Wednesday, August 20, 2014

Barbers Tale

Midweek na! At eto ay ang aking persday op work. Wednesday is the new Monday for me eh. Ganun talaga kapag kakaiba ang work schedule.

Anyway, for today, review-reviewhan nanaman para sa peliks na aking nipanood nitong nagdaang restday ko. Nope, hindi ito tungkol sa apat-dapat-dapat-apat na kumpare ni Pong Pagong. Hindi rin ito yung peliks tungkol sa asawa ni Richard Gomez na si Lucy. Ang peliks ay ang film na pinagbidahan ni Eugene Domingo, ang Barbers Tale.


Ang story ng pelikula ay iikot sa isang babae na itatago natin sa pangalang Marilou. Si Marilou ay ginampanan ni Eugene Domingo.


Madaming saklap moments ang pagdadaanan ni Marilou. Mula sa panahong 1975 kung saan medyo oldies ang pamumuhay at ang bayan ay under ng Martial Law.

-Minamaliit ng asawa,
-Tumitikim ng puta ang asawa
-Walang anak dahil patay na ito.
-Naging balo (widow) dahil namatay ang asawa
-Dalawa tao lamang ang tinuturing na kaibigan
-Ninang ng isang binata na sumapi sa NPA/rebelde
-Pinakiusapan na tumulong gumamot sa isang sugatang NPA/rebelde
-Ang tinulungan niyang rebelde ay kapatid ng pokpok na tinikman ng asawa
-Nagkaroon ng bagong friend sa katauhan ng asawa ng mayor
-Namulat sa kabaluktutan ng gobyerno at lihim ng mayor
-Namatayan ng kaibigan (asawa ni Mayor)
-Pinatay si Mayor
-Nagtago sa militar

Ang hirap isalaysay ang detalye ng wento kasi medyo kamplicated. Hahahaah kaya naman binullet form ko na lungs.

Maganda ang film dahil simple pero may kurot at may sundot ng konting komedya, may konting laman at merong budbod ng kaalaman at pagbubukas ng isipan.

Pinakita dito ang side ni Marilou bilang isang asawa, ninang, kapitbahay, kaibigan, barbera at isang namulat sa mali ng gobyerno.

Ibang Eugene Domingo ang nasaksihan ko sa film dahil hindi yung usual na palengks type acting na loud and bubbly and jolly ang ginampanan ni Uge. Imbis, medyo silent, subtle at demure type ang peg.

Pero iba ang atake sa pagdrama lalo na yung part na nagfocus sa mukha ni Uge yung camera tapos tumulo yung luha niya.

Di rin nagpatalo ang husay ni Iza Calzado na gumanap bilang asawa ng mayor. Magaling din ang acting prowess. With matching g2g kissing.


Ganun din ang friend ni Marilou sa peliks na ginampanan ni Gladys Reyes. Mahusay.

Bibigyan ko ng 9.5 ang peliks. Kakaibang pelikulang pinoy na napanood ko.

O sya, hanggang dito na lungs muna.Take Care folks!

3 comments:

  1. Madami-dami akong naririning tungkol sa Barber's Tales. Salamat sa review.

    ReplyDelete
  2. maganda ang reviews ng karamihan about this movie, lalo na sa superb acting ni Uge :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???