Sunday, April 28, 2013

Iron Man 3


Yo! kamustasa?! Ilang tumbling at tulog na lungs, May na! Hombilis lang ng araw! Heniway, hopefully ay nasa mabuti kayong kalagayan at pachill-chill lungs at pa-relak-relak.

For today, mag movie review-reviewhan naman tayo. At ang peliks na bibida sa araw na ito ay ang mainit-init pa at bago pala lungs sa pinilakang tabing (honlolim ng term)..... Iron Man 3.




ISTAPS! Halt! Freeze! WOOOOOAH! Bago mo ipagpatuloy ang pagbabasa.... napanood mo na ba ang film? Sure????! Kase pag hindi pa, i-suggest na wag magpatuloy lalo na kung ayaw mo ng spoiler type of review. 

Okay na? Nakapagdecide ka na ba kung mag-iiskip-read, i-cloclose, pasyal-pasyal next tym or ipagpapatuloy ang pagbasa???










K...... Let's get it on! Let's go sago!




Magsisimula ang wento sa narration ever ni mr. mayaman about sa parang wrong move niya sa past. ichinika niya na tila nakagawa siya ng monster out of his carelessness ganyan.

Tapos flaflash na sa kasalukuyan kung saan merong parang Osama Bin Ladenish na kalaban ang naghahasik ng lagim.... Ito ay ang the Mandarin.

And so ang nangyare, umatake ang main kalaban force sa mansyon ni Iron man at nagiba ang kanyang balur. Sira-sira. Tapos tumilapown sa kung saang malayong lupalop si Ironman.

And then natulungan siya ng isang bata-batuts na pinahiram siya ng Dora watch at tumulong sa pagkumpuni ng kanyang armor.

Tapos nagkaroon ng revelation at nalaman ang tunay na kalaban sa peliks. Nagkaroon ng confrontation between the good and the bad. 

Sumugod ang mga armors ni Ironman at nakipagbakbakan at nakipaglaban sa pwersa ng kasamaan. Tapos sa bandang huli, nanalo ang kabutihan! yehey!

At dyan nagtatapos ang 3rd peliks! O ha, di masyarowng detalyado kasi gusto kong mapanood ninyo ang peliks! Worth it! 

Kahit di ko napanood ang 2nd peliks, naka-catch-up naman me sa story ng 3rd installment ng Iron Man 3. Di boring ang wents at every now and then ay may sundot ng humor ang wento. DI rin gaanong predictable ang kaganapan kaya pasok sa jar ng good film ang peliks na ito.

Score ng 9. Oo, mataas ang rating!

O cia, hanggang dito na lang muna.

Btw, pahabol, dapat daw patapusin ang end credits dahil may preview ng next na peliks (di ko na napatapos kaya clueless ako, hanapin ko na lang sa youtube!)

take Care folks!

2 comments:

  1. ito yung the best sa lahat ng iron man movies! buti na lang nagpalit ng writer at director :D

    ReplyDelete
  2. kakapanuod ko lang kasi panget ang kopya sa net ehehe since pinakapaborito ko
    yan si iron man! kaso sad ng ending kasi mas lumaki ung possibility na wala na sya sa avenger 2 anyway deserve na deserve ang rating na yan! at ang cute nung mga nendroids

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???