Wednesday, January 22, 2014

High School Memoirs


Ilang tamblings na lungs, pebrero na! Araw nanaman ng mga Pu... puki! Joke! Puso! Tapos nun, panahon na naman ng graduations... At next stage nanamans ang mga estudyante.

Ewan ko, biglang nagflaflashback ang mga memories ng high school life oh my high school life, every memory kay saya... So for today, pasadahan ko lang ang mga kaganapans, eksena at mga moments sa High School Life.

1. Cheetos! Ang moments na laganap na at lumalaki na ang sungays ng mga students. Eto na ang cheating moments! Eto yung kahit may ginawang seat plan ang teachers mo pero nakakagawa padin ng way ang students para makakopya. Ang mata lumalaki na parang owl, nagiging giraffe kasi humahaba ang leeg. 

2. Assignment ng isa, Assignment ng bayan! Aba, may binigay na homework or assignment ang teacher ninyo pero wala kang ginawa. Don't worry, andyan naman ang mga geeksquad para kopyahan. Instant networking... May downline ang kopyahan ng sagot.

3. Yung may part na di ka nasagutan sa exam kasi nagmamadali kang makauwi. Eto yung minsan nakasanayan mo na ang test paper ay nasa isang side lang tapos suddenly sa isang subject, naging may wierd paper na merong extra part sa likod. Deads ka ng malaman mong may 10 items na exam na di mo nasagutan.

4. Hallway ang tambayan! Kapag natapos ang subject at wala na ang teacher tapos ang kapalit na teacher ay tila nag-overtime sa kabilang section, tambay-tambay sa pasilyo. Yung eksenang nagdadaldalan at nagwewentuhan sa tv show na inaabangan ninyong mga friendships.

5. May I Go Out! Nope, hindi sa CR ang punta kadalasan ng mga umeeksena with matching taas kamay at pagkuha ng atensyon ng guro. Minsan, ang takbo ng studyante ay sa Canteen kasi tomjones na o kaya madaming nagpabili ng stick-o, skyflakes at chichirya. 

6. Masama po pakiramdam ko! Eto naman ang gawain ng kunwari ay may sakit pero ang totoo ay medyo bored lang sa subject. Ilabas ang acting prowess dahil kailangan believable ang arte mo na masama nga ang pakiramdam mo. Tapos boborlogs ka lang sa clinic or pasyal kung saan walang makakakita sa iyo like library.

7. Codename, Shaider! Eto naman ang mga gawain ng mga students na bibigyan ng iba-ibang palayaw or names ang mga kaklase or mga teachers. Andyan lalabas ang names na based sa mga famous tv show na hawig na hawig ang attitude sa taong babansagan. Lalabas ang mga names like Bakekang, Kampanerang Kubs at iba pa!

8. I will Borrow You, Borrow you wherever he will go! Ang mga kaganapan na purita at medyo makakalimutin ang mga kaklase mo na manghihiram ng aning-aning tulad ng ballpen, notebook, ruler at iba pa. Yung hiram na nagiging arbor minsan.

9. Sana Walang Pasok! Ang ganap kung saan konting ambon lang o kaya naman mabalitaan lang na may namumuong low pressure area ay nagdadasal na ng wagas ang mga estudyante na sana walang pasok! 

10. Delaying Tactics! Ang mga para-paraan upang pahabaain ang chikahan at pagwewento ng wala naman kinalaman sa topic. Eto yung moves para di na magturo pa ng additional lesson ang teachers at madalas din gawin kapag papalapit na ang break, lunch o kaya naman uwian.

Madami pa sanang High School Memories kaso sapat na siguro yang sampu na nasa itaas.

Nakakamiss din ang High School Life. hehehe. Parang Ansarap dumalaw sa dating paaralans... 

O hanggang dito na lang muna! Take Care!

5 comments:

  1. Trulili ka jan .. High School life ang pinakamasaya at pinakamakulay na part ng aking buhay he he he .... so many memories ang nabuo sa kabanatang ito ...hayzzz reminiscing time !

    ReplyDelete
  2. yung tambayan sa hallway hahahha. lagi kaming sinisita ng principal dati. gusto ko din ung CAT dati kasi nambubully kami ng mga CO's dati lol

    ReplyDelete
  3. ahahaha relate much ako lahat sa list mo sir Khants.

    gustong gusto ko nga ung ma-chikang teacher. sa kaka-chika nya, ayun di namamalayan tapos na ang isang period ng klase lol

    hindi talaga mawawala yang kopyahan sa assignments at during exams. masaya yan pag di mahigpit yung teacher nyo during exams. malaya kayong makaka diskarte sa pagkopya basta wag ka lang papahuli lol

    hahahaysss... I missed my HS life!

    ReplyDelete
  4. I miss my HS life except for the part where I got betrayed..

    ReplyDelete
  5. well tanda ko nun ee ung 1 whole paper lng binili kopara kung kelangang ng 1/4 or 1/2 tupi-tupi, onting laway-laway at punit-punit solb na haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???