Saturday, October 6, 2012

Sanlibo!

This is it pancit! Omaygas-abelgas! After 10 years.... joke, eksaherado lang... after 3 years.... naka 1k na post na ako dito sa aking bloghouse! Hep-hep....... Hooooray! Hep-Hep.........Hooray!


Dapat sana ay isang drama-dramahan and emo thingy ang naisip ko kaso wala akong gana kaya naman for my 1k post, mag Random tayo!!! Hehehe. Masmadami kasing pwedeng pasadahan na anik-anik kung random.... Anything goes!

1. Chuloy na chuloy na ang paglilipat-bahay namin! After 8 years..... lilipat na kami. Natatandaan ko nung dating lumpat kami ng bahay dahil nga na-ilit or kinuha na ng banko ang bahay namin, nag-adjust kami sa bahay na mas maliit sa nakasanayan. Tapos ang walls, hindi cement, kalahati kahoy, kalahati semento. Tas ang CR, angbaba ng inidors.... Anhirap sa medyo mala-kapreng lapad at laki ko.

Then now, lilipats kami and this time, mas maliit uling space. Wala na daw rooms so pagpasok ng pinto, mostly sala and kama na (sopabed daw ang peg at drama). Panibagong adjustment. Actually di ko pa nakikita ang bagong lilipatan up until now.

2. I'm torn between US X-Factor or The Voice!!! hahaha. Pareho kasing maganda at magagalings ang mga contestants. Pero buti na lang at may nagdodownload ng episodes ng parehong show kaya wala akong kaproble-problema.

3. Hanggang Oct. 15 na lang ang pagsusubmit ng entry para sa Saranggola Blog Awards. Sa ngayon, isa pa lang ang nasasalihan ko, ang maikling wento. Nais ko sanang sumali dun sa photo category kaso wala akong gigicam para makakuha ng shots. Di naman pede nyelpon ko kasi hindi malinaw ang megamegapixels ng cam.

4. Wala akong bagong Asian film na napapanood. Bummer!

5. Nagbigay ako ng deadline sa work ko. Sabi ko sa sarili, mga hanggang 5 years na lang ako at kailangan na mag-move-on at bumitaw. Makakayanan ko kaya at mapapangatawanan ko kaya ito?

6. Nakakasad na isa sa blogger friend ang nagsarado na ng kanyang bloghouse. Alam mo yung nakakalungkot na feeling na di mo maexplain kapag may hihinto na sa blogging.

7. Yan lang muna. Nawala momentum ng pagtatype ko dahil sa call. O cia, Take Care Folks!

18 comments:

  1. nalungkot din ako sa blogger na nagsara ng blog. pero sabi ko sa kanya, di ko babawiin ung domain dahil naniniwala ako na magbablog pa rin siya.

    ang dami mo'ng posts! ako wala pang 600 hahaha.

    change of carrer na ba? abangan!

    congrats sa new house!

    random comment hehehe

    ReplyDelete
  2. ang taray, millennium ang peg! Haha. Congrats, Gelo!

    Sana mas magwork ang bagong lilipatan, dati akala ko nakakatuwa ang paglipat ng bahay, pero sa daming beses kong naglipat, nakakaumay na. :D

    Malungkot nga na may nagsara ng blog. Sino yung blogger na nagsara? Tsismis naman.

    Random comment din po.

    ReplyDelete
  3. Congrats sa ika 1,000 na post!! Sana mas okay ang bahay pati ang vibes sa new house. At sana mas mataas na ang inodors :)

    Ikaw wag ka titigil mag blog Khants, dahil aliw kami sayong lahat! Party Party! :)

    ReplyDelete
  4. -1K sana convertible to cash..wehehe sipag sipag mo kasi eh
    -ok na yang lumipat kayo kesa mabahaan pa
    -gusto ko sumali sa SBA pero nahiya me (demure?)
    -sinong blogger yun?

    blogging while working..apir!!!

    ReplyDelete
  5. shet! 1000 posts! in 3 years! kung ako yan aabutin ng 30 years! haha.

    lagi ko din binabasa posts noon ni bulakbulero. sayang naman yun..

    ReplyDelete
  6. 1000k post na.. wow naman. kayanin ko kaya yan :) wala pa nga 100 ung sakin :(

    nalungkot din ako sa isang blogger na nagsara ng house :(

    at gudlak naman po sa paglipat ng bahay :)

    ReplyDelete
  7. magparaffle ka ng isang libong pesos! ngayon na! Lol

    ReplyDelete
  8. Ooooh...daming happenings
    1. Housewarming party
    2. xfactor Philippines na lang :)
    3. makasali nga. at good luck
    4. napanod mo na ung ATM? Thai?
    5. good luck.
    6. sad :(
    7. call me maybe :)

    ReplyDelete
  9. huwaw one thousand na ako wa pa nga ata sa one hundred hahaha

    ReplyDelete
  10. kaw na! galing naman :) 'sanlibong kwento at katas ng utak :)

    God bless sa bago niyong bahay :) parang bagong buhay din :)
    naku aabangan ko ang pag shift mo ng career, sana magawa ko rin yan kung palarin :) parang nakaka-excite lang kasi new adventure ang naghihintay :)

    ReplyDelete
  11. wow congratz and goodluck sa lahat!!!!
    hehe.. saya saya ko tlga kakabasa ng posts mo :)

    ReplyDelete
  12. Ok lang ang masikip na space, mas madaling mag TOOT. Insert imagination skills here. At yung sa work, hindi ba matagal na yung 5 years? kung alam mong 'di ka na nag-eenjoy, hanaps ka ng otherss. :D

    Dahil 1000th mo na, mamigay ka naman ng 1k! Congrats pare!

    ReplyDelete
  13. congratulations!!! aabangan namin ang iyong panibagong yugto sa iyong magiging bagong carrier :))

    ReplyDelete
  14. congrats naman at naka-1k post ka na! astig! 183 posts pa lang ako sa first blog ko and 77 dun sa isa pa, ibig sabihin malayu-layo pa ang dapat kong lakbayin, hahaha...

    lipat-bahay pala ang drama nyo ngayon. yan din ang gusto ko mangyari by the end of this year, makalipat sa mas malaking apartment.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???