Sunday, July 29, 2012

Kaiji 2

Aler, overdose po ba sa images for the last 4 days? Well, change is constant so for today back to movie reviews tayo. 

Malamang kung nakakabisits na kayo sa bloghouse ko at nakapag-backread (may gumagawa kaya nun sa blog ko?) malamang ay nabasa ninyo yung movie review ko na Kaiji

This time, nakahanap ako sa suking dvdhan ng part 2 ng japanese peliks. Kaya naman for today, eto ang bidang peliks.


Di pa nakakatagal sa ibabaw ang bidang Si Ito Kaiji e back to the underground slavery nanaman ang kumag kasi nabaon nanaman sa jutang.

Then ang nangyare, nag-chip-in-chip-in ang mga kasama niyang workers at sya ang itinalaga para ipadala sa lupa upang palaguin ang kaban ng cash from 1 million to 200 million.

Then mamimit ni Kaiji yung kalabs noong last season at binigyan sya ng tip kung saang casino sya pede maglaro na maaaring manalo ng big cash prize.

Sa casino ay merong isang game na tinatawag na 'The Swamp' kung saan pedeng manalo ng 1 billion. Pero di magiging madali ang way to win win win dahil may pandaraya na nagaganap sa sinabing game.

Now, dito na aandars ang pag-attempt ni Kaiji na ma-beat ang game at manalo ng kaching-kaching.

Di ko na iwewento ang mga susunod na kaganapans dahil it will be better na kayo ang manonoods. bwahahaha.

Kung yung pers movie ay may score na 9, apparently, babawasan ko ng slight ang peliks na ito. mga 8.75..... bakit may bawas? well, nagustuhan ko naman yung pagplaplano nila on how to beat the game pero nung bandang padulo, yung sa bandang all hope is gone cheverlins, medyo na bore ako sa speeches at prinsipyo ekek. 

So hayans. Hanggang dito na lungs muna. Hehehehe. Take Care people!

3 comments:

  1. ganda ng plot :D parang napaka original, at mukhang punong puno ng aksyon. saan makakabili niyan? saan ba yung suking tindhan mo? hehe

    ReplyDelete
  2. oo nga san ba yang suking tindahan mo?gusto ko rin mamili. haha teka parang familiar yung bida.

    ReplyDelete
  3. haha kilala ko yan artista na yan si kira yan ee hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???