Isang nakakabinging katahimikan. Madilim ang kapaligiran. Walang kahit na anong liwanag na makita. Blanko ang lahat. Wala akong maramdaman.
Bigla kong iminulat ang aking mata. Dahan-dahan akong lumingon pakaliwa at pakanan kung nasaan ako. Di ko alam kung saang lupalop ako. Sinubukan kong bumangon at tumayo.
Kakaibang pakiramdam. Wala akong maramdaman pero maayos naman ang lahat. Naikikilos ko ang mga kamay at paa. Nakakalakad naman ako pero ewan, parang ambagal ng kilos ko.
Tumingin ako sa aking paligid, walang ka-tao-tao. Tahimik. Teka, Malapit pala ako sa kakahuyan. Nakikita ko ang mga puno sa bandang hilaga. Sa tabi naman ay may isang ilog na may malinis na tubig.
Naglakadlakad ako upang malaman kung anong nangyayare. Bawat hakbang ng paa, nakatingin lamang sa aking harapan.
Nakarinig ako ng kaluskos mga ilang metro mula sa aking kinaroroonan. Di ko alam, parang anlakas ng aking pandinig kaya naman ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa pinanggagalingan ng kaluskos.
Biglang lumitaw ang isang magandang babae sa aking harapan. May mahabang buhok at kutis na maputi. Lumapit ako para tanungin sya pero walang sagot akong narinig. Naglakad lamang sya palayo.
Di ko alam kung bakit, pero parang nahalina ata ako sa magandang babaeng nasilayan kaya kung saan ang kanyang patutunguhan, dun din tinatahak ng aking mga paa.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad. Tahimik siya at tahimik din ako habang binabagtas namin ang daan na di ko alam kung saan tutungo.
Maya-maya pa ay tila nakaabot na kami sa dulo ng kakahuyan. Nakita ko na may nilapitan na isang lalaki yung babaeng aking sinusundan. Di ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Pero Parang katulad lang sa naganap sa akin, walang pag-uusap ang dalawa at tila sabay lang naglakad papalayo ang dalawa.
Hakbang dito, hakbang doon. Patuloy lang ang mga paa sa paglakad at sa bawat minuto, nauulit ang mga bagay na nangyari. May maririnig kaming ingay at susundan kung nasaan ang panggagalingan. Sabay lalabas ang isang tao. Walang pag-uusap na pangyayari pero magpapatuloy lamang ang paglalakbay.
Dumadami na kami at iba-iba na kaming naglalakbay. Di ko alam kung saan talaga kami patungo pero sumusunod lang ako sa babaeng nakita ko kanina na ngayon ay kasama ng grupo ng mga kalalakihan na aming nakita at nakasalamuha habang patuloy kami sa paglalakad.
Wala akong reklamo sa mga kasama ko sa paglalakbay. Hindi maingay. Tahimik lang ang paglalakad. Kahit may mga iniindang kapansanan ang iba ay tuloy padin. Kahit walang kamay o kaya ay walang daliri ay sige padin sa paglalakbay.
Kakaiba din tong mga kasama ko kasi kapag may kinakain ang isa, kailangan kakain din ang iba. Salo-salo sa hapagkainan.
Ilang araw na din ata ang nakalipas ng dumilat ang aking mata at di ko na alam kung ilang kilometro na ang nalalakbay namin. Di na ako nag-iisa. Kasama ang babae kanina at iba pang mga nakasama, sabay-sabay ang pagkilos patungo sa di namin alam.
Nakarating kami sa isang syudad. May narinig kaming madaming putok ng baril. Di namin alam pero tila naengganyong makiusisa at hanapin ang pinagmumulan ng tunog.
Ginanahan ata ang mga kasama ko kaya medyo mabilis ang maglakad patungo sa pinagmulan ng ingay.
Bang! Bang! Bang!
Nakita kong may ilan na bumagsak mula sa mga masigasig na nanguna sa pag-usisa.
Bang! Bang! Bang!
Bumulagta pa ang ilan. Pero di ko alam pero balewala sa amin ang mga kasamahang bumagsak. Walang pakialam marahil di naman talaga kasi kami magkakakilala.
Nakita ko sa harapan ko yung babaeng nakita ko. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kaya wala akong sinayang na panahon at sinundan ko siya.
Bang! Bang! Bang!
Nakita kong bumagsak ang maputing babaeng may mahabang buhok. Pero ang paa ko ay nagpatuloy pa din sa paglakad.
'Layuan niyo ako! Tulong! Saklolo! Saklolo!'
Isang sigaw ng isang babae pumangibabaw.
Bang! Bang! Bang!
Nakita kong kong kumakain na ang ilan sa mga nakasama.
Lumapit ako, mabilis at nakita ko ang isang babae na may hawak na baril na pilit pa din lumalaban sa mga kasama ko.
Kumakain na sila, gutom na din ako kaya sumabay na ako sa pagkagat sa babaeng pumipiglas.
Makalipas ang ilang saglit. Matapos mabusog sa pagpingas, pagtikim at pagnguya sa babae, isang nakabibinging katahimikan nanaman.
Nagsimula na uling maglakad ang mga kasama at ang paa ko ay nakigaya at sumunod kung saan sila pupunta.
Maglalakbay nanaman kami... kung saan, hindi ko alam... pero hanggat hindi ako bumabagsak, alam ko na ako ay patuloy na maglalakbay.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Ang Maikling Kwentong ito ay lahok sa ika-apat na paglipad ng Saranggola Blog Awards 2012. sa temang “LAKBAY”
ayos! sumali din sa wakas! good luck :D
ReplyDeleteuyy oh blog entry oh good luck kaw pam bato ko ha
ReplyDeleteGood luck sau ser :)
ReplyDeleteGood luck sa entry Khants! Natakot ako sa umpisa, akala ko white lady hehe :)
ReplyDeletemga zombie yata sila sir ayon sa aking pagkakaintindi.
ReplyDeleteang akala ko bago matapos ang kwento mga kaluluwa sula mula sa mga nahagilap ng bala ng baril..
magandang kwento ito sir :)
yeah, tama si TAMBAY, mga zombie sila hehe!
ReplyDeletegoodluck po sa entry nyong ito for SBA!
http://fiel-kun.blogspot.com
http://fiels-inner-sanctum.blogspot.com/
Goodluck.. mala Resident Evil.. galing..
ReplyDeleteNatuwa ako at zombie [ata] ang tema ng iyong katha. Ibang-iba ang paraan ng pagsulat mo dito, walang Englishing? lol.
ReplyDeleteGoodluck sa pagsali! XD
ayus! twisted. ganito ang tipo kong basahin. gudluck satin parekoy! \m/
ReplyDeleteHmm parang nightmare... nakakatakot ivisualize...
ReplyDeletegoodluck!iba naman ang isang ito.horror :)
ReplyDeletejayrulez
ayos ang concept ^^ kakaiba ^^ Goodluck sa entry ^^
ReplyDeletenice. good luck!
ReplyDeletewow naman .. ninanais kong sabhin na goodluck at sa iba pang bloggers na kalahok
ReplyDeletenapilitan ang tamad kong utak para mag isip.
ReplyDeletehahaha... ayos to. Goodluck sa SBA :)
zombie! gudlak!!!
ReplyDeleteAyos ang ganda, akala ko nung una panaginip lang tapos biglang magigising
ReplyDeleteYun pala zombie na pala ung nagsasalita...
Ayos ang ganda, akala ko nung una panaginip tapos magigising na rin
ReplyDeleteKaso zombie na pala ung nagsasalita...
hahaha
ReplyDeleteAyos ang ganda, kala ko panaginip lang tapos magigising lang ulit
ReplyDeleteKaso yun pala zombie na sila....