kanina ay napanood ko uli ang pelikula ni Rizal at dun ko naisip na magblog tungkol sa nakaraan. Nais kong mag-imagine ng mga bagaybagay na nagyari sa past pero hahaluan natin ng twist.

What if noong panahon ng digmaan o panahon ng rebolusyon ay may technolohiya na na laganap. paano kung may cellphone na ang mga pinoy tulad ng sa panahon natin ngayon. Marahil ay mabilis na nagmagkakaroon ng EB o eyeball ang mga katipuneros. Mag grugrupsend kaya ng message si Bonifacio sa mga kasapi ng KKK? Paano kaya ang codes na gagawin nia para di kaagad mapuna ng mga espanyol at mga prayle.

Bonifacio: GM: MgA kTpUNeRo, E2~ Na AnG iTnKdaNg aRaw uPng mGkR0On NG~ pgbBGo Sa atnG ByN p0wH. KLangnG mGsMA-sma At mg-sNiB PuwerSA~ uPng maiTABoy~ At mPAALiz~ aNG mga dayuhANg sumSKl~ aT kUMIKItl~ SA ATNG KlayAAN lOLZ! ipGLaBN AnG~ KLayaan loLz!

original message ni bonifacio: GM: Mga katipunero, eto na ang itinakdang araw upang magkaroon ng pagbabago sa ating bayan. Kailangang magsama-sama at mag-sanib puwersa upang maitaboy at mapaalis ang mga dayuhang sumasakal at kumikitil sa ating kalayaan! Ipaglaban ang kalayaan!



Paano kung uso na noong ang internet. Magbloblog nalang ba sila Jose Rizal? Blogger.com ba ang gagamitin ni M.H. Del Pilar para sa La Solidaridad? gagamit pa ba ng mga pen-names ang mga bayani kapag bloggers na sila? Gagawa ba sila ng mga accounts sa mga social networking sites. Ibubuddy poke ba nila ang isa't isa? Magkokoment ba sila sa isa't isang shout? Magthrethread din ba?

Rizal: I'm here in Dapitan, enjoying the simple life with the lovely Josephine Bracken.
M.H. Del Pilar: Nice one! Like!
Juan Luna: Pre, maganda ba talaga ang scenes dyan? Punta ako dyan kung may time ako.
Rizal: @MH, wahahah. musta ang La Sol? ilang hits na?
         @Luna, yeps, astig dito. Sana nga nadala ko ung digicam ko. 2megapix lang cp ko e.
M.H. Del Pilar: Madami na din hits pero di ko ma-beat ang dami ng followers mo. Astig ka pre!
Rizal: Well, iba na ang sikat! Kahit mga espanyol e nakikifollow. amp. :D Musta ang pasok ng pera?
M.H. Del Pilar: Mahina e, parang kailangan kong lagyan ng Adbrite to. Di kaya ng Adsense lang.
Rizal: Try mo nuffnang! o kaya kung gusto mo ng pera, try mo kumikitang kabuhayan, try porn!
M.H. Del Pilar: OMG! grabe ka! Yaman mo na siguro!
Rizal: Wakekekeek. Kaw kasi, ayaw mo mag hotfile! ;p
Juan Luna: Grabe, ampepera niong dalawa! Treat nio naman ako ng Starbucks!
Josephine Bracken: Jose, nakita mo ba ung inupload kong pix natin?
Rizal: Yep! Teka, mga pre, may balita ba kayo kay Mabini?
Juan Luna: hahahahaha. Wala pa sia FB. Last na balita ko ay MySpace pa ang nagawa nia.
Rizal: Aw! Mas techie pa pala si Tandang Sora, atleast nakagawa sia ng Friendster.
Graciano Lopez-Jaena: Rizal, follow mo ako sa twitter.
Rizal: Sureness. Ei, logout muna ako. Chochorba muna with Josephin.
Graciano Lopez-Jaena: Wag kalimutan ang proteksyon! wahahah. jukjuk!
Rizal: :p

Kung uso na ang FB noong panahon na ang pinas ay sakop ng Spain, dadanak ba ng dugo sa pinas o magkakaroon nalang ng online war? Magdodota nalang ba ang espanyol laban sa pinoy? Ilang Mafia members kaya ang maiaadd ni Bonifacio? Isasama nia ba sa Mafia si Aguinaldo? Bibigyan nia ba ng gifts ang mga kasama nia sa mafia?

Eto pa ang mga bagay na aking naiisip kung modern world na noong panahon ng mga bayaning pinoy.

1. May PDF file kaya ang El Fili at Noli?
2. Magiging Cam whore ba sila Gabriela Silang, Gregoria de Jesus, Trinidad tecson at Josephine Bracken?
3. Madadaig ba ni Melchora Aquino ang kasikatan ni Lola Techie?
4. Porche ba o Chevrolet ang magiging tsekot ni Emilio Jacinto?
5. Ano ang cellphone unit ni Bonifacio? Touch-screen ba o ung ordinaryo lang?
6. Gagamit ba ng Camfrog ang mga babaeng katipunera?
7. May wire-tapping capability ba ang spaniards? magkaka- "Hello Garci"
8. Iphohotoshop kaya nila ang primary pics ng mga heroes o gagamit ng cartoon character?
9. Gagamit ba ng anti-virus ang mga katipuneros? Anung brand kaya ito?
10. Habang nasa digmaan ba ay susuutin nila sa leeg ang kanilang cellphone?

Madami pa akong naiisip subalit tila okay na ang nangyari noon kesa sa mga pinag-iiisip ko. Pero what if nga....

2 comments:

  1. tiyak akong mangyayari yang mga nasa imahinasyon mo! at magiging spies at secret agents pa sila! haha...happy independence da

    ReplyDelete
  2. Pag nangyari, aadd ko sila as friends.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???