Nitong nakaraang Biyernes, kami ay umuwi sa aming probinsya upang dumalo sa 1st death anniversary ng aking lola. Ang totoo nyan ay dapat november pa ang anniv pero sa di ko mawaring dahilan ay dapat daw 13th month after the death ang pagpapababang-luksa.
Nagbyahe kami gamit ang kotse ng aking ate. Mala-sardinas mode kasi madami kami at medyo may kalalakihan ang katawan. Sa isang kotse ay pinagkasya namin ang 7 kaao. Tipikal na ang ganitong sitwasyon dahil ugaling pinoy, basta mapagkakasya, keri lang. Ate ko ang nagmamaneho. Ang aking tito at ang bunso niang anak na medyo bata pa ang nasa harap. Ako, dalawang pinsan at tita ko ang nasa likod. Nakakatawa kasi tanging ako at ate ko lang ang magkapamilya. Nauna ng umuwi ang mom ko habang ang dad ko ay susunod nalang-komyut mode. Takot ding sumakay si mami at dadi sa sasakyan pag si ate ang magmamaneho kasi first time lang ni ate na byabyahe papuntang probinsya. Nag stop over kami sa may shell upang magpagasolina at kumain.
Nakarating din kami ng ligtas! hooray! At nagsimula na ang pagbagal ng oras. Bakit ko nasabi? Dahil sa halos di naaabutan ng sibilisasyon ang probinsya, wala kang magagawa kundi tumunganga. Dala ko nga ang laptop ko at namili ng dvd upang may mapanood subalit sa dami ng bata na usisero, di ka naman makapanood ng tama. Dahil di padin gawa ang bahay namin sa probinsya ay walang matinong mapwepwestohan upang makanood. Isa pang dahilan ay nagrenta ng videoke ang tita ko kaya napaka-ingay sa kapaligiran.
Natapos ang Sabado na halos walang magawa sa buhay kundi tumambay, matulog, maki-usi sa kakataying baboy para sa handa, magpalakad lakad sa kalsada, magpunta sa bukid at magpicture at kumain.
Linggo, ang araw kung saan itinakda ang huling araw ng padasal. Eto rin ang inaantay ng buong baryo dahil sa tuwing may babang-luksa, may tsibog. Ang mga putahe na inihanda ay Igado(parang adobo), pininyahang manok, sweet and sour fish, fish fillet, lechon kawali. May softdrinks na kasama at salad pa. Grabe, di ko lubos maisip na andami pala sa baryo namin, parang nagsilabasan ng marinig ang paputok na hudyat ng kainan dahil tapos na ang dasal. Pila-balde kung tatawagin ng iba. Hindi naman simot todo kasi madami namang hinanda, un nga lang, nagkaubusan ng softdrinks at salad sa di nakontrol na pag-ulit at pag-doble ng iba.
At mabagal padin ang oras. Papauwi na kami ng magkaroon ng pagtatalo at away sa pagitan ng aking ate at pinsan. Dahil nga siksik kami sa kotse, sinasabi ng tita ko na makisabay sa kamag-anak ang aking pinsan dahil wala naman syang pasok kasi di sya nag-aaral. Binibiro pa sya na maiwan na lamang sa probinsya. Aun, napikon at biglang sinabi na mabangga sana ang sasakyan. Narinig ng ate ko at nagalit syempre. Sino ba namang matinong tao ang sasabihin yon kung saan sasakay ang halos buong pamilya nia sa sinusumpa nia na madisgrasya. Ang hampas ng dila ay mas masakit ika nga sa ibang aklat kaya nag-init lalo ang pagtatalo. Sa mga binibitawang salita ng parehong apoy ay lalong nagningas at lumalaki ang away. Mula sa putang ina, leche, tarantado, gago, bobo, tanga, walang kwenta ay mas lalong duduguin ang tenga mo. Walang nais magpatalo sa dalawa kaya kaya todo padin ang alitan. Hangin, yan ang inilalabas ng dalawang taong nagpapataasan ng ihi sa isa't isa. Nagsisisihan at nagpapayabangan. Pareho ding nagsisiraan at naglalabasan ng kung anong pintas ng kapwa. Humantong pa nga sa nais manghampas ng kung anung bagay ang pinsan ko.
Ayokong idamay ang sarili at gumitna dahil pareho silang may kasalanan. Parehong makitid at marupok. Ayokong sirain ang araw ng kahit paano ay oras ko upang makapagpahinga. Hinayaan ko na lamang na ang mga nakatatanda ang umawat sa nagbabanggaang Pula at Asul na apoy. Upang makatulong na lamang ay imbes na sumakay ako sa kotse at hayaang ang aking magulang na magkomyut, ako at ang aking ama na lamang ang nagdesisyon na umalis at mag bus. Maaari kasing magkaroon pa ng pagtatalo ang ate ko at tita ko tungkol sa away dahil kabisado ko ang ugali ng ate ko na maaaring magdadadakdak pa at kung anu-anu ang masabi. Kilala ko din ang aking tita na isa ding taong apoy na maaari ding sumabat at magkaroon ng pagtatalo habang nasa biyahe kaya mas mainam na ang mami ko ay kasama sa kotse. Ang pinsan ko naman na nakaaway ng ate ko ay kasama namin sa bus.
Aun, ang weekend na magulo at nakakabagot. Tapos. Walang gaanong larawan kasi di ko pa nablublutut at nakukuha ang mga larawan.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???