Friday, October 30, 2009

Costume Party!



Ngayon ay ika-30 ng Oktubre at halos lahat ng opisina, malls at lugar ay naghahanda na sa halloween party at nagpreprepara sa mga event tulad ng costume party at spooky designs. Nakakaaliw makita ang mga tao na handa na nag-aayos ng kanilang kasuotan o kaya ay namimili ng mga props na gagamitin. Para sa akin, nakakalungkot dahil ngayong taon ay walang gantong theme sa opisina.Ang klasikong dahilan ay dahil kelangan magtipid at imbes na magpa-bongga sa dekorasyon ay gagamitin nalang pangtulong sa mga nasalanta ang pera na gagamitin.

Noong nakaraang taon ay meron kaming ganung kasiyahan dito sa opisina. Bawat grupo ay may naturang tema tulad ng mummies, zombies, fairies, elfs, vamps at iba pa. Nakakaaliw makita ang mga tao na todo effort sa pag-aayos ng kanilang itsura. Nakakaaliw lalo ung grupo ng fairies na puro kalalakihan ang miyembro. Ang nakatoka sa team namin noon ay zombie. Kami ay bumili ng poster paint na pula at dinungisan ng parang dugo ang damit at nag-make-up na animoy bangkay o kaya ay sa iba ay ispasol lang na may black eye.

Sasabihin kong okay noong nakaraan subalit hindi pa talaga ako at home sa team dahil mga bagong sabak lang kami. Kami ay mga newbies na baguhan palang sa grupo at nagsisimula palang makibagay sa iba. Ngayong kasundo ko na ang mga tao sa team at di na ako gaanong nahihitya sa kumpanya, ngayon naman walang halloween event. hahahaha! Sa iba ay masasabing ako ay sira dahil isa din naman ako sa naapektohan ng krisis ngunit naghahanap ako ng kaartehan sa opisina. Marahil ang masasagot ko lang ay nais ko lang naman magsaya at maranasan ang magtitipon at pagpapalit ng kasuotan na babagay sa tema o paksa.

Kung sakaling nagkaroon sana ng event, siguro, pipili ako ng nakakatakot na maskara or isang karakter sa anime tulad ni Franky or si Brooke ng One Piece!

Tuesday, October 27, 2009

Halloween Shirts

Today, I'm just posting Halloween shirts that caught my attention.
(based from zazzle.com)


 
 
 
 
 
 
 
 


 
 
 

Wednesday, October 21, 2009

Running Erap!



Matapos kong magising, sumambulat ang balita sa telebisyon na ang dating Pangulo ng Pilipinas ay tatakbong muli sa pagka-pangulo. Tama. Ang Dating artista at ang dating chikboy na si erap at ang napiit at na-impeach ay nagdeklara na tatakbo sa susunod na halalan.

Nakakatawa! Ang taong sinipa at pinatalsik ng taong bayan sa salang pagsamsam sa yaman ng bayan. An taong nangurakot ng buwis ng bayan. Ang taong nadawit sa Gambling ay nagpreprepara upang bawiin ang pwestong kanyang nilisan sa kasagsagan ng EDSA Dos. Ang taong may patilya ay gugulantangin ang mundo sa kanyang anunsyo!

Aking naaalala na noong nasa High School ako ay sya ang usap-usapan sa aming silid-paaralan. Mga kwento ng mga kaklase ko na dumalo sa rally upang sipain sa upuan ang kilabot na buwaya. Mga pagmamayabang ng aking mga kamag-aral na meron silang souvenir ng mga tarp at stickers kontra erap. Hanggang pakikinig lang ako dahil hindi ako sumama sa rally. Nagpaiwan ako sa bahay dahil ang akala ko ay magkakaroon ng Pokemon sa TV. Nagkamali ako. Walang TV show. Tanda ko na ang Edsa Dos noon ay ginanap, biyarnes at Sabado at pagsapit ng Linggo ay natanggal na sya sa puwesto.

Nakakaawa ang sitwasyon ng politika ng Pilipinas dahil ang taong trinaydor ang bayan ay syang kasama sa mga top people na nais daw ng taong-bayan na pangunahan ang ating bayan. Parang hindi na natuto ang pinoy at nais nilang maulit ang nakaraan na ang ganid sa pera at kapangyarihan ay gagawin muli ang dating plano.

Sana lang ay maging matalino ang bayan at hindi sya iboto.

Sunday, October 18, 2009

Pagkikita ikalawang alon!


Nakakainis. Bad trip! Imbes na makakain ng tama ay naiwan ako sa bahay ng tita ko upang magbantay ng bahay. Araw ng linggo at ngayon ang naitalang pagtitipon ng aking kaarawan. Masasabing ito ay wave 2 dahil naghanda na ako noong huwebes. Ngayon ay ang ikalawang paghahanda dahil bumisita ang aming malapit na kamag-anak sa bahay. Masaya dahil nagkaroon ng salo-salo subalit nakakabad trip dahil matapos akong makakain ay ako ay ginawang bantay ng bahay.

Natapos na ang sikat ng araw at ang kdilim ay sumakop na sa daan.Sumapit ang gabi at ako ay naligo nalamang at nagtungo sa malapit na Jollibee upang maalis ang gutom na nadarama at ang pagkainis na nararamdaman. Makalipas ang ilang sandali at naubos ko na ang inorder na pagkain, ako ay naglakad na patungong bahay. Sa aking paglalakad, may pamilyar akong nakita, isang mukang kaytagal ko ng hinahantay na mamasdan. Noong una ay duda ako kung ikaw nga iyon. kaya tumungo nalamang at nilagpasan kita.

Di ako napakali dahil malakas ang kutob na siya nga ang nakita ng aking mata. Di nagdalawang isip pa at ako ay bumalik at pasimpleng bumili sa tindahan kung saan sya ay nakaupo at dahan-dahan kong minasdan kung tama nga ang aking hula. Tama! Sakto! Jakpot! Swerte! Ang taong akala ko ay iba ay sya palang taong matagal ko ng inaasam na makita pang muli.

Nagalak ako sa pangyayari. Nawala ang pagkainis. Bigla din akong nagpawis. Natawa ang isip sa aking ginawa. Upang hindi magmukang isnabero ay kinausap ko sya. Tinanong kung kamusta na. Inusisa ang tungkol sa baha. Konting usap lamang ang nagawa dahil di ko din alam kung anu ang gagawin at anu ang dapat sabihin. Ako ay nagpaalam at nagsabi na parang "sa muling pagkikita". Tumalikod na ako at naglakad papalayo.

Sana sa susunod na mag-crus ang landas ay sana matagal-tagal na kwentuhan naman. Sana ay maibalik ang dating pagkakaibigan. Sana ay muli kang makasama.

Friday, October 16, 2009

Istoryang kaarawan!


Kahapon, ika-15 ng oktubre ay ang aking kaarawan. Ito ang petsa kung saan ako ay nadagdagan nanaman ng edad. Lalong tumataas ang numero sa aking edad at papalapit ng papalapit sa dulo ng kalendaryo. Ayaw ko mang aminin pero tumanda nanaman ako. Habang gumagalaw ang orasan ay aking naalala ang mga nakalipas na pagdiriwang ng aking kaarawan.

Ang mga bagay na naaalala ko nung ako ay musmos pa lamang ay noong ako ay pitong taong gulang kung saan ay nakasanayan na ng pamilyang pinoy na paghandaan ang ganung okasyon. Aking naaalala na noon ay umupa kami ng party clown o tinatawag na BOYOYONG noong kapanahunan ko. Di ko din malilimutan ang mga palaro at regalong mga natanggap.
 
Natatandaan ko din na minsan ay ginanap din ang aking kaarawan sa RainForest(pasig) kung saan ako ay nakatanggap ng laruang Bishop ng X-men mula sa aking magulang. Tanda ko din ang mga premyong water gun at ang nakakatawang bagay ay sa isang palaro ay may extrang bata na sumali at nanalo.

Lumipas ang mga taon at sa grade school ako nagdiriwang ng kaarawan. Natatandaan ko na nagdadala ako ng loot bag na may lamang candy, laruan at chocolates para sa aking mga kaklase. Kung hindi ako nagkakamali ay hanggang grade 4 iyon dahil pagtungtong ng grade 5 at 6 ay hindi  na nababagay sa akin ang magpamigay nun. Ang ginagawa ko noon ay nililibre ko nalang ang mga kaibigan at kamag-aral sa canteen. 

Pagsapit ng High School ay mas sumimple ang pagdiriwang. Wala na ang grandeng pakain at pagdiriwang. Ang ginagawa nalang ay nagluluto ng pagkain sa bahay at animoy pot luck dahil ang mga kamag-anak nalang ang may dalang pagkain tulad ng puto o kaya cake. Isang beses, ay ang ginawa ko ay nilibre ko ang mga kamag-aral ko sa KFC. Masaya ako nung araw na iyon. Di ko din makalimutan na ung taong kinaiinisan ko ay nagregalo pa sa akin ng Pokemon card. 

Sa Kolehiyo ay halos pareho lang din. Bibili ako ng bucket meal sa KFC at kaming magkakabarkada ay pagsasaluhan iyon. Wala na ang pagreregalo syempre dahil batid ko naman na hindi na uso ang regalo. It's the thought that counts na ang kadfalasang madidinig at maiisip. 

Magarbo ng maituturing ang aking 21st birthday dahil ito ay ang sinasabing debut ng kalalakihan. Nirentahan namin ang isang private resort sa antipolo at doon dinaos ang aking kaarawan. Imbitado ang mga kamag-anak, kaklase sa high school at college. Masaya ang araw na ito.

Ang una kong kaarawan noong nakaraang taon ay simple ulit. Eto ang unang pagkakataon ko na magdiwang bilang isang taong may trabaho. Sa totoo nun ay trainee palang ako at di pa sigurado kung makukuha nga ako. Bumili lang ako ng ice cream kasama ang isang ka-batch dahil magkasunod lang ang araw ng aming birthday. October 16 kasi ang kanyang araw ng kapanganakan.

Kahapon ang aking kaarawan. Wala na ang balak ko na rentahan ulit ung sa may Antipolo dahil kami ay nasalanta ni Ondoy. Napaka-ordinaryo ng araw at kakaiba. Imbis na bilan ko ang sarili ng regalo ay bumili ako ng plastic container na mapaglalagyan ng damit upang kung sakaling mangyari ulit ang baha, hindi na lahat ng damit ay lulubog at kelangan labhan. Wala ng party games, imbes ay naglaro nalang ako sa arcade sa mall. Walang bonggang handa, normal na ispageti at cake nalang.

Masaya nadin ako dahil hanggang ngayon at heto ay buhay ako. Hanggang ngayon ay kaya pa naman ang mga pagsubok at hamon sa buhay. Nagpapasalamat ako at di naman ako naghihirap at may trabaho ako. 

Belated Happy Birthday sa akin.


Wednesday, October 14, 2009

Kwentong Ulan


 
Ulan, Ang bagay na hinihintay ng mga tao na naiinitan sa tindi ng sikat ng araw. Ang pangyayaring natural sa mundo kung saan pumapatak ang mga butil ng tubig na nagmumula sa kalangitan.Isang proseso na nakatutulong sa mga pananim at sa mga nabubuhay dahil ito ay nagbibigay kaginhawaan.

Noon, kapag umuulan ay masaya kaming naglalaro sa kalsada. Mga batang yagit at paslit na masayang nagtatampisaw sa tubig at mabilis na kumakaripas ng takbo at nag-uunahan sa mga alulod na malakas ng buhos ng tubig. Mga panahong walang sawa ang mga kabataan sa paghiling na sana hindi pa huminto ang ulan dahil sa sayang dulot. Hindi alintana ang lamig at ginaw na dulot ng pagbagsak ng tubig sa kanilang mumunting katawan.

Kung babalikan ko ang nakaraan, masasabi ko na isa ako sa mga batang nagsasaya at libang na libang sa pagbuhos ng ulan. Kahit na anong lakas ng ulan ay kakayanin at di palalampasin. Kahit na anung signal pa ng bagyong dumating ay ayos lang sa amin. Naranasan ko na maligo sa ulan ng anim na oras. Naranasan ko na magtampisaw sa maliliit na baha na dulot ng lakas ng ulan. Nakawa ko ng magpagala-gala kung saang lupalop at playground upang mag-enjoy sa bagsak ng ulan.

Ngayong ako ay 22 years old na, hinahanap-hanap ko ang nakaraan at ninanais na maligo sa gitna ng daan at mabasa ang katawan. Ako ay nagbabalik tanaw sa nakalipas habang bumubuhos ang ulan. Subalit sa sinapit noong nakaraang linggo na dulot ng bagyong Ondoy, Hindi ko alam kung nanaisin ko pa na magtagal ang buhos ng ulan dahil di ko alam kung kakayanin ko pa na mawalan ng tirahan at lumubog ang mga gamit na aking binili na nagmula sa aking pinagpaguran.

Tuesday, October 13, 2009

Wirdong Leave



Nakakatawang isipin na ang leave na finile ko noong nakaraang buwan upang ako ay makapaghana sa aking balak na magkaroon ng birthday celebration ay nauwi lamang sa pagtambay sa bahay. Wirdong pagkakataon dahil nag-file ako ng apat na araw na leave ngunit mauuwi lang sa pagbabantay ng bahay na nasalanta ng bagyong Ondoy.

Sa Unang araw ng leave kokahapon, ika-12 ng oktubre ay napagpasyahan ko na pumunta sa mall at doon ay umubos ng oras. Ang totoong balak ko din ay bumiling plastic container na paglalagyan ng mga damit upang kung sakaling bumaha muli ay tuyoang damit dahil naka-silid itosalalagyang may takip.

Pagdating sa Megamall ay nagtungo ako sa department store subalit ako ay nadismaya dahil wala pading stock nung hinahanap ko. Ang dahilan nanaman ng mga empleyado ay wala padin daw na deliver at baka sa gaganaping 3 day sale pa magkakaroon! Kamusta naman sa pagpapaasa diba?dalawang linggo ko na hinuhunting yung bagay na iyon dahil mura na, may pakinabang pa.

Dahil wala na akong magagawa ay napagpasyahan ko na maglaro sa arcade.Ako ay bumili ng token at naglarong arcade game. Kahit na weekdays ay madami ang naglalaro sa Megamall at nandoon ang mga bihasa sa laro. Mga halimaw, sila ang mga taong dalubhasa sa mga combo sa arcase.mga taong mukang ginugolang panahon sa pagpraktis kung pano di makakatakas ang kalaban sa kanilang mga kuko. Nasayang lang ang tokens ko dahil natalo ako sa laban.

Makalipas ang paglalaro, napagpasyahan ko na lumipat sa Robinsons Galleria at doon tumambay. Ako ay bumili ng makakain at nagpalibot-libot sa mga palapag ng mall. Nais komang bumili ay wala akong sapat na pera dahil hindi pa pumapasok ang suweldo. Naisipan ko nalang na umubos oras sa pagtingin-tingin sa mga paninda at umupo sa food court.

Tinapos ko ang araw na hindi nakakalaro ng Mafiasa Facebook at bumili ng donut upang pasalubong sa bahay at maliit na handa dahil kaarawan ng pinsan ko. Nag-iisip din akokung anu pang pedeng gawin sa natitirang tatlong araw ng leave ko.