Friday, January 11, 2013

yung eksenang gusto mong magbyahe pero di mo alam kung pano mo sisimulan


Nagreset na ang vacation slots dito sa opisina. Balik na ang 15 days vacay days para gamitin. At dahil dyan... gusto kong makapamasyal sa ibang lugar. Kaso.... di ko alam pano sisimulan at pano gagawin.

Anhirap kasi makatsamba ng seat sale sa net na mura talaga ang plane tickets! Yung moment na pagsumilip ka sa website ng airphil or cebu pacific, sold out na ang kanilang binabanderang promo flight. Ang natira na lang ay yung regular price tickets or sale nga pero uber tagal ng byahe due to stop-overs thingy.

Isa pa sa medyo alinlangan ko ay kung sakali mang makakuha naman ako ng tix, shokot ako magbyahe mag-isa. Bwahahaha. parang bata lang. Ewan ko. May fear ako siguro na magtravel alone.

Sana ang pinas ay hindi hiwa-hiwalay para pwedeng by bus lang ang ride. or sana mauso ang teleportation para sa pagbyahe para sa isang iglap lang andun ka na sa destination mo na hindi mauubos sa travel time.

Kung sakali.... for 2013.... gusto kong mapuntahan ang....

>Ilocos> Yung eksenang 2x na akong di nakapunta sa lugar na ito. Twice na hindi umayon ang tadhana para mabisita ang place na to. Gusto kong makita yung windmills, gusto kong magkita yung mga tourist spots dito sa lugar na to.

>Boracay- juskopong pineapple, kinabog na ako ng parents ko dahil sila, nakapag-boracay na. ako, nganga. Kailangan na tong mapuntahan bago tuluyang mawala ang ganda ng lugar sa over-population ng mga turista.

>Cebu- ang famous place kung saan merong mga beaches na mukang masarap magtampisaw. Isama na din ang lugar kung saan merong sky adventure thingy pati na din ang mga historical place like Magellan's cross ganyan.

>Davao- Para naman masabi ko na may napuntahan akong lugar sa may Mindanao region. Davao ang place kung saan mura daw ang mga foodies and food trippings. So isa ito sa lugar na kapanapanabiks mapuntahan at matuklasan.

Apat lang ang target ko. Natural, kelangan medyo realistic kasi 15 days VL lang ang pede. so kelangan pagmagbabakasyon, damay ang restday para makatipids.hopefully matupad ang plans at hindi mauwi sa plans lang.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

29 comments:

  1. Go for Cebu na! kami ni nieco bahala sayo dito *wink-wink*..hehehe

    keri mo yan kasi kung gusto may paraan..nomon!! ^_______^

    ReplyDelete
  2. sana matuloy ang trip mo.... alam ko maganda sa Cebu.... o sa Davao.... o sa pluto hehehe lol!

    Minsan kailangan din nating mag rest at mamasyal...

    ReplyDelete
  3. dapat 24 hours ata nakatutok sa airphil o cebupac ng di maubusan ng sale hehe, sana maka book ka at magorahan mo ang 4 mong bet puntahan. Unahin mo na ang Bora ng di ka na nalamangan ng parents mo Khants :)

    ReplyDelete
  4. go na sir.. boracay lang ang narating ko jan sa iyong nabanggit :)

    gusto ko ng cebu

    ReplyDelete
  5. Gusto ko din mabisita lahat yang nasa list mo sir khanto pero waley budget pa hahaha! masarap mag travel pag kasama ang buong family or mga dabarkads!

    ReplyDelete
  6. Agree, ang hirap maghintay ng seatsale tapos when you try to buy tix, naghahang pa ang pc kasi ang dami nyong nagkakandarapang bumili.

    Out of all the places you mentioned yung Boracay and Davao ang di ko pa narating. I've been to Cebu pero dun lang sa city kaya di ko naenjoy, parang Manila lang ang peg eh. Pero Ilocos, oh man that's the dream. Puntahan mo ang Pagudpud, sobrang ganda!

    ReplyDelete
  7. Taga Ilocos ang mga kamag-anak ng father ko, maganda sa Ilocos at napaka epic ng windmills.

    ReplyDelete
  8. pag gusto may paraan kaya wag ka nang magdahilan... kaya go go goooo

    Gusto ko ring puntahan yang nabangit mo isama mo pa ang palawan kaya lang malayo ako sa atin :(

    ReplyDelete
  9. kuya, samahan kita! basta sagutin mo lang pamasahe ko. LOLOLOL!:))) Sana mapuntahan mo lahat ng nasa list mo (or isa o dalawa man lang) para sulit ang pinagpaguran mo. TC! :D

    ReplyDelete
  10. haha aking ung eksena ko ee gusto ko mag travel pero walang pera hahaha

    ReplyDelete
  11. all the bags must be packed at bakasyon grande ang kasagutan upang mawala ang stress sa work

    ReplyDelete
  12. Sana matuloy na, dapat alerto kapag may promo yung tipong isang minuto palang napopost nakapagpabook na.

    ReplyDelete
  13. Wag na magplano masyado, baka hindi pa matuloy! Lol. Ilocos pa lang ang napuntahan ko dyan. Enjoy ser kung matuloy! :)

    ReplyDelete
  14. Balak din namin magkakaibigan pumunta ng Cebu by march or april. Pero dis feb, sa Tacloban kami, aattend ng kasal! Gudluck sa balak mong byahe! =)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???