Saturday, January 11, 2014

The Next


Sa isang jumbo company, merong isang matagumpay na negosyante na medyo tumatanders na. Alam niya na nalalapit na ang oras upang isuko na niya ang kanyang pwesto bilang isang CEO. Ngunit imbes na piliin niya ang isa sa mga junakis niya o kaya naman ang mga directors ng kumpanya, nakaisips siya ng pakulo. 

Tinawag niya ang mga bata-bata at freshies na executives ng company.

Boss CEO: "Hear ye! Hera Ye! Lapit mga kaibigan, at makinig kayo...."

Young Execs: "Listen up yo!"

Boss CEO: "Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko!"

Young Execs: "Listen Closely yo!"

Boss CEO: "Nais kong ipamahagi, este itigil na nga natin ang pagkanta! Let's get serious!"

Natahimik ang mga young execs sa nabanggit ng kanilang bossing.

Boss CEO: "Oras na upang ipasa ang bato este ang pwesto ko bilang CEO!  At dahil dyan..... Kailangan may pumalit sa akin! At napagpasyahan ko na isa sa inyo ang magiging .... The Next.... Pinoy Pop Superstar! Joke! The Next CEO!!"

Nawindang much ang mga yuppies! Na-shock sila na parang nakakidinig ng ungol ng nagsesex na kambing.

Boss CEO: "Pero Teka! Teka! Teka! Teka! Teka! Ganyan na ba talaga ang ugali nila! Baka naman ay nagpapakipot lang, ilabas mo na, baka mapanis laaaaaaaaaang!"

Young Execs: "Boss! Tama na ang pagkanta pleaaaaaase?!!!"

Boss CEO: "K Fine! May kundisyones! Bibigyan ko kayo ng isang Binhi.... not just an ordinary Binhi... But a special Binhi."

Young Exec1: "What's a Binhi Mama?! (boses Bimby)"

Boss CEO: "At dahil nagtanong ka, wala kang chance maging CEO! Shunga neto... Binhi is SEED! Pero joke lang... May chance ka pa! Di naman ako harsh!"

Young Exec2: "Sayungs! Iwas kakompetensya sana! "

Boss CEO: "Ehem.. Going back mga brokeback.... Kailangan ninyong itanim at diligan ang Binhi at after ng one day... joke, one year, kailangan ninyong bumalik kasama ang halaman na umusbong sa Binhi na binigay ko."

Young Exec3: "Pagkatapos po? Ano pong manyayare?"

Boss CEO: "Wala! Edi nakapagpalago kayo ng halaman! Pede na kayo magbungkal ng lupa or mag-apply as gardener! Nagmamadali ka sir? May lakad? Ayaw akong patapusin?"

Young Exec4: "Go Ahead boss, tuloy mo na ang kundisyones."

Boss CEO: "Tuloy natin... Pagkadala ninyo ng halaman or kahit na anong tumubo sa Binhi, doon ko ijujudge kung sino ang may K or ang karapat-dapat na pumalit sa aking puwesto at maging America's Next Top Model este Next CEO!"

Isa sa mga Young Execs na tinipon ng Boss CEO ay ang isang lalaki na may pangalang Nes. Isa siya sa nakatanggap ng Binhi at excited much siyang umuwi ng bahay upang ibalita sa kanyang sexy and uber hot na asawa ang nangyari.

Naghanap ng paso at lupa at nilagyan pa ng coffee grounds from Tarbaks ang lupa as some kind of fertilizer at doon itinanim ni Nes ang kanyang nakuhang Binhi. Araw-araw niyang dinidiligan at nilalagyan ng pataba at tipong pinapaarawan para makakuha ng sunlight ang Binhi.

Lumipas ang taklong linggo at sa opisina ay nagwewentuhan na ang kapwa young execs tungkol sa mga umuusbong na halaman na nagmula sa Binhing kanilang natanggap.

Nakabantay si Nes sa kanyang tinanim pero kahit na anong dilig at anik-anik fertilizer ang ilagay niya para maging nutricious ang soil ng kanyang binhi ay walang umuusbong na kahit kapranggot na bagay.

Lumipas ang ilang linggo at umabot na ng mga taklo at apat na buwan subalit walang pagbabago sa itinanim ni Nes. Nagdaan pa ang ilang araw, at ang landas mo'y naligaw, ikaw ay nalulong sa masamang bisyo at ilang buwan, ang mga tinanim ng mga kasama ni Nes ay mas lumago at naging mga halaman at munting puno na.

Hindi sumuko si Nes kaya go for the goal padin ang kanyang attitude. Dilig dito at fertilize doon ang ginawa subalit kahit katiting na butil ng pag-asa ay walang nagpapakita.

Nasa siyam na buwan na makalipas ang pagkakakuha ng binhi at nawawalan na ng pag-asa si Nes. Ang kanyang pakiwari ay napaka palpak niyang taong at tinatamaan ng kamalasan kahit walang balat sa pwet. Di niya masabi sa mga kapwa young execs ang status ng kanyang Binhi.

At dumating na ang araw ng paghuhusga. Lumipas na ang isang taon at kailangang dalin na ang resulta ng pag-aalaga ng binhi. 

Nes: "Babe, pano yan. Olats. Walang tumubo sa tinanim natin! Inalagaan ko naman ito. Diniligan at nilagyan ng fertilizer. Anyare???"

Sexy and uber hot wifey: "Hon, life's like that you know.... "

Nes: "Pero nakakahiya na magdala ako ng paso na may lupa na walang tumubong halaman/puno!"

Sexy and uber hot wifey: "Okay lang yan Hon, ang mahalaga you tried! Halika.... Ako na lang diligan mo bago ka pumasok sa opisina mo."

Nes: *Slurp.... "later na lang Babe. Pero may naisip akong paraan! Kukuha na lang ako ng halaman dyan sa center island ng kalsada at ilalagay sa paso. Odiba? Ang wise ko!"

Sexy and uber hot wifey: "Wise ka dyan Hon, that's cheating.... Gusto mo bang isipin ko na cheater ka? Kung nagawa mo magcheat sa ganyan... baka magawa mong mag-cheat sa akin..."

Nes: "Never akong magchecheat sa iyo Babe.. At patutunayan ko yan kaya hindi ako magchecheat dito sa halaman task."

Sexy and uber hot wifey: "Good! So.... tara na sa kusina Hon, diligan mo muna ang uhaw kong lumpiahhhh!"

Matapos ang pagdidilig ng ibang lupa ni Nes, pumunta na siya sa opisina dala ang kahiya-hiyang paso na puro lamang lupa at walang umusbong na halaman. Nagtipon ang lahat ng eligible candidate for the Next CEO sa isang special place kung saan andoon ang mga sari-saring halaman, puno at bulaklak mula sa iba-ibang Young Execs.

Young Exec1: "OMG! Buti di ako dinisqualify ni Boss CEO! May chance ako with my A-mazing Aratilis!"

Young Exec2: "Yeah right! As If! Ako ang may chance with my Sunflower!"

Young Exec3: "Ulul niong dalawa! Pakyu kayo! Aratilis??? Sunflower??? Wala yan dito sa Pakwan!"

Young Exec4: "Trolololol... Bakit tatlo yang Pakwan mo? Ay... Boobelya mo pala yung dalawa! Hahaha"

Young Exec5: "Pero tingnan ninyo ito mga friendships.. May isang huhubels na walang napalagong halaman!"

Young Exec6: "Emergehrd Nes!!! Ang probability mo na maging THE NEXT CEO ay ZERO!"

Young Exec7: "Baka naman kasi iba ang dinidiligan! hehehe, punasan mo muna yung lipstick sa neck mo Nes"

Young Exec8: "Kaawa-awang nilalangs"

Medyo nahihiya man, kinapalan na lang ni Nes ang kanyang mukha at apog at nag-stay sa room upang malaman ang resulta. Umupo na lang siya sa kasuluk-sulukan, sa row 4 kasama ang kanyang blankong paso.

Makailang sandali, dumating na ang Boss CEO sa opisina. Namangha siya sa diversity (wow, new word) ng mga halaman sa room. 

Boss CEO: "I've got a feeling! That tonights gonna be a good night! That tonight's gonna be a good night! That tonight's gonna be a good night! Ngayon na magkakaalaman kung sino ang THE NEXT CEO!

Naglibot na sa ang boss CEO at tinignan niya isa-isa ang mga halaman, bulaklak or munting puno na kanyang natatanaw. Makailang saglit ay nakita niya si Nes sa row4 dala hawak ang pasong walang halaman.

Pinatawag ng Boss CEO si Nes mula sa kanyang alalay at pinapunta sa harapan. Nangangatog-ngatog si Nes na lumapit dala ang kanyang pasong walang laman habang nakayuko at nadidinig ang bulungan at mga tawanan ng mga kasama.

Boss CEO: "Ano etits? este ano ito? Bakit walang laman yan? Paki-explain! Labyu!"

At ipinaliwanag ni Nes ang kanyang wento mula sa umpisa hanggang sa kadulu-duluhang detalye na inabot ng kalahating oras.

Boss CEO: "Wow! Narration teh?! quotang-quota ang pag-explain! Well, sige... notes este noted! "

Tinawag na ng Boss CEO ang atensyon ng lahat ng mga young executives upang sabihin ang mahalagang anunsyo.

Boss CEO: "At ang inyong NEXT CEO ay si... Dim the lights...and here we go.... Drumroll please!"

Makikita ang kaba at excitement sa mga young execs na nangangarap maging next CEO ng kumpanya. May ilan na naglabas ng rosaryo sa bulsa at ilan na nagsindi ng insenso at nagchachant ng tila kakaibang lenguahe.

Boss CEO: "HONESTO GALANG! Ikaw ang NEXT CEO NES!!"

Sabay sabog ng confetti sa pinagdarausan ng announcement at kasabay nito ang pagtugtog ng background music na 'pananagutan'.

Young Exex8: "Ano??????"

Young Exec6: "Huwat????"

Young Exec4: "OHHINDEEE!!"

Young Exec2: "Y ow Y!"

Young Exec1: " Are you CRAZYYYYYY?!"

Young Exec3: "Weh? Di nga? Ano to... JOKE????"

Young Exec5: "Lokohan? Siguro nagpa-chupachups at kembyular yan! Naker!"

Young Exec7: "Something fishy!!!"

Nakatutok kay Nes ang lahat ng ilaw sa silid. Nakakasilaw na liwanag ng spotlight at kitang kita sa kanyang mukha ang pagka-shock sa kaganapan.

Nes: "Ako??! Ako ang NEXT CEO???"

Boss CEO: "Hindi.... yung Janitor! May iba pa bang Honesto sa kumpanyang ito?"

"Ako po! Honesto din po pangalan ko!", isang boses ang narinig ng mga tao. At nag-iba ang liwanag ng ilaw at tumutok sa isang lalaki na nakabihis-janitor.

Janitor: "Ako po! HONESTO din po ang pangalan ko! Ako po si Honesto Dimagiba! Don't you know me?!"

Boss CEO: "Isa ka bang young execs na nabigyan ng Binhi at binigyan ng task? ha?"

Janitor: "Hindi po!"

Boss CEO: "Then go get your madapaking self ouf of this room you imbecile! GERAWT!!!! I can buy you, your friends and this bar!!"

Sabay kinuha ng Boss CEO ang paltik na nasa kanyang clutch bag at binaril ang echuserang janitor. Tinignan niya ang mga kumukwestiyon na mga young execs na tinatanong kung bakit si Nes ang Next CEO.

Boss CEO: "Okay! Gusto nio ng reason?"

Young Exec1: "YES!"

Young Exec2: "Just give us a reason!"

Young Exec3: "Jas a litel bit's enaf"

Young Exec4: "Just a second we're not broken just bent"

Young Exec5: "And we can learn to..."

Bang! Bang! Bang! Bang! 

Bumulagta ang apat na young executives na nagtangkang kumanta imbes na sagutin lang ang tanong ni Boss CEO.

Boss CEO: "Kakanta pa eh! Last Year, binigyan ko kayo ng Binhi, right?! Sabi ko sa inyo na itanim ninyo ang Binhi, diligan at palakihin. Pero ang binigay ko sa inyo ay pinakuluan ko muna ito kaya naman patay na ang binhing nakuha ninyo kaya impossible na may tumubo sa Binhing binigay ko!"

Young Exec6: "Cheater!"

Young Exec7: "Mandurugas"

Bang! bang!

Bumulagta ang dalawa pang young execs na sasabat pa at ayaw patapusin ang speech at line ni boss CEO.

Boss CEO: "Lahat kayo pwera kay Nes! Yes! All of you, except for Nes! Inglis yan para maintindihan ninyo! Nagdala kayo ng kung anik anik na halaman, puno, bulaklak, gulay at may nagdala pa ng damo! Maygas! Nung malaman ninyo na walang tumutubo sa nakuha ninyo, dinaya ninyo ito at nagpalit kayo ng Binhi! Si Nes lamang ang may tapang at matapat na nagdala ng paso na nakatanim ang tunay at legit na binhing aking binigay. Kaya naman siya ang NEXT CEO!"

Bang!

Inilabas ni Young Exec8 ang kanyang sariling paltik at binaril ang Boss CEO.

Young Exec8: "Noted! K Thanks BYE!"

>>>End<<<

Dito nagtatapos ang edited at nilagyan ng flavor na story about honesty. 

May lesson naman yung story right?!??? Hahahah.

Hope ay okay ang twisty thingy ng wents.

Take Care!

7 comments:

  1. ha ha at naaliw naman ako sa wentong ito at sa twist sa dulo he he ... ikaw na Khants !

    ReplyDelete
  2. ahahaha! putragis yan... aliw na aliw ako habang nag babasa... buti pa si ness may dinidiligan lol !

    ReplyDelete
  3. ahaha such a nice way to twist this sotry haha imba ka talaga sa gantonmg way ng kwentuhan haha

    ReplyDelete
  4. naging cool ung story hahaha

    ReplyDelete
  5. May nabasa na akong ganitong story dati yung sa Hari at mga prinsiper naman yata yung ng isang kaharian.

    Pero, i love this version. Ahahaha, ang sakit ng tiyan ko kakatawa dito mag-isa. muntanga lungs ako ahahaha :D

    Kaaliw ung twist!

    ReplyDelete
  6. Hehe natawa ako sa janitor ...hehe good nyc story

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???