Saturday, May 12, 2012

The Mudrax Post

Mother's Day na pala bukas! Wow. Kung hindi pa ako nakakabasa ng mother's day blog post sa mga sinusundang mga bloggers ay malamang sa alamang ay dehins ko mapagtatanto na araw na ng mga ina bukas (possible na ngayon kung may 13 na).

For today.... ibabandera ko sa bloghouse ko ang aking mudrax. Oo, sya yung tinatawag naming nay tapos binago namin at tinawag na mommy pano kasi ang mga kaklase sa school noon ay puro mommy ang tawag sa kanilang mudrakels. :p

Meet Simang....

O ha, hontoroy ng necklace!
 At ang outfit.... omo-orange! Pongkang na pongkang!

Joke lang, hindi simang ang name ng aking mudrax. Yan ay codename lang base doon sa pinapanood namin noong teleserye sa channel 2. Yung role ni Eugene Domingo na sidekick yaya ng isang teleserye star. Hawig kasi niya si Uge.

Di ko na babanggitin ang namesung ng mudra ko para kunwari anonymous mother. 

Ang aking mudrax ay da best para sa akin. Kahit na tila nagpapampam at nag-iinis na kailangan ko na daw mag-ka-anaks and stuff, labs ko yans.

Di ko ba mamahalin ang mudrakels ko e noong nasa gradeschool ako at naiwan ako ng school service, isang tawag ko lang sa opisina nila ay byabyahe mula opisina papuntang Cainta para sunduin ang kawawang tuta? Tapos sya ang laging gumagawa ng exmuse letter ko pag feel ko lang magsakit-sakitan sa iskul. Sya din ang walang sawang bumibili ng happy meal collections ko noong bata.... Halos nakukumpleto ko lagi ang toys dahil sa mga pasalubs nia.

Kahit na nagpupumilit magparinig minsan ang mudra ko na mag-abroad daw ako (kahit ayaw ko), at kahit na nagpapapampam na mag-kaanak na daw ako para may apo na sya (jowawits nga, wala pa e), Labs ko yans.

So mudra, Happy Mother's Day.

Happy mother's day din sa mga Inay, nanay, mama, Nay, ma, mother, mommy, mudra, okasa, at ano pa mang tawag sa kanila....... Happy Mother's Day!

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!!!

12 comments:

  1. kahawig mo sya sa pisngi Gelo. haha!

    matambok pareho cheeks nyo. hahaha!!

    happy mother's day to your mom! :)

    ReplyDelete
  2. taray nga ng outfit ni mama mo. hindi siya ready nakapambahay lang. hehe

    happy mothers day sa mama mo!

    ReplyDelete
  3. laking tawa ko sa jowawits...LOL

    si mudrax laging present sa conversation ang pagtatanong kong may boypren na ba ako..waaaa!

    at in fairview sa mudra mo ayaw nyang mag necklace at orange ha..ayaw! hehehe

    Happy Mom's day to your Mudrax khanto!

    ReplyDelete
  4. happy mother's day sa iyong mama at sa lahat ng mga ina :)

    ReplyDelete
  5. Ang cute ng mommy mo. Tama winner ang necklace and orange outfit. Nanay din ang tawag ko na mother namin, kaso hindi namin binago, kasi parang hindi sya ang tinatawag namin pag binago namin. Pero syempre sa amin lang yun.

    Pressure na ba sa paghingi ng apo kay mother. hanap kasi ng jowa.. hehe..

    Happy Mother's day sa mommy mo!

    ReplyDelete
  6. hala tumaas ang balahibo ko nung narinig ko si aiza, meron talagang background music?? pamana mo na lang yung mga toys sa happy meal saken sir :)

    ReplyDelete
  7. happy bday sa mudrax mo kwatro! may necklace ba sya sa pic? wala ako nakita hehe :)

    ReplyDelete
  8. Happy mothers day! :D Your mom is pretty :)

    ReplyDelete
  9. happy mothers day kay mudrax! XD

    ReplyDelete
  10. Happy Mom's Day sa Mudraka mo!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???