Thursday, December 10, 2009

Jollibee Mascots!





Di ko lam kung bakit bigla nalamang pumasok sa isip ko na mag blog tungkol sa Jollibee mascots. Marahil ito ay dulot ng pagdalo ko sa kaarawan ng aking inaanak. Naaliw ako kahapon sa pagsayaw ni  Jollibee kaya medyo ginanahan nadin ako na maisulat ang mga naging kasamahan nia o ang iba pang mga mascot na nakilala ko noong ako ay musmos pa lamang.

Sisimulan ko mula sa mga naunang mascot na ngayon ay di na lumalabas at pinapakilala sa madlang tao.

1. Lady Moo- Si lady moo ay hindi mascot look-alike ni lady gaga. Sya ay ang mala ballerinang baka na nakasuot ng asul na damit mula sa larawan sa itaas. Sya ang kumakatawan sa mga beef na ginagamit sa mga burger ng Jollibee.  Pero base sa wiki, sya ang nagrerepresent din sa milkshakes.

2. Mico- Si Mico ay isa din sa mascot na hindi na lumalabas sa kahit na anong Jollibee party. Sya yung mala batang naka-jumper na may sumbrerong hugis softdrink plastic cup. Isa ito sa mga paborito kong karakter noon.



3. Chickie- Sa pangalan pa lamang, alam mo na kung anu ang produktong kanyang nirerepresent. Isa syang Chicken joy. Sya ang manok ni San Pedro. Eto ang manok na simputi ng pulbos. Eto ang chick na kalabang mortal ni Chuckie ng KFC.



4. Champ- Si Champ ay ang kumakatawan sa produktong jumbo burger ng Jollibee; ang champ. Sya ay mala boksingero na hamburger na may dilaw na kapa. Di ko alam kung bakit natanggal sya sa line up ng mga mascot ng jollibee. Marahil ay nagwagi sa puso ng tao ang karibal niang gentleman na si mr.yum.



5. Popo- Fries? ayan ang kinakatawan ni popo. Siya ang taong patatas. Buhok palang, alam mo na puro hiniwang patatas at hindi kamote ang kanyang alok na pagkain.



6. Mr. Yum- Ang nanalo sa popularidad laban sa karibal na sandwhich burger mascot. Pinataob nia ang kamao ni Champ. Sya ay kilala sa kanyang blue tuxedo o kaya naman ay ang taong naka suspenders. Paborito ko din sya.



7. Twirlie- Eto ang babaeng mascot sa Jollibee na nakilala dahil sa kanyang scandal. Eto ang babaeng ice cream. Kilala sa maikling palda at pigtails. Siya ang umagaw kay Jollibee mula sa kulot na buhok ni Hetty. Ika nga sa kasabihan, daig ng malandi ang maganda, kaya ayun, soplaks si Hetty.



8. Hetty- Ang babaeng kulot salot. Sya ang naka jumper na pink na parang pajama na ewan. Sya ang laging partner ng haliparot na bubuyog subalit kinaliwa at naiwang luhaan. Si Hetty ang kadalasang idol ng kababaihan.



9. Jollibee- Sino ba ang di nakakakilala sa kangkarot na bubuyog na kung anu-anung sayaw na ang naisayaw sa mga birthday party. Sya ang nakilala sa youtube dahil sa mascot scandals nia.


9 comments:

  1. mr.yum naging yum na ngayong2008-2020

    ReplyDelete
  2. kakamiss, childhood days... im 28 now but lumaki ako sa mascots ng jollibee at gusto ko ang collecti-doll na ito sana mag slae sila ng mga lumang toys ng jollibee. fave ko si champ.

    ReplyDelete
  3. kainngit, halos kumpleto ka ng collecti-doll toys ng jollibee, ako si twirlie at mico lng e.

    ReplyDelete
  4. hahahaha! this is my fav part! hahaha! batang jollibee din akong erly 90's kaya lahat cla naabutn ko my pic p nga ako ng sumasayaw n lady moo dti ng anniversary ng uniwide which is wala n din ngaun!

    ReplyDelete
  5. Oooh!! I love JOlibee mascots.. ang kykyut nila! Pero dati, alam mo bang takot ako sa mga mascots? Feel ko lang mag-share, Angelo... hayaan mo na lang me. hehe..

    Basta, bata pa ako nun, may takot nako sa mga mascots and clowns. Hindi ko nga din maintindihan kung bakit, pero kapag nakakakita ako ng clown (or mascot), nanginginig na tuhod ko sa takot. Grade school na yata ako nang ma overcome ko ang takot na yun.. Kasi madalas nakong nagbibisita sa Jolibee. hehe.. Family hang-out kasi..

    Sa birthday daw ni Carlo, ako sa Twirlie!! eeee!! Exciting naman yun! I love kiddie parties! hehehe...

    ReplyDelete
  6. @leah, kapareha mo ka-opis ko, takot sa maskot. Kapag may jalibi sa mall, umaalis sya sa takot

    ReplyDelete
  7. si lady moo di ko kilala hehehe

    ReplyDelete
  8. Wee kilala ko silang lahat! Favorite ko rin noon si Mico, at noon iniisip ko kung anong food ang nirerepresent ni Jabee

    ReplyDelete
  9. sna maibalik yung mga nwalang jollibee mascots...nkka-miss tlga.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???