Wednesday, December 2, 2009

Madam Gloring!



Nagdesisyon na si Erap na tumakbo sa halalan, at heto at may desisyon na din si madam. Nakapag-isip-isip na daw sya at nais nia daw pagsilbihan ang mamamayan ng kanyang tinubuang lugar, ang Pampangga (mukang mali ispelling).

Kagabi, napanood ko sa balita na sya nga ay nais kumandidato bilang kinatawan sa kongreso. Nais niang kumandidato sa mababang posisyon dahil matatapos na ang termino nia bilang pangulo.

Para sa akin? dapat ay di nalang sia tumakbo dahil baka mapagod sya. Pwera biro, dapat ay tumigil na sya. Ang byahe sa paglilingkod sa bayan ay dapat matapos sa pagka-pangulo. Ang mga taong nais paglingkuran at pagsilbihan ang bayan ay dapat magsimula sa kanilang maliit na lugar muna hanggang mapalawig ang kakayanan at ang katapusan ng paglilingkod ay matapos pagsilbihan ang buong bansa. Ang opinyon ko ay dahil takot sa maagang kamatayan ang mga kandidato ay sabik sila na lumukso at tumalon sa mas mataas na baitang na hindi nila lubos na naiiintindihan ang problema ng maliliit na mamamayan.


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???