Thursday, December 10, 2009

Jollibee Mascots!





Di ko lam kung bakit bigla nalamang pumasok sa isip ko na mag blog tungkol sa Jollibee mascots. Marahil ito ay dulot ng pagdalo ko sa kaarawan ng aking inaanak. Naaliw ako kahapon sa pagsayaw ni  Jollibee kaya medyo ginanahan nadin ako na maisulat ang mga naging kasamahan nia o ang iba pang mga mascot na nakilala ko noong ako ay musmos pa lamang.

Sisimulan ko mula sa mga naunang mascot na ngayon ay di na lumalabas at pinapakilala sa madlang tao.

1. Lady Moo- Si lady moo ay hindi mascot look-alike ni lady gaga. Sya ay ang mala ballerinang baka na nakasuot ng asul na damit mula sa larawan sa itaas. Sya ang kumakatawan sa mga beef na ginagamit sa mga burger ng Jollibee.  Pero base sa wiki, sya ang nagrerepresent din sa milkshakes.

2. Mico- Si Mico ay isa din sa mascot na hindi na lumalabas sa kahit na anong Jollibee party. Sya yung mala batang naka-jumper na may sumbrerong hugis softdrink plastic cup. Isa ito sa mga paborito kong karakter noon.



3. Chickie- Sa pangalan pa lamang, alam mo na kung anu ang produktong kanyang nirerepresent. Isa syang Chicken joy. Sya ang manok ni San Pedro. Eto ang manok na simputi ng pulbos. Eto ang chick na kalabang mortal ni Chuckie ng KFC.



4. Champ- Si Champ ay ang kumakatawan sa produktong jumbo burger ng Jollibee; ang champ. Sya ay mala boksingero na hamburger na may dilaw na kapa. Di ko alam kung bakit natanggal sya sa line up ng mga mascot ng jollibee. Marahil ay nagwagi sa puso ng tao ang karibal niang gentleman na si mr.yum.



5. Popo- Fries? ayan ang kinakatawan ni popo. Siya ang taong patatas. Buhok palang, alam mo na puro hiniwang patatas at hindi kamote ang kanyang alok na pagkain.



6. Mr. Yum- Ang nanalo sa popularidad laban sa karibal na sandwhich burger mascot. Pinataob nia ang kamao ni Champ. Sya ay kilala sa kanyang blue tuxedo o kaya naman ay ang taong naka suspenders. Paborito ko din sya.



7. Twirlie- Eto ang babaeng mascot sa Jollibee na nakilala dahil sa kanyang scandal. Eto ang babaeng ice cream. Kilala sa maikling palda at pigtails. Siya ang umagaw kay Jollibee mula sa kulot na buhok ni Hetty. Ika nga sa kasabihan, daig ng malandi ang maganda, kaya ayun, soplaks si Hetty.



8. Hetty- Ang babaeng kulot salot. Sya ang naka jumper na pink na parang pajama na ewan. Sya ang laging partner ng haliparot na bubuyog subalit kinaliwa at naiwang luhaan. Si Hetty ang kadalasang idol ng kababaihan.



9. Jollibee- Sino ba ang di nakakakilala sa kangkarot na bubuyog na kung anu-anung sayaw na ang naisayaw sa mga birthday party. Sya ang nakilala sa youtube dahil sa mascot scandals nia.


Wednesday, December 9, 2009

Piyesta sa Bundok!



Kahapon, kami ay namundok kami upang makisaya sa piyesta ng Antipolo. Ako kasama sila Rodem at si Marie ay dumayo upang makikain sa aming kasamahan na si Jeff.

Mga bandang ika-anim na ng gabi kami nakadating at  kami ay sinundo sa napagkasunduang lugar..... ang Petron gasoline station. Mula sa gasolinahan, kami ay sumakay sa tricycle at nagtungo na sa tahanan nila Jeff. Bumungad sa aming mga mata ang bonggang tahanan kung saan ito ay napapalibutan ng makukulay na ilaw at makulay na parol. Sa loob ng bahay ay ang kanilang christmas tree at sa ibaba nito ay si rudolph at si Santa Claus.

Nakakalula sa dami ng putaheng nakahain ang tumambad sa aking harapan. may Lumpoang ubod, lumpiang shanghai, kare-kare, chicken teriyaki at dalawa pang chicken and pork dishes. Nasa hapag kainan din ang desserts tulad ng gelatin at leche flan. Kami ay nabusog ng todo-todo sa sarap at dami ng handa.

Matapos makapagpababa ng kinain, kami ay tumuloy sa bayan mismo upang makita ang kanilang magagandang palamunting pamasko. Mukang may concert sa plaza nila kaya kami ay nagtungo sa Ynarez center upang tingnan ang perya. Madaming palaro ang masasaksihan dito, may color game kung saan ihahagis ang bola at kung saan matapat na kulay, un ang magwawagi. Meron din na ring toss game at shooting game. Meron din ang running light at bingo. May palaro din sa paghagis ng mamiso upang isakto sa squares na nasa tabla. Mayroon ding PS3 games na huhulugan mo ng limang piso upang makalaro ng 12 minutes. May mga rides din tulad ng ferris wheel, horror train, flying elephant, merry-go-round at catterpillar. May mini-tiyange din kung saan may mga nagbebenta ng piratang dvdm damit, laruan, bag at mga tsinelas at sapatos.

Matapos makapagliwaliw, kami ay naghanap ng maiinom na kape. Walang malapit na Starbucks kaya kami ay nagtungo sa bago sa aming panlasa at paningin, ang Seisha. Masarap naman ang Frap nila kaso wala silang variety ng sizes. Nakakabitin ang sukat ng inumin pero oks naman pagdating sa timpla at lasa. Dito sa kapihan na ito ay nagkaroon ng kwentuhan.

Nakauwi ako mga alas-onse na ng gabi pero masasabi ko na sulit ang pamumundok...


Tuesday, December 8, 2009

MELASON!



Sa Pinoy Big Brother Double Up ay mayroong nabuong pagtitinginan. Isang samahan na nagsimula sa paglipat ng babae mula sa House B patungo. Ang pagsasamahan na nabuo sa kulitan lamang sa loob ng bahay ay unti-unting napupunta sa matamis na pagtitinginan.

Melason! Ang tawag sa tambalan ng dalawang housemate na dahan-dahang nagkaroon ng chemistry. Ang pagsasama ng isang pilyong lalaki at ng isang madaldal na babae. Ang dating puro kabulastugang pagsasama ay nauuwi sa pagmamahalan?

Over-over! Yan ang katagang madalas marinig sa bibig ni Melai tuwing makikita sa telebisyon. Unti-unting nahulog ang loob sa binatang lagi siyang pinag-tritripan. Samantala, si Jason ay nahulog ang damdamin dahil si Melai ang nagbibigay ng ngiti at saya sa kanyang pagtira sa loob ng bahay.

Kagabi ay ipinakita ang pagdadate ng dalawa kung saan sa tulong ng ibang housemate ay kinidnap si Melai at iniwan silang dalawa ni Jason upang makakain at makapag tapat ng nararamdaman. Nagulat at di makapaniwala si Melai dahil ang kanyang depensa ay di naman sya kagandahan at baka nagtritrip lang si Jason. Umamin si lalaki na nung una ay di nia tiyak ang nararamdaman dahil baka epekto lamang ito ng closed environment pero mukang talagang tinamaan na ni cupido ang puso nito.

Abangan ang kahahantungan ng tambalang Melason.

Monday, December 7, 2009

Weekend Balita



Nitong nakaraang Biyernes, kami ay umuwi sa aming probinsya upang dumalo sa 1st death anniversary ng aking lola. Ang totoo nyan ay dapat november pa ang anniv pero sa di ko mawaring dahilan ay dapat daw 13th month after the death ang pagpapababang-luksa.

Nagbyahe kami gamit ang kotse ng aking ate. Mala-sardinas mode kasi madami kami at medyo may kalalakihan ang katawan. Sa isang kotse ay pinagkasya namin ang 7 kaao. Tipikal na ang ganitong sitwasyon dahil ugaling pinoy, basta mapagkakasya, keri lang. Ate ko ang nagmamaneho. Ang aking tito at ang bunso niang anak na medyo bata pa ang nasa harap. Ako, dalawang pinsan at tita ko ang nasa likod. Nakakatawa kasi tanging ako at ate ko lang ang magkapamilya. Nauna ng umuwi ang mom ko habang ang dad ko ay susunod nalang-komyut mode. Takot ding sumakay si mami at dadi sa sasakyan pag si ate ang magmamaneho kasi first time lang ni ate na byabyahe papuntang probinsya. Nag stop over kami sa may shell upang magpagasolina at kumain.

Nakarating din kami ng ligtas! hooray! At nagsimula na ang pagbagal ng oras. Bakit ko nasabi? Dahil sa halos di naaabutan ng sibilisasyon ang probinsya, wala kang magagawa kundi tumunganga. Dala ko nga ang laptop ko at namili ng dvd upang may mapanood subalit sa dami ng bata na usisero, di ka naman makapanood ng tama. Dahil di padin gawa ang bahay namin sa probinsya ay walang matinong mapwepwestohan upang makanood. Isa pang dahilan ay nagrenta ng videoke ang tita ko kaya napaka-ingay sa kapaligiran.

Natapos ang Sabado na halos walang magawa sa buhay kundi tumambay, matulog, maki-usi sa kakataying baboy para sa handa, magpalakad lakad sa kalsada, magpunta sa bukid at magpicture at kumain.

Linggo, ang araw kung saan itinakda ang huling araw ng padasal. Eto rin ang inaantay ng buong baryo dahil sa tuwing may babang-luksa, may tsibog. Ang mga putahe na inihanda ay Igado(parang adobo), pininyahang manok, sweet and sour fish, fish fillet, lechon kawali. May softdrinks na kasama at salad pa. Grabe, di ko lubos maisip na andami pala sa baryo namin, parang nagsilabasan ng marinig ang paputok na hudyat ng kainan dahil tapos na ang dasal. Pila-balde kung tatawagin ng iba. Hindi naman simot todo kasi madami namang hinanda, un nga lang, nagkaubusan ng softdrinks at salad sa di nakontrol na pag-ulit at pag-doble ng iba.

At mabagal padin ang oras. Papauwi na kami ng magkaroon ng pagtatalo at away sa pagitan ng aking ate at pinsan. Dahil nga siksik kami sa kotse, sinasabi ng tita ko na makisabay sa kamag-anak ang aking pinsan dahil wala naman syang pasok kasi di sya nag-aaral. Binibiro pa sya na maiwan na lamang sa probinsya. Aun, napikon at biglang sinabi na mabangga sana ang sasakyan. Narinig ng ate ko at nagalit syempre. Sino ba namang matinong tao ang sasabihin yon kung saan sasakay ang halos buong pamilya nia sa sinusumpa nia na madisgrasya. Ang hampas ng dila ay mas masakit ika nga sa ibang aklat kaya nag-init lalo ang pagtatalo. Sa mga binibitawang salita ng parehong apoy ay lalong nagningas at lumalaki ang away. Mula sa putang ina, leche, tarantado, gago, bobo, tanga, walang kwenta ay mas lalong duduguin ang tenga mo. Walang nais magpatalo sa dalawa kaya kaya todo padin ang alitan. Hangin, yan ang inilalabas ng dalawang taong nagpapataasan ng ihi sa isa't isa. Nagsisisihan at nagpapayabangan. Pareho ding nagsisiraan at naglalabasan ng kung anong pintas ng kapwa.  Humantong pa nga sa nais manghampas ng kung anung bagay ang pinsan ko.

Ayokong idamay ang sarili at gumitna dahil pareho silang may kasalanan. Parehong makitid at marupok. Ayokong sirain ang araw ng kahit paano ay oras ko upang makapagpahinga. Hinayaan ko na lamang na ang mga nakatatanda ang umawat sa nagbabanggaang Pula at Asul na apoy. Upang makatulong na lamang ay imbes na sumakay ako sa kotse at hayaang ang aking magulang na magkomyut, ako at ang aking ama na lamang ang nagdesisyon na umalis at mag bus. Maaari kasing magkaroon pa ng pagtatalo ang ate ko at tita ko tungkol sa away dahil kabisado ko ang ugali ng ate ko na maaaring magdadadakdak pa at kung anu-anu ang masabi. Kilala ko din ang aking tita na isa ding taong apoy na maaari ding sumabat at magkaroon ng pagtatalo habang nasa biyahe kaya mas mainam na ang mami ko ay kasama sa kotse. Ang pinsan ko naman na nakaaway ng ate ko ay kasama namin sa bus.

Aun, ang weekend na magulo at nakakabagot. Tapos. Walang gaanong larawan kasi di ko pa nablublutut at nakukuha ang mga larawan.

Friday, December 4, 2009

Naruto and One Piece


Kahapon ko pa sana nais ilagay sa blog ang dalawang bagong kabanata sa aking inaabangang anime. Kahapon ay inilabas na nga sa Onemanga.com ang bagong yugto:


Ang pangyayari sa One Piece ay lalong tumitindi. Balak na ng mga marino na kitilin at tapusin na si Ace subalit nailigtas ito ng di inaasahang tao. Si Ace ay niligtas ni Crocodile na naging kalaban ni Luffy noon. Sa di inaasahang pagkakataon, napugot ang ulo ni crocodile dahil nasa likuran nia si Don Flamingo na isang Shikibukai at may matinding lakas. Mabuti nalamang at may kapangyarihan si Crocodile na maging buhangin at katawan. Samantala, si Luffy ay dehado laban sa isang Admiral ng Marino na may kapangyarihan ng yelo. Si Luffy ay tinulungan ng isa ding Shikibukai na si Hancock boa. Tumulong din sa laban ang kanang kamay ni Whitebeard. Binitin ang istorya sa parte kung saan ang lolo ni Luffy na parte ng marino at isa ding kasama nia ay mapapasabak sa digmaan laban ang mga tauhan ni whitebeard.



Dumako naman tayo sa kwento ng Naruto. Dito ay ibunyag ni Sai (isa sa ka-team ni naruto) kung bakit nagpanggap si Sakura na may pagtingin ito sa bida. Nalaman na nais ng mga kababata ni Naruto na hulihin at tapusin na ang traydor nilang kasamahan na si Sasuke. Dito din ay mukang mapapalaban si Danzo at maglalabas ng gilas.

Wednesday, December 2, 2009

Madam Gloring!



Nagdesisyon na si Erap na tumakbo sa halalan, at heto at may desisyon na din si madam. Nakapag-isip-isip na daw sya at nais nia daw pagsilbihan ang mamamayan ng kanyang tinubuang lugar, ang Pampangga (mukang mali ispelling).

Kagabi, napanood ko sa balita na sya nga ay nais kumandidato bilang kinatawan sa kongreso. Nais niang kumandidato sa mababang posisyon dahil matatapos na ang termino nia bilang pangulo.

Para sa akin? dapat ay di nalang sia tumakbo dahil baka mapagod sya. Pwera biro, dapat ay tumigil na sya. Ang byahe sa paglilingkod sa bayan ay dapat matapos sa pagka-pangulo. Ang mga taong nais paglingkuran at pagsilbihan ang bayan ay dapat magsimula sa kanilang maliit na lugar muna hanggang mapalawig ang kakayanan at ang katapusan ng paglilingkod ay matapos pagsilbihan ang buong bansa. Ang opinyon ko ay dahil takot sa maagang kamatayan ang mga kandidato ay sabik sila na lumukso at tumalon sa mas mataas na baitang na hindi nila lubos na naiiintindihan ang problema ng maliliit na mamamayan.


Tuesday, December 1, 2009

Noon at Ngayon.




Mahigit isang taon na din mula ng ako ay napadpad at napabilang sa Team Bravo. Isang taon na din at marami ng pagbabago ang nagyari.

Una, mula sa kapayatan ko, ako ay lumobo. Parang boom. imbis na pumutok, nabombahan ako. Lumipas lang isang taon at grabe ang sumpang inabot ko. Ito ay dulot ng pabago-bagong eating patter, drinks gallore at fastfood to the max. Sa baba ang larawan ko before and after 1 year.




Dito sa larawang ito makikita na ako ay isa pa sa uri ng okay-okay lang na pangangatawan. Natatandaan ko na ang pantalon ko dito ay nasa size 34 lamang. Ang jacket na suot ko ay Large ang sukat.














Ang larawan naman na ito ay kuha lamang mga dalawa o tatlong Linggo palang ang nakakaraan. Dito ay makikita na tumambok ang pisngi ko, kumapad na din ako. Sa ngayon, ang size ng pantalon ko ay nasa 38 na. Ang sukat ng damit na sinusuot ay 2XL.








Nakakatawa kasi sa maikling panahon na nailagi ko sa mundo ng mga taong tumatayo na sa sariling paa ay malaki na ang pinagbago ko sa pisikal na anyo.

Marami pa sana akong isusulat subalit medyo di nakikibagay ang computer (Test machine) na ginagamit ko kaya hanggang dito nalang muna.