Tuesday, January 21, 2014

The Uber Delayed Frozen Review

Himala! Merong Himala! Nasa atin ang Himala! Inperness, medyo sunod-sunod ang blogpost ko. Well, dahil yan sa slightly kailangan magbago.... change is constant right?

For today, movie review naman tayo. I know, i know, it's too late na pero bakit ba? E sa ngayon ko lang napanood dahil nakakuha ako ng downloaded copy. Pano ba naman, may MMFF din last decembs so walang sufficient time to watch on the big screen.

Pero, sabi nga sa kasabihang pinoy..... Better late than later! So heto na ang khanto's movie review ng Frozen.


note: walang spoiler warning ek-ek ha! May katagalans na ng slight ang peliks, so bawal po mag-inarts... haha.

Magsisimula ang wents sa batang yellow-orangish ang buhok named Anna. Niyaya niyang maglaro kasama ang kanyang sisterette, si Elsa na tila icy-blonde ang hair. 

Tapos ipapakita na may powers pala etong si Elsa. May kakayanan siyang gumawa ng snow and ice and everything nice (powerpuffish?). Kaso, sa di sinasadyang pagkakataon, natamaan ng powers ni Elsa ang kapatid.

Para mapagaling si Anna, minagic ang kanyang memory at inalter ito para di niya maalala na may powers ang kapatid. Medyo natakots naman itong si Elsa kaya di na siya naging closy-close sa kanyang kapatid. :(

Kailangan medyo may tragedy kaya nadeads ang King and Queen na pudrax at mudrax ng dalawang kiddo.

Tapos makalipas ang sing and dance number sa kantang 'Do you want to build a snowman' cheverlins, naging dalagita na ang dalawang kiddos at si Elsa, since panganay ay kokoronahan na maging Queen.


During the coronation night/day (beautcon???), aba, kumerengkeng etong si Anna kasi pers taym na makagala sa labas ng palasyo. Ayun.... nung makakita ng lalaking naka tights at may pagkakahawig lang ng mga likes and stuff ay nagdecide na papakasal kaagad. 

Yung totoo??? PBB TEEEEEEEEEEEENS! 
Pagkakita agad, kasal na?? Agad-agad??

Nung pinaalam ni Anna ang paglalanding ginawa niya at pasyang magpakasal sa lalaking kakikilala niya pa lungs, kumontra si Elsa. Una ay dahil agad-agad nga. Pangalawa ay ang takot niyang malaman ang kanyang lihim na freezing powers.

Eh, anong magagawa ng nangangating vajayjay... ayaw ni Anna ang pagpigil ng sisterette niya. Ayun. Argue to the max hanggang sa nabunyag ang kinatatagong lihim ng prinsesa (sounds like the title ng isang blogseries ah??? lols.)

Ayun, escape at tumakas si Elsa at medyo lumayo at kumanta-kanta ng 'Let it go, let it go' chenes. Kaso, di niya alam na ang powers niya ay nagpa-let-it-snow-let-it-snow-let-it-snow ng buong kaharian. 

To save the kingdom, nagpasya si Anna na makipag-heart to heart sa kanyang sisterette para huminto na ang taglamig. 

Dito ay naglakbay si Anna at hihingi siya ng tulong sa isang guy na may kasamang moose. So nagdora the explorer sila.


Anong nangyare??? SECRET! hahaah. Joke lang. Sa paglalakbay, makikilala nila ang isang frosty the snowman named Olaf at ito ang nagbigay ng fun scenes.


At dito ko puputulins ang wents! Nyahahaha. Pero ang masasabi ko ay pasado ang peliks na ito for me.

May khanto-score ito na 9 kahit na di ako fan ng mga musical thingy films. Maganda at okay ang pelikula. Sa habang 1 hour at 30 mins. ay sulit naman ang concrete ang story. Walang uber-uber super duper bad guy. 

Avail na to sa suking piratahan malamang or sa suking downloadan kaya kung di nio pa napapanoods, go na! 

O sya, hanggang dits na lungs muna me. Take Care!

Note: ang mga larawang ginamit sa post ay di ko pagmamay-ari.

6 comments:

  1. the old Disney is back sa film na to!

    ReplyDelete
  2. nakakaaliw na post mapanood nga

    ReplyDelete
  3. I was never really a fan of animated movies but this one made me feel like a kid again :)

    ReplyDelete
  4. super fan ako ng movie na to, di ko masasabing exciting sya as other pero meron sa movie na to na nakakahook!
    lss din ako sa let it go at do you want to build a snow man
    at elibs ako sa powers ni elsa and sa sinabe nyang sumapal sa lahat ng disney princesses

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???