Wednesday, December 9, 2009

Piyesta sa Bundok!



Kahapon, kami ay namundok kami upang makisaya sa piyesta ng Antipolo. Ako kasama sila Rodem at si Marie ay dumayo upang makikain sa aming kasamahan na si Jeff.

Mga bandang ika-anim na ng gabi kami nakadating at  kami ay sinundo sa napagkasunduang lugar..... ang Petron gasoline station. Mula sa gasolinahan, kami ay sumakay sa tricycle at nagtungo na sa tahanan nila Jeff. Bumungad sa aming mga mata ang bonggang tahanan kung saan ito ay napapalibutan ng makukulay na ilaw at makulay na parol. Sa loob ng bahay ay ang kanilang christmas tree at sa ibaba nito ay si rudolph at si Santa Claus.

Nakakalula sa dami ng putaheng nakahain ang tumambad sa aking harapan. may Lumpoang ubod, lumpiang shanghai, kare-kare, chicken teriyaki at dalawa pang chicken and pork dishes. Nasa hapag kainan din ang desserts tulad ng gelatin at leche flan. Kami ay nabusog ng todo-todo sa sarap at dami ng handa.

Matapos makapagpababa ng kinain, kami ay tumuloy sa bayan mismo upang makita ang kanilang magagandang palamunting pamasko. Mukang may concert sa plaza nila kaya kami ay nagtungo sa Ynarez center upang tingnan ang perya. Madaming palaro ang masasaksihan dito, may color game kung saan ihahagis ang bola at kung saan matapat na kulay, un ang magwawagi. Meron din na ring toss game at shooting game. Meron din ang running light at bingo. May palaro din sa paghagis ng mamiso upang isakto sa squares na nasa tabla. Mayroon ding PS3 games na huhulugan mo ng limang piso upang makalaro ng 12 minutes. May mga rides din tulad ng ferris wheel, horror train, flying elephant, merry-go-round at catterpillar. May mini-tiyange din kung saan may mga nagbebenta ng piratang dvdm damit, laruan, bag at mga tsinelas at sapatos.

Matapos makapagliwaliw, kami ay naghanap ng maiinom na kape. Walang malapit na Starbucks kaya kami ay nagtungo sa bago sa aming panlasa at paningin, ang Seisha. Masarap naman ang Frap nila kaso wala silang variety ng sizes. Nakakabitin ang sukat ng inumin pero oks naman pagdating sa timpla at lasa. Dito sa kapihan na ito ay nagkaroon ng kwentuhan.

Nakauwi ako mga alas-onse na ng gabi pero masasabi ko na sulit ang pamumundok...


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???