Hey! Kamusta! Oks naman ba ang weekend ninyo? O, nakapaghanda na ba kayo for the upcoming New Year Celebration? Ang paputok? Ang mga fruits? Tandaan, bawal ang chicken sa medya noche! Tapos ang proteksyon, ihanda. Kayo bahala kung sa loob or sa labas ipuputok! nyahahaha.
Heniway, bago matapos ang 2012.... let me make habol ng isang pinoy pelikula para sa inyo. You know naman kailangan nating tangkilikin ang sariling atin. Pero hindi ito isang MMFF film.... wakokokokok. Binasa mo ba yung title ng post? Check! A Secret Affair ang namesung ng pelikula.
Okay.... ready na ba kayo? Let's get it on!
Ang wento ay tungkol sa kwento ng mga nilalang (nilalang talaga?) na mayayaman. You know, yung mga merong golden spoon sa bibig, ganyan. eto kasi yun...
Merong isang girlay na itago sa name na Rafi (played by Ann 'Lips' Curtis). Merong celebration sa bar with her conyo friendships ganyan informing about the upcoming jingle bells wedding bells. Then, sa simula pa lang ng peliks, nagkaroon na ng hint na magkakilala pala yung isang sorority girl friend ni Rafi na si Sam (hindi po si Sam Pinto.... Andi 'batang ina' Eigennman) at ang fiance boylet na si Anton (not sir Pusangkalye... si Derek Ramsey). Then pinakita na nagkaroon ng Hot kinky kembular at kembotang ganap between Anton and Sam.
Then, muntanga naman tong si Rafi.... the day before ang kasal... nagkaroong ng wedding jitters... sa tagalog, kinabatutan at nag-freak-out at ayun.... cancelled ang wedding. To make things worst, walang explanation na sinabi sa kanyang boylet. Naghanap sya ng freedom... umalis at gusto atang mag-muni-muni at mag-isip-isip.
So nasaktan si Anton kasi hindi natuloy ang kanyang tan-tan-taran...tan-tan-taran. kinon-sole naman sya ni Sam at boom.... Nakatikim nanaman ng gloria at naka-boom-boom-boom nanaman. Walang tigang moment si boy! Laging nagdidilig ng lumpia!
Then, bumalik ang shunga-shungang si Rafi sa buhay ni Boy dilig na si Anton. Okay na sana... Pero nahulog na ang panty loob ni Sam sa kumANTON at dumilig sa kanyang fresh lumpia. So nagkaroon ng secret Apir.
Pero syemps, walang lihim na di nabubuko. Nalaman ni Rafi na may kabit-sabit-apir-disapir ang kanyang boylet. At nagkaroon na ng confrontation at batuhan ng mga words at quotable quotes chenelins sila Sam and Rafi.
At syempre.... nagsisisi naman tong si boylet kasi nagsawsaw-suka sya sa dalawang lumpia! Imagine, DALAWANG LUMPIA ang diniligan nia! lols. Nag-AMASORRY man sya, the damage was done (tama ba grammar ko?). Ibang ulo kasi ang ginamit nia... yung ulo sa ibaba ang pumangibabaws.
Atsyempre.... di ko na iwewento ang details ng iba pa. Aba... baka magalit ang gumawa ng peliks at sabihin chinuchu ko na lahat-lahat ng detalye ng wents. bwahahaha.
Score........8.5. Typical kabit-kabit-sabit-sabit movie. Okay naman ang lines. Okay naman ang acting prowess ng mga artists. Okay naman... Pero kaya 8.5 lang... Compared to issues and pangyayare sa Face2Face.... walang binatbat ang kaganapan sa pelikula! Walang malutong-like-chicharon na mura. Walang makabasak-butong sampalan at walang-ibang-level cat fight. Saka bawas points yung kapekpekang twitter/facebook effects thingy sa movie.
Fave line:
"Alam mo saan masarap magkape? Sa burol mo."
O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks! Enjoy-enjoy mga pipols!