This week, isang araw lang ang restday ko dahil magkakaroon kami ng team building cheverlins sa darating na saturday. At dahil 1 day RD lungs ako, kelangan magsulit ng araw kaya naman aside sa pagpunta sa divisoria sa pagcheck ng possible ng regalo sa bday ng aking inaanak, nanood ako ng movie.
Dahil may nagsasabing shonget at may nagsasabing maganda ang Ninja Turtles at Rouruni Kenshin, nagtry ako manood ng pelikulang pinoy. Oo, tagalog film ang pinanood ko.
Ang name ng film ay 'Chalk Buck end Yore Did'. Joke, Talk Back and You're Dead ang title nito na hango sa isang libro/wattpad story tulad ng Diary ng Pangit at She's Dating the Gangster.
Ganto ang synopsis ng peliks. Sa isang mall, may agaw eksenang pangyayari dahil may isang girlay na kinoconfront ang jowa niyang two-timer. Sa isang bookstore, yung bidang babae name Sam ay nakita na ang kanyang friendship ay yung babaeng gumagawa ng moments.
So to the rescue ang peg ni Sam at pinagtanggol ang kanyang friend against sa gwapong lalaki. Sa kasagsagan ng eksena, nasampal niya yung lalaki sabay umeskapo sila.
Then napag-alaman na joke at prank lang nung friend niya yung pag-eeksena. And the unfortunate thing ay yung lalaking sinampal niya ay kilalang notorious na gang leader ng mga boylets na galing sa all-boys school called Lucky 13.
Pagkatapos noon, pinuntahan siya sa kanilang all-girls school at hinahanap siya ng grupo ng mga kalalakihan. Tapos ay biglang tinanong siya noong lider ng gang na maging girlfriend siya.
Then medyo hate-hate muna ng slight pero nadevelop din si girl kay guy kahit badboy-badboy ang peg. Then may kilig moments and stuff like that.
Pero it turns out, against ang family ni girl na may relasyones si girl kay Gang leader. At ipinagkasundong ipakasal si girl sa right-hand-man ng leader ng gang named Red.
Pero me against the world ang peg and cheverlins pero sa huli, sila pa din ang nagkatuluyan.
The End.
Rating..... 7.2! Yah! 7.2 lungs at lumelevel lang ang peg like the She's Dating the Gangster.
reasons bat ganon?
Una, nabasa ko yung first half ng book at based sa nakita ko, may mga discrepancy sa ilan sa moments na kinuha at pinulot sa book1.
Then, the set of actors... Gaaaahd. It's the same casts from Diary ng Panget! From the core bida like James, Nadine and Yassi (si Andre Paras lang ata ang wala at pinalitan ni Joseph Marco) to the kikay girls from DnP, to the other guy at si Candy Pangilinan. Sana pumili ng ibang mga tao naman...
The story plot ng book at movie ay medyo magulong ewan na cliche'ish and stuff. Gansters nanaman? Tapos medyo mababaw at paspas ang bandang flow.
Pero infairness, kaya lamang ng .2 ang score ng Talk Back sa She's Dating ay dahil mas may chemistry ang Jadine kesa Kathniel. Iba yung on sceen labteam nila. Bagay naman kay Joseph Marco yung role na Red na sa tingin ko ay di akma kung napunta kay Andre Paras (if full DnP cast ang kinuha).
Abangan na lungs ng slight sa Dvd. lols.
Siguro mas bagay ang cast kung sa librong 'Para sa Hopeless Romantic' sila inilagay.
O cia, hanggang dito na lungs muna.
Take Care!
Gusto ko sana syang panoodin sa sine kaso parang iintayin ko na lang ang copy sa internet. Ganun din kasi yung reaksyon ng kapatid ko. Hmp. :)
ReplyDelete