Last Sunday, ginanap ang celebration para sa aking 21st 24th birthday. Last month ko pa naisipang ganapin sa isang resort-resortan ang aking birthday. Bakit kamo sa isang resort? Kasi sa dami ng chikitings na kamag-anakan na gustong mag-swimming (isa na ako doon). Ako ang may sagot ng place habang sagot naman ng aking parents ang bogchi at drinks. It's decided na sa usual place gaganapin, ang 3B resort sa may Antipolo (usual kasi 4x nang dito ginanap ang okasyon like my 21st bday, graduation party at bday ng ate ko). Medyo late nga lang nabook yung place kaya ang nareserve namin ay from 3pm to 3am ng kinabukasan.
So after kong ma-explain ang naging detalye at background ng desisyon kong magpahanda ay balik na sa kwento. Since 3pm pa ang said start ng booking ay kineri pa ng powers ko na magtrabaho muna. Tanging mga ka-opisina ang makakapunta sa aking bday sapagkat alam kong iindianin ako ng mga college friends ko dahil nag-iinarte hindi makakadalo ang 2 out of 5 friendships. For the opismates, di pala nila nareceive ang email ko last month kaya nung nagspam ako ng reminder a week before the day ay tila di sila pupuwede. Anyway, that's life. Di ko naman pedeng kidnapin sila para dumalo. Mangongonsensya nalang ako sa kanila. Sabay-sabay na kaming pumunta sa venue after mag-antayan sa opis at isang mall sa pasig.
Around 5pm na ata or 6 nung makadating kami. Nakakain na ang iba sa kamag-anak at bisita kaya bumaba na kami para kumain sapagkat medyo tomguts na. Ang mga larawan sa ibaba ay mga shots ng food mula sa camera ng aking ate at inedit ko na lamang. Isinama ko na din ang larawan ng place.
View na makikita sa 3b resort
Ang pool area
Lumpiang Sariwa
Kaldereta
pampahaba ng buhay- pansit
BBQ
Fish Fillet
Chop-chop lechon
Ang mga nakadalo
After makakain ay tila time to partey na dahil inuman session na agad. Nakaka-ewan ang drinks dahil pers taym ko palang matitikman ang binili nila. Pucha, wala ang mga brands na natikman ko na noon. Walang pulang kabayong sumisipa. Wala ang always open The Bar. Wala din ang San Mig Lights. Wala din ng Gilbeys with lime mix. Di rin nag-appear si Cuervo. First time kong na-meet ang hinayupak na Bacardi at ang punyemas na Gran Matador.
tomadors
Tin and Rodem
Gerell and Marie
Ryan and Gerell
Ate Iya and Ate Gemma
Kuya Rudolph at Kuya Jojo
Buti nang at madaling tumalon sa pool at di kagad nasoplaks sa alak at nakayanan ko pang iblow ang kendels sa aking birthday cake. I-forgot to mention na isinabay din ang birthday ng pinsan ko kaya dalawa kaming kinantahan ng habirthday tuyu at parehong nagkaroon ng confetti toppings ang birthday cakes.
Dyahe much ang nangyari dahil maaga akong nabilangan ng referee at knock-out ako after ng ilang rounds ng alak. Nag-disappearing act ako at bumulagta ako sa room at nagdecide na matulog. Buti na nga lang at nagawa ko pang magpalit ng damit. After ilang hours ay may amats na din ang mga pips at nag-rest na sa rooms.
Good thing at nadaan sa pakiusapan ung caretaker ng resort at hindi kami pinaalis ng 3am. Nagkaroon pa ng kahit konting time para magpahinga at makapag-recharge ng mga tinumba ng bagyong Juan espiritu ng alak. Around 7 na kami nakaalis ng place at good thing na imbes na magbayad ng additional 400 per hour, 400 lang ang idinagdag sa extension na naganap.
Magdamag akong bagsak sa kama para ma-totally makabawi sa birthday na naganap. Wala munang dragonica at facebook. Enjoy ang birthday at sana ma-ulit pa! :D
heypi burthday Gelo! Buti ka pa happy ng mismong bday mo!
ReplyDelete@jepoy, wag kang mag-alala, magiging happy ka din today sa bday mo. 4 hours palang naman ang nakakalipas e :D
ReplyDeleteBelated parekoy! Pero nabati nadin kita db? hehehe.. may natira pa? :)
ReplyDeleteulet ulet ang greetings!!
ReplyDeletehappy birthday GELO!!!
Mukhang masaya ang may kasabay na tropa pagmagbibirthday noh???
cheers! pare koy!!
pibertdei parekoy! KAMPAY!
ReplyDelete@superb, thanks
ReplyDelete@poldo, uu, masaya
@md, ubos n pre
Belated Happy birthday!!!!!!!!
ReplyDeletehalos magka-edad lang pala tayo at magkalapit din ang birthday. Hehehe. :D
Lols, rubber glue back to you anonymous
ReplyDeletehello po :)) pwede malaman ung cotact # nung resort na yan??
ReplyDeletety