Ambilis ng panahon! Imagine, last month nagstart ang January, ngayon March na! Joke! Alam kong ganyan ang linyahan ng mga bitterano kapag sumasapit na ang buwan ng mga pu.... puki este Puso.
Pero doncha worry, di ako kabilang sa mga ganyang ganap. Tanggap ko na ang singleness moment and i'm okay kahit walang lablayp, di ko naman ikamamatay yun hahahah.
Heniway for today, I will share another Korean Series na aking nipaanood nitong katatapos ko lamang na weekend (na weekdays hahahah).
Magsisimula ang wento sa dalawang Ajjusshiiii. Sila ay nasa isang train station kemerut at matatauhan ang dalawa na sila ay na ♫♪♫Tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi♫♪♫. Flashback ng buhay ng dalawang guys.
Nadead Failon na ang dalawa at nalaman ang kanilang kapalaran... Going to Heaven ang byahe nila. Pero tumugtog along the train station ang kanta ni Idol....
♫♫Di ko kayang Tanggapin♫♪
Di tanggap ang kanilang biglaang pagkamatay at feel nila huhubells ang mga naiwanan nilang fambam. So they make jump out of the Thomas the train to busan at nakausap sila ng isa sa mga bantay ng langit.
Binigyan sila ng chance para makabalik sa lupa para sa kanilang unfinished business... kung ano man iyon. Pero isang shocking twist ang ganap.
Syempre, nailibing na ang katawang lupa ng dalawa kaya di na sila pede bumalik sa kanilang shake body body dancer. Kaya ang ganap ay nailagay sila sa different body.
Si unang Ajjushiiii ay napunta sa isang katawang lupa ng isang hunky hunk ni Rain after mag military service. While the other ajjushiii ay napunta sa isang sexy gurly bodeh. (check image above).
Pero pero peroppi... may rules na kailangang sundin ang dalawang guysh na nakabalik sa lupa. Bawal nilang ibukelya ang kanilang tunay na katauhan, bawal silang maghiganti at bawal silang mangealam masyarow sa buhay ng may buhay.
Yan ang synopsis ng serye pero may ibang ganap sa story katulad ng:
1. Ang jusawa ni unang ajjushiii ay tila binabakuran ng ibang guy (which will turn out na ex-lover ng asawa).
2. Si other ajjushiii ay inlababo sa isang girlay na di niya nagawang ipaglaban noon at nasa kamay na ng ibang guy subalit nag-uundergo sa distress ang dansel.
3. At ang string of fate na konektado pala ang buhay ng dalawang ajjushi.
Maganda at nakakatuwa ang serye na ito. Medyo light at medyo comedy na may nakakainis din na characters pero hindi uber nakakabadtrip in a way na mabwibwisit ka ng bongga. May kilig at nakakaluhang moments.
Isang recommended series.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???