Sunday, October 14, 2012

Ang Babae ni Hudas

Sa dinami-dami ng mga telenobela sa hapon specifically sa channel 2, may isang serye ang tumatak sa isipan ko at may recall factor. Ito ay ang Venezuelan telenobela na may tagalog name na 'Altagracia' pero ang original name ay 'La Mujer de Judas' or 'Ang Babae ni Hudas'.


So bakit tumatak ang seryeng ito for me? Ganto kasi ang synopsis ekek ng wento.


May 6 na spice girls friendships. Yung isa sa girlay (named Altagracia) ay ikakasal na for the kaban ng kash. Sa araw ng kasal, me panyayareng naganap. Ang isa sa mga friendships ay gagahasain sana ng isang guy pero to the rescue ang girl power friends and amportunetly, natigok at napaslang ang mangagahasa-guy. 

Tapos, tapos, may nakasaksi sa crime na ginawa ng mga merlat, (san ko ba napulot ang term na to?) si Father Sebastian. Pinayuhan sila na umamin sa kasalanan. E mukang no-no-no-no-way ang gustong sabihin ng mga girls so nagpasya ang bride-to-be na kausapin si Father pero huli na. Si Father ay tegi na at nakatali ang katawan sa confession box. At dahil dito, nakulong si Altagracia for 20 years.

After 20 years, may isang dalaginding ang may thesis at ang kanyang topic ay ang crime na naganaps. So imbestigador ang peg ng dalaga at mega search ng mga proof and evidence. Pero ang wierd thing, nagpapakita sa kanya ang mumu-form ng pari na napatay.

Habang inuuncover ang krimen, meron namang bagong mga crime ang nagaganap. One by one, two by two, (chinese garter?) ay merong namamatay at ito ay kagagawan ng isang naka-trahe-de-boda or wedding dress na duguan at may bungo face.

Ang tanong, sino ang pumatay kay Father? Sino ang killer na nakasoot ng bloody-bridal-gown? Ano ang dahilan ng pagpatay?

At dito ko na ititigil ang synopsis ekek, kapagod pala kung iwewents ko halos lahat ng panyayare.hahahaha.

So bakit ito? I like kasi yung twist and turns of events. Saka medyo yuppie pa ako noong palabas ito sa tv kaya naman may konting takot factor kapag lalabas sa screen at magpaparamdam yung bungo na naka bridal gown with matching creepy hum ng wedding song(tan-dan-daran).

Atsaka yung ending..... wagas ang naging revelation! Yung, napa-Ay-powtangene ka ng malaman ang sekreto. 

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

9 comments:

  1. Hindi ko napanood pero mukhang maganda... na curious tuloy ako hehehe

    ReplyDelete
  2. hehehe hindi ako mahilig sa mga ganito'ng novela eh. kung thai at korean siguro to pwede ;D

    ReplyDelete
  3. Napanood ko ang last few episodes nito, fan ako ni Astrid Carolina Herrera eh, gustung-gusto ko siya sa Morena Clara. Nakakamiss din pala ang Latin telenovelas.

    ReplyDelete
  4. interesting ung story ha nice nice i love mystery

    ReplyDelete
  5. naku, pinapanood ko din ito dati. :D Astrid Herrera is dating Ms. World, kaya ang ganda ganda ng lola mo. Naalala ko umabsent pa ako dati mapanood lang ang ending nia. Sana gumawa sila ng pinoy version nito. Ambongga kasi!

    ReplyDelete
  6. napapa nuod ko to nun kaya lang di ko nasubaybayan! ang aking suspect ay si ateng nagthe-thesis. sya ba ang killer? kung hindi, siney?

    ReplyDelete
  7. Si altagracia ang killer! pero lahat silang anim na spice girls hehehe..ay nagsusuot ng naka-trahe-de-boda or wedding dress na duguan at may bungo face. Utos yun ni altagracia para malito ang mga tao dun. Pero si altagracia talaga ang pumapatay at may partner sya, si ysmael, lalaking nagsusuot ng gown din para tulungan si altagracia pumatay. Galit din kasi sa mundo itong si ysmael.

    Anyway ganito ang gusto kong maging casting kung saka sakaling may Philippine remake ito gaya nung betty la fea, rubi & nasaan ka elisa

    Altagracia del Toro- Dawn Zulueta (match na match sa level ng beauty ng lola astrid mo! agree?)

    La Juaca- Carmina Villaroel (sexy si juaca, mapa mexican o venezuelan, na medyo boyish, dyan magaling c mina!)

    Marina Batista- G toengi (ang sexy ni marina sa mexican version! papatalbog ba si Juan?)

    Laura Briceno- Chinchin Gutierez ( ang ganda ni kiara na original sa role na'to, match na match sa ganda ni chinchin, lagyan mo pa ng salamin dahil nakasalamin si laura eh pak na pak para kay chinchin)

    Ricarda Araujo- K brosas or Ruffa mae quinto (sana lang kapamilya na next year itong c booba pero mukhang malabong mangyari yon)

    Chichita Aguero del toro- Pinky amador or Agot isidro ( kahit saan naman kasi si agot, sana nga lang maunahn ng dos ang syete sa kanya, kapuso ngayon si agot eh. Remember yung nabaliw yung character nya sa tayong dalawa?)


    Para naman sa dalawang lovers na sila Gloria at salomon, si jessie mendiola at Joseph marco ang gusto kong gumanap para dyan, pwede din si john medina(c james na tapat na kaibigan ni papa daniel sa walang hanggan nung yumaman na sya)Big break na to for his career, dabaa??

    Sa nagmumultong pari, i like ian veneracion na gumanap sa role at si Richard gomez naman si marcos (yung high blood na reporter na umpisa ay eksaherada ang pagka poot kay altagracia tapos sa huli ay ma fafall in love pala sa lola mo)

    ReplyDelete
  8. ^^pahabol pala, venezuela ang original sa latinovelang itey, ginawan ito ng mexican version ngayon 2012 at katatapos pa lang, for me mas panalo parin yung original yung kila astrid. Sana matapatan to ng kapamilya network kung sila man ang gagawa ng philippine remake nitey.

    #DawnZuluetAltagracia 2013

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???